Part 55

41 18 0
                                    

-Bree POV-

Nagising ako ng nakayakap si Demi sakin. Napatingin sakanya at mukhang mahimbing ang kanyang pagkakatulog.

Napahinga ng malalim at muli kong pinagmasdan ang maganda niyang mukha. "Kung ganito makikita ko tuwing umaga baka hindi na ko babangon." Mahinang usal ko at napalapit pa si Demi sakin sabay yakap. Napangiti ako at niyakap ko din naman siya pabalik.

"Ang ingay mo." Bulong niya sakin at napayuko ako para masilip ko siya.

"Gising ka na?" At marahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napatingin siya sakin at napalapit pa.

"Sa ingay mo tingin mo hindi ako magigisi—"

"I love you." sabi ko kasunod ng paghalik ko sa noo niya. "I sense you. Goodmorni—"

"Until when?" Tanong niya sakin at natigilan ako. "Hanggang kelan mo ko mahal, Bree?"

"What do you mean?" Tanong ko at napalayo siya sakin. Napaupo kasabay ng buntong hininga.

"People change, we might  find something new." Sagot niya sakin at napatingin siya sa mga mata ko.

Napaupo ako at napangiti sakanya. Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan siya ng seryoso. "I might change," Sabi ko at napalunok siya. "But I will never leave you, Demi."

Napangiti si Demi sakin at marahan niyang ipinikit ang mga mata niya kasunod ng paghalik niya sa labi ko. Napahawak siya sa buhok ko dahilan para mapadiin ang paghalik niya sakin.

Napayakap ako sa bewang ni Demi at napangisi. Natigilan siya sa paghalik sakin dahilan para mapalayo ang mukha niya ng bahagya. "Maybe Prince Philip has Queen Elizabeth, Prince harry has Meghan, King Aeson has Queen Aitana." Sabi ko at napalapat ang palad ko sa mukha niya. "But then, Zoi Bree have you."

"Bree." Sabay hawak ni Demi sa pulso kong nakahawak sa mukha niya.

"Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mo. Kung ayaw mong maging Zeine ko, its fine. Kaya kong pamunuan ang Tresente ng ako lang." At napahalik ulit ako sa noo niya. "I love you Demi at ayokong magkaroon ng ibang reyna maliban sayo."

Napayakap siya sakin at biglang kong nakita ang cellphone namin sa nightstand. Napaabot ako dito at napatingin naman si Demi sakin.

"Ano yan?"

"Picture ka naman para may pang wallpaper ako ng cp." Sabi ko at iniabot ko ang cp sakanya. Ngumuso at parang nagmakaawa pa. "Please.. Para tuwing umaga ikaw una kong makikita sa cp ko."

"Tss." Inis niya at napakuha siya ng phone ko. "Daming alam." Nagposing siya sabay bigay niya sakin ng phone. "Oh ayan na."

"Whoah! Thank you." Sabi ko at agad kong ginawang wallpaper ang picture niya.

" Sabi ko at agad kong ginawang wallpaper ang picture niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon