PROLOUGE
𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
"My gosh!! Sinong ama niyan, Yesha, ha!? " sigaw ni ate Kysha.
" Ate, I'm sorry," humihikbing sagot ko. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.
"Alam mo namang mahirap lang tayo Yesha! Nagpabuntis kapa! 13 years old ka palang. Hirap na hirap na ako sa pagtatarabaho para lang mapg-aral ka tapos magpapabuntis ka lang pala!? Wala na tayong mga magulang Yesha. Sino pang aasahan mo sa buhay? Hindi mo pa nga alam ang mundong ginagalawan mo.. Bakit naman gan'yan Yesha? Ikaw nalang ang pag- asa e. Nangako ka sa'kin 'di ba? Na pagbubutihin mo ang pag aaral mo? " umiiling niyang litanya.
" Ate, si Drew ang ama, " mahina kong usal.
" Yung estupidong Drew na bully sa campus niyo? Pano nangyari 'yun, Yesha? Wag mo akong Pinaglololoko ah? " galit niyang sigaw.
" Ate kasi nadala lang ako e---"
" Nadala? Hah! Ang sabihin mo malandi ka kaya ka nabuntis! Pa'no ngayon 'yan.. Alam ba yan ni Drew? "
" Hi--ndi... "
" Uuwi ka ng probinsiya, Walang dulot si Drew na maganda! "
" Ate naman! Let me finish my study first! " tutol ko.
" Oo! Pag tapos mo mag-grade 8 ay uuwi ka na ng probinsiya. Hangga't hindi mo pa naipapanganak iyang dinadala mo ay hindi ka na muna babalik dito. " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
" Ate? Maiiwan ka rito? Mag-isa lang ako sa probinsya? " gulat na gulat kong tanong.
" Malamang! Alangan namang titigil din ako sa pag-aaral? Anong mangyayari sa'tin? "
" Ate naman..."
" 'Wag ka mag alala, andu'n naman si tita Siri e. "
" Pero ate, hindi ko ba sasabihin 'to kay Drew? " naluluha kong sagot.
" Para ano ha, Yesha? Para sirain 'yung pag-aaral niya? Para sirain 'yung buhay na tinatamasa niya ngayon? Para magmukha kang desperada sa harap nu'ng mga matapobreng magulang niya? "
" Ate kasi, uhm, kahit baliktarin na'tin ang mundo anak niya parin kasi 'to," mahina kong usal.
" Hindi na kita maintindihan, Yesha! Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Tutal e kasalanan niyo naman pareho 'yan.. Pasok na'ko sa trabaho ko mag iingat ka rito. " Hindi siya tumingin sa mata ko. Hinalikan niya lang ako sa noo bago umalis. Halata naman na galit siya.
Hindi ko siya masisisi, ang laking pagkakamali ng nagawa ko.
I'm Yesha Grace Reyes, ang batang Ina. Dalawa nalang kami ni ate Kysha ang nagtutulungan. 19 years old na si ate Kysha, hindi ko alam kung ga'no kahirap ang sitwasyon niya sa pagsasabay ng kanyang pagtatrabaho at pag aaral. Namatay na ang mga magulang namin . Ang ama ko ay nagkasakit, nang mamatay si Ama ay pinabayaan na rin ni ina ang sarili niya kaya 'di nagtagal ay sumama na rin siya kay Ama.
Sobrang lugmok kami sa kahirapan ng ate ko. Sobrang tanga ko kasi nagpadala ako sa tawag ng laman. Hindi ko rin alam kung anong klaseng espirito ang sumapi sa'kin ng mga oras na iyon at pumayag ako sa gustong mangyari ni Drew.
Si Drew ay matagal ko nang hinahangaan. Hindi man siya gaanong matalino pero malakas ang appeal niya sa mga babae, mayaman ang pamilya nila at siya ang bully sa school, sila kasi ang may ari ng paaralan na pinapasukan ko, hindi ko alam na mauuwi sa gan'to 'yung simpleng pag hanga ko sa kanya. Siguro hindi ko na muna ito ipapaalam pa sa kanya, baka kasi masira lang ang kinabukasan niya nang dahil sa'kin.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...