Part 35

87 21 10
                                    

-Demi POV-

"Oh saan ka nagpunta?" Nakangusong tanung ni Perry sakin. "Kanina pa kita hinahanap."

"Kila mama. Kinausap ko lang sila." Mahinang usal ko at napakawit na ang isang kamay ko sa braso niya.

"Nagdala ka extrang uniform mo bukas?" Tanung niya sakin at napatango ako.

"Syempre ako pa? Sayo ako matutulog kaya nagdala ako. Nakakahiya kasi sa Queen of Belvedere kung manghihiram ako sakanya ng damit." Pang-aasar ko kay Perry at napangisi na siya sakin.

"Baliw tara na nga." Sabi niya at natigilan ako ng mapahinto siya sa tapat ng  Alonto building.

"Oh bakit nandito tayo sa girls dorm ng mga Alonto?" Tanung ko at napalingon ako kay Perry.

Bawat family kasi may tigdadalawang building, isang girls dorm at isang boy's dorm na magkatabi lang.

"Dito na ko pinagdodorm nila Queen Aitana. Kaya, dito tayo matutulog ngayun." Nakangiting sabi niya sakin.

Pumasok kami at maganda ang loob. Mukhang nasa hotel ka dahil unang bubungad sayo ang concierge. Agad nila kaming inasikaso at dinala sa room ni Perry.

"Whoah ang laki!" Namamanghang sabi ko ng makita ang room ni Perry!

Unang makikita mo ang living room at sunod ang kusina! Mukhang nasa condo ka na kung ikukumpara mo sa iba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang makikita mo ang living room at sunod ang kusina! Mukhang nasa condo ka na kung ikukumpara mo sa iba. Napalunok ako at nagtinginan kami ni Perry.

"D-Dorm mo ito?" Nauutal na sabi ko at napatango siya sakin. "Shet ang laki at ang lawak. Wala pa yung kwarto mo."

"Hindi ba ganito kalaki ang dorm mo?" Tanung sakin ni Perry at napangiwi ako.

"H-Hindi ko pa nakikita ang dorm ko." Mahinang usal ko at natigilan siya. "Simula kasi nung nag-aral ako dito hindi ko na tinangkang matulog dun."

"Feel ko mas malaki pa yung sayo. Future Zeine ka kaya at kayo ang nagmamay-ari sa building ng Fontanilla. Tara tignan natin yung kwarto ko." Sabi ni Perry at hinatak na niya ako sa kwarto. Lalo akong nagulat ng makita ko kung gaano ito kalaki!

 Lalo akong nagulat ng makita ko kung gaano ito kalaki!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon