Part 50

63 17 1
                                    

-Bree POV-

"Ikaw!" Sabi ng babae kay Demi at kita ko ang pagkuyumos niya ng mga kamay.

Galit na galit ito dahil sa panlilisik ng nga mata niya maging ang kanyang kamao ay nanggigigil na. Agad akong napatakbo kay Demi at isang..

"OMG!"
"Yung mascot.."
"Si Zoi Bree?"

Bulong bulungan nila ng matanggal ang ulo ng mascot na suot ko sakin dahil ako ang sumalag sa suntok niya na dapat kay Demi. Natigilan ako at nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nanugod kay Demi. Inis akong tumingin sakanya at napaatras pa siya.

"Ikaw?!" Sabi ko sabay kuyumos pa ng mga kamay ko! "Hindi ako nananakit ng babae! Pero kapag ginawa mo ulit yun sa reyna ko doble nun ang gagawin ko sayo!"

"Z-Zoi B-Bree." Nauutal na sabi niya sakin at napapalunok pa.

"Tss! Umalis ka na dito." Sabi ko sa babae at napalingon ako kay Demi na gulat sa nangyare. "Ok ka lang?" Tanong ko at napahawak pa ko sa mukha niya. Seryosong tumingin kasunod ng pagngiti ko pa. "May masakit pa ba sayo?"

"B-Bree.." Nauutal na sabi niya at natameme pa din siya sakin.

"Sorry.. Hindi ko talaga matiis na hindi panuorin ang laban mo." Sabi ko at napayuko siya sakin. "Pasensya na kung pinanuod ko laban mo gamit ng mascot na ito."

"Pero di ba ang init ng mascot na yan para sayo?" Tanung niya sakin at napanguso ako.

"Oo, pero mas ok na yun para masuportahan kita ng hindi mo alam." Sagot ko sabay kindat. Natameme siya sakin at nakuha namin bigla ni Demi ang atensyon ng mga tao. Nailibot niya ang tingin sakanila at parang nahiya pa.

"Ate Demi!" Isang pamilyar na boses ang papalapit sakanya sa court. Nasa gitna pa din kami at parang naghigiyawan na ang mga tao. "Ate Demi!"

"C-Core V?" Nauutal na sabi ni Demi ng makita niyang papalapit si CoreV samin.

Itinaas ni Core V ang bagong gawang mga kamay niya na parang gustong magpayakap kay Demi. "A-Ate D-Demi!"

"CoreV!"At biglang sinugod na ni Demi si CoreV ng yakap. Napangiti ako at parang naiiyak naman siya. "Maayos ka na! Ok ka na ulit."

"O-Opo." Sabay turo sakin ni CoreV. "Kuya Jae fixed me."

"Whoah?! Naayos na din yung mga basag sa—"

"Buti na nga lang hindi yung mismong control unit ang kanilang nasira kundi baka hindi na gagana si CoreV ngayun." Sagot ko sakanya at napatingin si Demi sakin.

"I-Ikaw ba ang nag-ayos sakanya?" Tanung ni Demi at napakamot na ko ng ulo.

"Oo.. Alam ko kasing importante si CoreV sayo, kaya inayos ko siya at inupgrade yung system niya as—" At bigla akong sinugod ng yakap ni Demi! Muling naghiyawan ang mga tao sa kanilang nakita!

"Omg!"
"Hoy nakakakilig!"
"DEMI AND BREE NA BA?!"

Sigaw nila at lalo pang hinigpitan ni Demi ang pagkakayakap sakin.

"Ikaw din pala ang nag-ayos last time." At naiangat ni Demi ang tingin sakin. Kita ko ang maluha luhang niyang mga mata kung kaya't napapunas ako dito.

Napangiti kasunod ng paghalik ko sakanya sa noo. "Tss! wala yun."

"Thank yo—" Natigilan siya ng mapangiti ako.

Lalong naghiyawan ang mga tao sa mga sumunod na eksena.

"HALA! NAKAKAKILIG!"
"OMG! ZOI BREE!"
"ANG SWEET!"

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon