Part 52

31 15 0
                                    

-Demi POV-

"Fuck you! Anu sabi mo?!" Isang sigaw ni Owen sa lalaking nakahandusay na sa lapag. Tadtad ng suntok mula sakanya habang nakahawak pa siya sa kwelyo nito. Pinagkumpulan na sila ng mga tao habang inaawat naman siya ni Perry at Phoebe.

Halata ang galit sa kanyang mga mata maging ang panggigigil ng mga kamao niya. Ang nagpuputukan niyang mga ugat sa leeg maging ang gigil ng kanyang mga ngipin.

"Dahil lang sa babae naggagaganyan ka?!" Mariing sabi ni Nix sakanya. "IKAW TONG NAGSABI SAMIN NA HINDI MO MAHAL SI DEMI! NGAYUNG NAKUHA SIYA NI BREE PARANG KANG TANGANG UMIIYAK SA TABI?!"

"TANG INA MO!" Sigaw nanaman niya at susuntukin na sana niya si Nix ng bigla na akong magsalita.

"Owen." Pagtawag ko sa pangalan niya at napatingin sila sakin. Natigilan siya at napabitaw sa kwelyo ni Nix. Agad na humawi ang daan ko at nagsitabi ang mga tao para paraanin ako. Nagkrus ang dalawang kamay ko kasunod ng seryosong tingin kay Owen. "Matulog ka na sa dorm at magpahinga. Lasing ka n—"

Natigilan ako ng bigla niya kong niyakap! Nanlaki ang mga mata ko ngunit nanatiling nakakrus ang dalawang kamay ko. "I'm sorry." Bulong niya sakin. "Please.. Let's talk. Please." Sabay hawak niya ng mukha ko. Kita ko ang maluha luha niyang mga mata maging ang paghikbi niya. "Please.. Mag-usap tayo Demi."

"Lasing ka na. Umuwi na tayo sa dorm para makapagpahinga ka." Dagdag ko at napahawak na siya sa dalawang kamay ko sabay lapit sa bibig nito. Para siyang batang nagmamakaawa sakin ngayun. "Owen, umuw—"

"Please Demi. Mag-usap tayo Please!" Pakiusap niya pa at napatingin ako kay Phoebe na nasasaktan ngayun sa nakikita niya. "Please!"

"Tara na sa dorm at doon na lang tayo mag-usap." Sabi ko at napangiti na siya sakin. Tinignan ako ni Perry at napatalikod na ko sakanila. Natigilan ako ng biglang hawakan ni Owen ang kamay ko kasunod ng paglock ng daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko. "Bakit?"

"Doon ka matutulog sa dorm ko." Sabi ni Owen at hinatak na niya ko palabas ng bar.

Agad na sumunod samin si Perry dahil magkatabi lang naman sila ni Owen ng kwarto.

"Demi." Mahinang sabi ni Perry ng makarating kami sa dorm. Naunang pumasok si Owen sa room niya habang ako ay nasa labas pa.

"Mauna ka nang matulog. Mag-uusap lang kami ni Owen." Sagot ko at napangiti pa.

"Sige. Hindi ko ilolock yung kwarto ko para makapasok ka mamaya." Sabay ngiti niya sakin. Napatango ako at biglang..

"Demi tara na!" Masayang sabi ni Owen at napatingin na ko sakanya.

Pumasok ako at kita ko ang pagkakaiba ng room niya kumapara sa dati. Ang magulo at makalat niyang kwarto ay maayos na. Wala nang mga bote ng alak at ibang drugs di tulad dati na tatambad agad sayo pagkapasok mo.

"Simula nung lumipat kami ni Perry dito, pinanatili ko na ang kalinisan at ang ayos nitong kwarto." Sabi ni Owen at napatingin ako sakanya. Nakaupo siya sa kama at direktang nakatingin sakin. "I stop drinking and having drugs simula nung narealize kong.." Sabay tayu niya at lapit sakin. tumingin direkta sa mga mata ko at ngumiti. "Mahal pala kita Demi. Hindi pala kita kayang mawala sakin."

Natigilan ako sa mga binitawan niyang salita sakin. Napaatras at napahawak sa dibdib ko. "A-Ano?"

"Nagbago na ko. Alam kong ayaw mo ng makalat sa kwarto kaya ito." At inilibot niya ang paningin sa buong lugar. "Hindi na ko makalat at nagpapakamatino na ko. Para pagbumalik ka, may Owen na, na magugustuahan at mamahalin mo pa lalo."

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon