Part 44

64 22 3
                                    

-Demi POV-

"Mauna ka na sa classroom. MagCCR lang ako." Paalam ko kay Bree habang naglalakad.

Nagpunta muna ko sa library para silipin si Core V matagal ko na siya hindi nakakamusta dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw.

"Ate?" Tanung ko ngunit wala ang librarian na laging nang aaway sakin. Napakunot ang noo ko at muling inilibot ang tingin. "Hanapin ko na nga lang si Core V."

"FUCKING ROBOT!" Isang sigaw ang narinig ko at agad akong napatakbo sa direksyon nila. "Look what you did to my bag! Ang mahal pa naman nito! It's Gucci!"

"B-Bawal P-Po A-Ang D-Drinks S-Sa L-Library." Pagsasalita ni Core V.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sira niyang mga kamay at ang basag sa bandang ulunan niya!

"SUMASAGOT KA PA ROBOT KA LANG NAMAN!" Isa pang sigaw niya kasunod ng pagpukpok niya ng malakas kay CoreV gamit ang map na basa. Halos masira na nila si Core V at hindi na ito makatayo. May kuryente at usok na ding lumalabas mula sa sira niya. "FUCKING BITCH!"

Nagdilim na ang paningin ko kaya sinugod ko na siya ng suntok! "FUCK YOU PHOEBE!" At bigla siyang napaupo kasunod ng panlalaking ng mga mata niya sakin. Napakuyumos pa ang mga kamay ko napatingin kay CoreV! "CoreV!" Sabi ko at napalapit na ko sabay upo sa tabi nito "S-Sirang sira ka na.."

"Hahaha." Tawa ni Phoebe at napatayo siya. Nagkrus ang dalawang kamay niya at lumapit pa sakin. "Sabi na nga ba at dito kita makikita. I'm sorry kung napagtripan ko pa ang robot robotan mong kapatid."

"ANU BANG PROBLEMA NIYO?!" Sigaw ko at ramdam ko na ang panggigigil ko sakanya. Halos nangilid na din ang luha ko dahil sa galit ko sakanila! Gusto ko siyang saktan at suntuking ng isang libong beses dahil sa ginawa nila kay CoreV! "Nanahimik si Core V tapos bigla na lang kayo manunugod!"

"Hoy!" Sigaw ni Phoebe at napaduro na siya sa ulo ko. "Yung magaling mong robot, siya ang unang sumugod! Look at my bag!" Sigaw niya sakin at inilahad niya pa ang bag niya sa harap ko. "Natapunan niya ng juice ang bag ko!"

"Na juice mo din." Mariing sabi ko at napatayo na ako. "Hindi ka naman niya sisitahin kung hindi ka gumagawa ng bawal dito sa library." Seryosong usal ko kasunod ng pagkrus ng mga kamay ko. "Didn't you see yung nakapaskil sa may pinto? Ang sabi, no food and drinks inside." At napatingin sila sa pinto. Doon ay nakita nila ang malaking tarp ng rules and regulations ng library namin. "Kaya ayaw sayo ni Owen eh." Sabay tingin ko sa mga mata niya. "Tanga ka kasi."

"Anung sabi mo?" Tanung ni Phoebe sakin.

"Ang sabi ko tang—" At isang malakas na sampal ang ginawa niya sakin! Napapahinga siya ng malalim at kita ko ang inis niya sa mga sinabi ko!

"Hold her!" Maawtoridad na utos niya kila Soojean. "At ilabas siya dito sa library."

Hinawakan nila ako ng mahigpit at hinatak palabas ng library! Ipinunta nila ako sa gilid kung saan walang makakakita saamin.

"Fucking bitch!" At isang malakas na sampal nanaman ang natamo ko sakanya! "Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng tanga?!"

"Hindi ka ba makalaban mag-isa para humingi pa ng tulong sakanila?" Tanung ko at napangisi pa ako. Hinawakan pa nila ako ng mahigpit para hindi makawala.

"Fuck you Demi!" Mariing sabi niya pa sakin kasunod ng malakas na suntok niya sa tyan ko! Agad na napabaluktot ang katawan ko sa sakit ng ginawa niya. Sinabunutan niya ang buhok ko at pinuwersa niya kong tignan siya gamit ng pagkakasabunot niya sakin. "I told you, I'll bring back your memory. Sa dati mong eskwelahan."

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon