Part 37

76 23 15
                                    

-Demi POV-

"Where is she?" Isang pamilyar na boses ang nakapagpagising sakin.Hindi ko magawang mamulat ang mga mata ko dahil sa pagod ngunit rinig ko ang kanilang pag-uusap.

"We found them at the back of the Alonto's building. Eve saved Jae." Boses ni Queen Aitana ang sumagot sakanya. "She saved my child Evie, at sobra akong nagpapasalamat sakanya."

Ramdam ko ang paglapit niya sakin. Naphawak siya sa kamay ko at tuluyan na kong nagpanggap na natutulog. "Eve.." Bulong niya at ramdam ko ang luhang dumampi sa kamay ko.

Umiiyak siya.. Umiiyak si mama..

"I'm sorry sa nangya--"

"Akala ko po aalis na kayo ng Pilipinas Queen Aitana." Seryosong usal niya. "Muntikan nanaman mawala ang anak ko sakin."

Nanaig ang katahimikan sa buong kwarto sa sinabi ni mama kay Queen Aitana. Hindi siya nakapagreak dahil sa inis na tono nito.

"I-I'm sorry Evie." Nauutal na sabi ni Queen Aitana. "May nagtangka sa buhay ni Jae at sinunog ang kwarto niya. Pasensya na at—"

"Ganyan din po ang sinabi niyo sakin nung nawala si Denesmi samin." Natigilan ako at napahawak na si mama sakin ng mahigpit. "Sorry.. Sorry kasi nadamay kayo. Sorry kasi tinakot nila si Jae. Sorry kasi hindi namin alam na may ganitong mangyayare."

"Evie." Mahinang usal ni Queen Aitana.

"Si Eve na lang ang natitira samin ni Drei." Sagot ni mama at napahalik na siya sa kamay ko. Dama ko ang paghikbi niya at takot na mawala ako sakanya. "H-Hindi ko na kakayanin kung pati siya mawawala samin."

"Eve talked to me yesterday, Evie." Isang malalim na boses ang nangibabaw. Napapikit ako ng malala at pinakinggan pa ang mga susunod na eksena. "She doesn't want us to go to Coron. She wants stay here." At napalunok na ko. "With Jae."

"What?" Tanung ni mama.

"She also wants to be a Zeine. Ayaw niyang mawalan tayo ng koneksyon sa mga Alonto." Dagdag ni papa at ramdam ko ang paghinga ni mama ng malalim. Napahawak siya sa mukha ko at napahalik sa noo.

"Ngayun lang nag request ang anak natin ng ganito." Mahinang sabi ni mama at napaayos siya sa buhok ko. Nanatili akong nagtutulogtulugan para marinig ko ang lahat ng kanilang sasabihin. "I'm sorry Queens Aitana."

"Evie."

"Pero pwede po bang.." At ramdam ko ang paglayo ni mama sa kama ko. "Huwag na kayong bumalik sa Paris? Pwede po bang hayaan niyo si Jae na alagaan ang anak ko?"

"Evie.."

"Susundin namin ni Drei kung anu ang gusto ni Eve. Alam ko ding makakabuti si Eve kay Jae. Hayaan niyo po siy—" Natigilan si mama sa sinasabi niya.

"Thank you Evie! Thank you." Masayang usal ni Queen Aitana. "I promise na proprotektahan at aalagaan ko si Eve."

Natigilan ako sa sinabi ni Queen Aitana. Proprotektahan?! Aalagaan?! Wait! Hindi pa kami kasal ni Jae para maging second mom kita! OMG!

"Maraming salamat po Queen Aitana." Sagot ni mama.

"Oh ok ka lang?" Tanung ni papa.

"Medyo nahilo lang." Napakunot ang noo ko sa sagot ni mama.

"You should rest na Evie." Mahinang usal ni Queen Aitana sakanya. "Ako na ang magbabantay sakanila."

"Pero si Eve." Sabi ni mama at napakuyumos na ang mga kamay ko.

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon