Part 53

49 16 0
                                    

-Demi POV-

Umalis si Bree sa harap ko dahil sa inis at galit niya saakin.  Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at makapagsabi ng totoong kwento sakanya. Agad niyang sinara ang tenga at isip niya saakin.

Napahinga ng malalim at napakunot pa ang noo ko. Inis akong pumunta sa rooftop at doon ay naglabas ng sama ng loob.

"PESTE KA TALAGA JAESON BREE!" Sigaw ko na may halong inis! "Hindi mo man lang ako pinakinggan muna! Ang dami mo nang sinabi!" Sabay hawak ko ng mahigpit sa railings. "AKALA MO GWAPO KA?! SUPOT KA! KOREANONG SUPOT! HINDI KA GWAPO! HINDI AKO MAGHAHABOL SAYO! ASA KANG SUSUYUIN KITA! H-Hindi.." Papahinang sabi ko at napahawak pa ako sa dibdib ko. Napayuko kasabay ng pagkirot ng puso ko dahil sa lahat ng nangayare. "Nakakainis.."

"Hindi ba talaga gwapo?" Isang boses ang sumingit sa pagdradrama ko at napatingin ako sakanya. Ngumiti siya sakin sabay lapit. "Laban ni Bree ah?"

"Ikaw pala Maeve."

"Hindi ka ba pupunta?" Tanong niya at napapatong na ang braso ko sa railings. Tumingin sa malayo habang nakikipag-usap kay Maeve. "Hindi ka ba manunuod ng laban niya?"

"Kaya naman niya yun ng hindi ako nanunuod." Sagot ko at napangisi siya sakin. "Bakit ikaw? Hindi mo ba siya ichi-cheer?"

"Eh nandito ka na eh. Bakit pa ako magiging cheerleader niya eh nandyan ka na?" Tanong niya sakin sabay sandal sa railings at krus pa ng dalawang kamay. "Sabi mo di ba maging si Maeve Harley Alonzo ako? Yung mga ganung bagay pang Demitria Eve Fontanilla lang yun."

"Tss. Hindi naman ako nangchi-cheer sa mga players." Sagot ko sakanya.

"Eh kasi ikaw yung chinicheer." Sabay ngiti ni Maeve sakin. "MVP ka kaya dito sa basketball."

"Nagsalita ang 3 Pointer namin?" At napayuko kaming dalawa na parang natatanggal na saamin ang ilangan. "Ang galing mo nga eh s—"

"I'm happy to be me." Pagpuputol ni Maeve sakin. "Hindi ko na kailangang gayahin ka at nagagawa ko na yung gusto ko without thinking sa mga reaksyon ni Bree. Nakafocus na kasi siya sayo."

"Maeve—"

"He really loves you Demi. Alam ko." Sabay tingin niya sakin. "Seloso si Bree kung gusto mong malaman."

"What? Seloso siya?!" Gulat ko at napahagikgik na si Maeve sakin.

"Seloso pero sobrang mapagmahal. Kapag kanya, kanya lang. Namana ata niya yung ganung ugali kay Queen Aitana." Dagdag niya at napatingin na siya sakin. "Ipagdadamot ka niya sa iba hanggat maaari. Walang pwedeng gumalaw at manakit sayo kapag si Bree ang nagmahal sayo. Parang kasi—" Sabay lapit niya sakin. "Parang ituturing ka niyang isang kayamanan na makikipagpatayan muna siya bago ka makuha ng iba."

"Kailangan ko bang matuwa sa sinabi mo? O matakot sa ugali niya?" Tanong ko at napalunok pa ako.

"Ganun siya magmahal. Sigurado akong hindi siya magloloko sayo kasi simula palang ikaw na ang babaeng gusto niya." At napahawak na si Maeve ng kamay ko. Napalunok siya kasunod ng paghinga ng malalim. "Alagaan mo sana siya dahil isa siya sa taong importante sakin. Isa siya sa taong mahal ko, Demi. Alam kong mahal mo na siya, hindi ka naman kasi magkakaganyan kung hindi."

"Maeve—"

"Kung nagkaaway kayo, sana maisip mo na mahal ka lang talaga niya kaya naging ganun ang lahat." Napayuko ako sa mga sinabi ni Maeve at parang nakonsensya pa.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon