CHAPTER 9
Yesha's POVPagtapos ng nalaman ko. Ilang araw akong tulala.
Habang naglalakad ako papuntang Canteen, sinabayan ako ni Brix.
"Hey, sorry na dahil tinago ko sayo" panimula niya pero nauna nako maglakad.
Bumili ako ng bananaque at Turon tsaka juice. Ganon lang ang mga tinda dito. Public school nga diba? Pero meron din namang tindang biscuits peri di ko trip mag biscuits ngayon.
" ako na magbabayad" sabi niya. Hinayaan ko nalang siya at nauna na. Umupo ako sa upuan sa loob ng canteen.
Pagdating ni Brix ay naupo siya sa harap ko.
" Hey, Yesha. Pansinin mo naman ako oh.." pakiusap niya peri blangko ko lang siyang tiningnan.
"Yesha--"
"Ayos na Brix. " simple kong sagot.
" napatawad mo na ako?"
"Oo" nakita kong biglang umaliwalas ang mukha niya.
" Yesha.." seryosong sabi niya. Sumipsip ako sa juice ko.
"Hmm?"
" ahh... Pwede ba kitang.. ahh.. ano.. l-ligawan?" nasamid ako sa sinabi niya. naalarma naman siya.
"Hala sorry" aligagang sabi niya. natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
"Yesha, papayagan mo ba akong manligaw sayo?" muli niyang tanong.. hindi ako umimik. di ko alam ang isasagot ko, may anak ako. At baka, hindi niya ako matanggap pag nalaman niyang may anak ako. Kumagat ako sa bananaque at nginuya iyon.
" i see.. Sorry Yesha. Binigla kita"
"No need to say Sorry Brix. Masyado pa tayong bata para dito, sana maintindihan mo. At tsaka sa ngayon, pag aaral ko muna ang priority ko"
" hmm, yan ba talaga ang dahilan? O baka naman yung kambal ko?" ngumiti siya nang mapait. Sinipa ko siya nang mahina sa binti.
"Abnormal. Inungkat mo na naman yon"
" Pero Seryoso Yesha. Gusto kita. Seryoso talaga, walang halong biro"
" Marami pang iba diyan, Brix. Infatuation lang yan" umiwas siya ng tingin at hindi na nagsalita pa. Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan.
Isip ng topic Yesha. Ang awkward na..
" Ahh Brix?"
" Hmm?"
" Bakit pala hindi mo pa tinatanggal yung mask mo? Itutuloy mo pa ba yang pepretend mo na yan?" tumitig siya sakin
Naiilang ako sa sobrang seryoso niya."Alam mo Yesha, pagod na'ko sa ginagawa kong to. Kaya bukas na bukas tatanggalin ko na to. "
" weh?"
" Yeah. Nag aalala nga ako e" Seyoso pa din akong mukha niya.
" Bakit naman?" tiningnan ko siya at ngumiti siya sakin nang nakakaloko.
" Hindi ka ba nababahala na pag gwapo na'ko marami nang magkakagusto sakin, mawawala ang atensyon ko sayo. Mabubully ka kasi ikaw ang gusto ko at hindi sila--aww!"
Binato ko siya ng turon.
" Hangin. pheww" tumawa siya. Kung ganyan nga lang sana kabait si Drew edi wala sanang problema.
"Sigurado ka na ba talaga Yesha na ayaw mong ligawan kita?" tumango ako sa tanong niya.
"Tara na balik na tayo sa room" Aya ko sa kaniya. Sabay kaming bumalik ng room. Pero napahinto kami nang may lumapit na lalaki sakin at may inabot na chocolates
"Pinabibigay daw ni Prince" sabi niya,pero di pa siya tuluyang nakakalayo nang pigilan siya ni Brix.
"Hey, dude." cool na sabi niya dun sa lalaki. Kinuha ni Brix yung chocolate mula sa kamay ko. At inabot dun sa nagbigay.
"Hindi pwede sa kaniya ang chocolates. Masisira ang ngipin niya. Pakibalik nalang. Sige mauna na kami" natawa ako sa inasal ni Brix. Iniwan naming tulala yung lalaki.
"Baliw ka, Brix. Ba't mo ginawa yon?" busangot niya akong tiningnan. Kaya lalo akong napangiti.
kinulit ko siya
"Ba't mo ginawa yo. Brix, sayang yung chocolate."
"Tsk. ibibili nalang kita. Mas mahal pa kesa don. ang cheap nung chocolate na bigay niya."
"Asuss. Ba't mo muna ginawa yon?hahaha"
"huyy Brix" Pangugulit ko
" Nagseselos kasi ako!Masaya kana?"
"Hala, selos daw. Lakas makaselos, walang tayo uy! Hahahahha"
Bumusangot siya at nangunot ang noo.
"Sakit mo magsalita Yesha ah!"
"Totoo naman Brix ah!"
"okay" sabi niya at binilisan maglakad. badmood to. Galing ko manira ng mood. Sorry e, kung nasaktan ko siya. Tama lang ang ginawa ko. Ayokong paasahin si Brix. Hindi pa handa ang puso ko para magmahal muli
"Hoy Brix! " Hinabol ko siya. Abnormal talaga.
Prince's POV
" Hindi daw kumakain ng chocolates si Yesha, masisira daw ang ngipin niya. Sabi nung kasama niya" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Josh.
" Sinong kasama?" Tanong ko.
"Kaklase niya? yung lagi niyang kasamang lalaki" i greeted my teeth. Tsk. Palusot.
Kung may gusto siya kay Yesha. Lumaban siya nang patas!
"Seryoso ka ba kay Yesha, Prince. Dati crush mo lang yun ah" tanong ni Chad.
" Hindi ko alam e, tinamaan ako. Ang lakas ng dating ni Yesha, pre!" sagot ko.
"Pano yan, e torpe ka?" Binato ko siya nung chocolate na hindi tinanggap ni Yesha.
" Edi lalaksan ko na ang loob ko, problema ba yon?"
" Naks! Congrats Bro! Binata ka na talaga" nagtawanan sila.
"E pano yan, malayo pa nga lang si Yesha nahihiya kana, pano mo malalapitan yon?" Tanong ni Josh.
ngumisi ako.
"Ang tunay na umiibig, hahamakin ang lahat" lalo silang napahalakhak sa sinabi ko.
"Inlab nga talaga 'to si Prince, guys. nagiging korni na. hahahahha"
"Akalain mong itong nambubugbog saten ay inlababo?"
"Tama ka diyan, Josh. Buti nama. at nainlab yan kaya bumait ng konte"
" HAHAH. yesha lang pala ang katapat niyan ni Prince e" Hindi sila matigil sa katatawa kaya umalis nako sa hideout namin.
Aattend na nga lang ako ng klase!Padabog akong pumasok sa classroom namin at nagulat ang teacher na nasa loob.
" Mr. Ramos!" kinakabahang sabi nito. Senior high na'ko at barumbado ako dito sa school. Minsan lang ako umattend ng klase kaya naman nagulat ang teacher namin nang makita ako.
Dumiretso ako sa upuan ko, tumabi naman agad sakin si Nadi.
"Hi Prince" malanding bati nito.
" What the Hell Nadi! Wag ka ngang madikit! Dun ka! ang landi mo!" inis kong sabi. Nakita kong nagroll eyes siya.
"Hmpf! Suplado" sabi niya at saka umalis. Kung sana ikaw si Yesha, matutuwa pako. Kaso hindi e. Kuko ka lang sa paa ni Yesha.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...