Part 34

85 23 9
                                    

-Demi POV-

Ilang araw na ang lumipas ng makausap ko si Maeve at hindi pa din pumapasok si Bree. Kalat na sa buong campus ang nangyare sakanya maging ang pagpatay niya sa kapatid ko.

Hindi ko magawang dalawin siya sa hospital dahil hindi ko alam ang sasabihin sakanya. Aaminin kong gusto kong magalit sakanya pero parang hindi ko na kaya. Mas nangingibabaw ang pag-aalala ko kesa sa galit kay Bree.

I want to see him and know if he's fine. Sobra ko siyang nasaktan kaya naging ganun ang reaksyon niya kay Owen. Gusto ko siyang makita at humingi ng tawad dahil aaminin kong nagising ako sa halik niya sakin. Alam ko na ngayun ang nararamdaman ko. Alam kong tuluyan na akong nahulog sakanya. Nahulog na ko sa taong pumatay sa kapatid ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Demi. Demi." At isang boses ang nakapagpabalik sakin sa realidad. Napangalumbaba pala ako habang kumakain dahil sa malalim kong pag-iisip.

"Perry." Mahinang usal ko at napaayos na ko ng upo.

"Kanina ko pa ikaw kinakausap hindi ka pala nakikinig. Sabi niya at napapatong na ang baba ko sa lamesa. "Ang lalim nanaman ng iniisip mo."

"Wala."

"Tss. Iniisip mo si Bree no?" Tanung niya at napanguso ako. "Tss. Kung gusto mo siyang makita eh di puntahan mo. Ikaw naman na tong nagsabi sakin na sinabi sayo ni Maeve kung nasan siya baki—"

"Papakasalan mo ba talaga si Bree?" Tanung ko para matigilan si Perry. Napatingin ako sakanya ng seryoso kasunod ng pagkrus ng dalawang kamay ko. "Ayun kasi ang sinabi ni King Aeson nung—"

"Gusto mo ba?" Tanung ni Perry sakin para maputol ang sinasabi ko. "Gusto mo bang pakasalan ko si Bree?"

at hindi na na ako nakapagreak sa tanung niya. Napabaling ang tingin ko sa iba kasunod ng pagnguso ko sakanya. "N-Natanung ko l-lang naman.."

"Baliw." Mahinang usal ni Perry sabay kagat ng niya ng tinapay ng biglang..

"Queen Perry." Singit ni Owen at napatingin kami sakanya. "Can I join?" Tanung ni Owen samin at napatingin si Perry sakin. "Sabi kasi ni papa na bantayan kita."

"Hindi mo naman ako kailangan bantayan."sagot ni Perry at napatingin siya sakin. "Kasama ko naman si Demi. Wala naman dapat na—"

Nahinto si Perry sa pagsasalita ng mapaupo si Owen sa tabi ko. "Then kay Demi na lang ako magtatanong. Can I join Demi? Gusto ko kasi kasabay ka kumain."

"Sige." Mahinang usal ko at napatayo na ko. Natigilan si Owen at napatingin sakin. "Kumain ka. Tapos na kasi ko kumain." Sabay tingin niya sa pagkain kong hindi ko nabawasan at napatingin din naman ako dito. "Ah. Nawalan kasi ako ng gana. Sige Perry mauna na ko sa classroom."

Napangiti ako at umalis na sa harap nila. Napanguso naman ako habang naglalakad. Nag-iisip sa lahat ng nangyare sakin.

"Galit ako." Mahinang usal ko. "Pero gusto ko siya. Pero gusto ko ding magalit kas—" Natigilan ako ng biglang may humatak sakin papunta sa gilid! Agad niyang tinakpan ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko sakanya. Napalunok ng lumapit pa siya sakin dahilan mapasandal ako sa pader.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maidikit niya sakin ang katawan niyang walang saplot pang itaas. Nakahawak siya sa bibig ko at nakatingin ng seryoso sakin.

"Wag kang maingay." Bulong niya sakin. Napapatong niya ang baba niya sa balikat ko at napahinga pa ng malalim. Halos magkadikit na ang katawan namin na kulang na lang ay yakapin niya ko. Ramdam ko ang init niya dahil sa wala niyang saplot pang itaas.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon