Part 33

91 27 9
                                    

-Demi POV-

"Ang the winner for the 2031 Great Oak Dance competition is.." Pangbibitin ng announcer at napahawak na ko ng mahigpit sa kalaban ko.

Nandito kami ngayun sa isang stadium para sa competition na aking sinalihan. Kasama ko si mama na sumusuporta sakin, samantalang si papa at Denesmi naman ay nasa kaarawan ni Queen Aitana.

"DEMETRIA EVE FONTANILLA!" Sigaw ng announcer at nanlaki ang mga mata ko! Napatayo si mama sa sobrang galak at napapalakpak pa!

Napatalon ako sa tuwa nang marinig ko ang pangalan ko. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa excitement na nararamdaman ko. Kuminang ang mga mata ko ng makita ang tropeyong papalapit sakin. Napabaling ko din naman ang tingin kay mama at natigilan.

"Ma—" Papahinang sabi ko ng bigla akong nakaramdaman ng kalungkutan ng makita ko si mama na may hawak ng phone. Umiiyak siya at napatakip pa ang bibig niya.

"Can I call the guardians of ms. Demitria for the picture taking?" Sabi ng announcer at napatingin si mama sakin.

Alam kong may hindi magandang nangyare. Halata sa mukha ni mama ang pagpipigil niya ng luha at ang pagkagat niya sa mga labi niya.

Nahinto ang aking kaligayahan sa aking pagkapanalo. Lumapit siya sakin at napayuko. "Mama." Mahinang usal ko at napatingin siya sakin.

Isang pekeng ngiti ang ipinakita niya kasunod sa pagharap niya sa camera..

"Let's go Eve." Mahinang usal ni mama nang matapos ang paligsahan. Hawak niya ang kamay ko habang hatak hatak niya ako.

Napatingin ako sakanya habang naglalakad kami papunta sa kotse. Ramdam ko ang pagmamadali namin maging kaba ko sa dibdib. Hindi ko alam ang nangyare pero halata kay mama ang lungkot niya.

"Mama." Mahinang usal ko at binuksan na niya ang pinto.

"Sakay." Sabi ko at pansin ko na ang pamumula ng mga mata niya.

"Ma—"

"SINABI NANG SUMAKAY KA!" Sigaw niya at nagulat ako. Agad akong sumakay sa kotse at binalibag naman niya ang pinto nito. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa driver's seat.

Napahinga siya ng malalim at napahawak na sa manubela, doon ay hindi na nakayanan ni mama ang kanyang nararamdaman. Bigla na lang siyang humagulgol sa harap ko kasabay ng paghikbi niya. "M-Mama." Nauutal na sabi ko kasunod ng paghawak ko sa braso niya. "Ma anu pong nangyayare?"

"Si D-Demi.." Humihikbing sabi niya sakin.

"A-Anong pong nangyare kay Demi?" Tanung ko at napatakip na si mama ng mukha kasabay ng malalalim niyang paghinga.

"Patay na si Demi.." Sagot ni mama at natigilan ako. Nanaig ang katahimikan samin maging ang mabilisang pagbalot ng kalungkutan sakin. "W-Wala na ang anak ko.. Wala na ang kapatid mo!" Mariing sabi niya at hindi na ko nakapag reak pa.

Hindi ko alam ang gagawin at nanatiling blangko na lang ang aking utak. Humihina ang mga sinasabi ni mama at nanatili lang akong nakatingin sakanya.

Ni isang salita galing sakanya ay hindi ko na maintindihan. Sobrang sakit sakin ng makita ko ang mama kong umiiyak dahil sa pagkawala ng kapatid ko. Ang alala ala naming dalawa. Si Demi, ang mahal kong kapatid ay biglang naglahong parang bula saamin.

Gisingin niyo ako ngayun sa isang bangungot. Sampalin niyo ako sa isang kasinungalingang naririnig ko mula kay mama. Tulungan niyo kong ipaintindi saakin na wala na ang kapatid ko dahil hindi ko matanggap. Hindi ko kaya. At hindi ko gustong mawala siya saamin.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon