Part 45

73 19 9
                                    

-Maeve POV-

Natapos ang klase ngayung araw ng hindi ko pinapansin si Bree. Nasaktan pa din ako sa nangyare at sa mga sinabi ni Perry sakin.

"Maeve." Mahinang usal ni Perry ng kanya akong nilapitan. Nag-aayos ako ng gamit ko at hindi ko siya pinapansin. "Can we talk?"

"If you're sorry to the things that you said earlier.." Sabi ko at napatingin ako sakanya. "It's fine. Ok lang naman ako."

"Ah hindi yun." at napangiti siya sakin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya dahil parang napahiya ako ng konti. "Hindi ako magsosorry kasi ginawa ko lang yun hindi para pahiyain ka sa buong kaklase natin kundi para sayo."

Napaayos ako ng tayo't humarap sakanya. "What do you mean?"

"Gusto ko lang maging masaya ang kaibigan ko, si Demi." Sagot niya sakin at natigilan ako. "She's starting to change nung dumating na si Bree sa buhay niya. Ngumingiti na siya ngayun at pumapasok sa klase. Hindi na nalalate kumpara noon."

"So what are you saying? What's your point? Na aagawin ko si Bree kay Demi?" Pagmamataray ko at naisukbit ko ang bag ko sa balikat at tangkang aalis na pero napahawak si Perry sakin dahilan para lingunin ko siya. "Pwede ba Perry!"

"My point is—" Sabay tingin niya sakin. "Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa lalaking hindi ka naman gusto."

Isa nanamang maanghang na salita ang kanyang binitawan sa harap ko. Napakagat ako sa labi kasunod ng pagayos ko ng buhok. Napahinga ng malalim at inis na tumingin sakanya. "I know that you have a deal with king Aeson. Na ikaw ang papakasalan ni Bree bilang simbolo ng pagkakaibigan ng inyong grupo." Seryosong sabi ko sakanya. "Sana bago mo ko sabihan ng ganyan.." At napapalag na ko sa pagkakahawak niya at tumingin pa ng seryoso sakanya. "Problemahin mo muna yung sainyo ni Bree. Yung kasal niyo at ang grupong hinahawakan mo."

"Ayoko kay Bree." At natigilan ako sa sinabi niya. Napatingin siya sakin dahilan para mapaatras ako. Napalunok siya kasabay ng pagkuyumos ng kamay niya na parang may ipagtatapat sakin. "Hindi ko gusto si Bree."

"Eh di hin—"

"Dahil hindi naman kami talo." Dagdag niya at nanlaki ang mga mata ko! Napaatras siya at ganun na lamang ang gulat ko dahilan para hindi ako makapagreak sa sinabi niya! "Ayoko kay Bree dahil hindi ako nagkakagusto sa lalaki."

"A-Ano?" Nauutal na sabi ko dahil hindi masink in sakin ang sinasabi ni Perry!

"A-Ano?" Nauutal na sabi ko dahil hindi masink in sakin ang sinasabi ni Perry!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napayuko siya dahil sa hiya. Totoo ngang panlalaki ang porma niya at sa sumbrerong bumagay sakanya. Idagdag mo na ang maangas niyang pananalita. Oo masakit pero siya ang taong sasabihin sayo ang totoo.

"Importante si Demi sakin." Sabi ni Perry at naiangat na niya ang tingin sakin. "Hindi bilang kaibigan."

"Are you saying na may gusto ka kay Demi?" Tanung ko at napakrus pa ang kamay ko. "Alam ba ni Demi na hindi ka nagkakagusto sa lalaki?"

TOUCH ME, JAESON BREE BOOK 2 OF HEAR ME, DEMI (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon