CHAPTER 14
Yesha's POV
1 week na ang nakakipas nang ilabas si Lea sa sa Ospital. Si Deign ang umako sa bill ng Ospital since siya daw ang may kasalanan kung bakit nangyari yun. Mayaman naman ang pamilya ni Deign, kaya ayos lang sa kaniya.
Nandito ako sa kwarto namin ng anak ko ngayon, pinapakain ko siya
" Mommy, open your mouth. Susubuan kita" kyut na sabi niya.
I opened my mouth at sinubuan niya naman ako.
"Hmm, Mommy.. kelan ulit bibisita si papa dito?" Tanong niya.
" Hindi ko alam, baby e"
" But, miss na ni baby si papa." nag pout siya. Yieee ang cutee talaga ng baby ko.
"Gusto mo ipasyal ka ni mommy?" sinubuan ko siya ng pagkain
" Yes po!"
" Sige, pupunta tayo kila Tita Deign. Bibisitahin natin Best friend ni mommy ah?" Yes, hindi na dito nakatira si Lea. Kasi nagagalit siya. Hindi daw siya komportable dito dahil hindi niya naman daw kami mga kakilala kaya kila Deign nalang siya. Pumayag naman si Deign kaya wala namang naging problema.
Since bakasyon na at wala naman na kaming ginagawa ay ipapasyal ko nalang siya. Hindi na muna kami babalik ng probinsya at ayos lang naman daw kay Tita Siri yun, mamimiss niya daw kami. Hihintayin ko nalang muna siguro, hanggang sa maalala ako ni Lea.
Pagtapos kong pakainin si Baby Aivie ay pinaliguan ko na siya at binihisan.
"Ate sasama ka samin, pupunta kami kay Deign. Bibisitahin namin si Lea."
" Ah, hindi na , Yesh. May trabaho ako ngayon e. " sabi niya. Yes, may trabaho na si Ate she's an accountant. Bookeeper siya sa isang kilalang fast food chain. Malaki din ang kaniyang sweldo kaya eto kami ngayon, nakapaggawa na siya ng bahay namin at mas tipid ngayon dahil hindi na kami umuupa. Hanggang ngayon ay wala pa ding boyfriend si ate kaya tipid talaga kami. hahaha.
"Okay sige, ate. Kami nalang. Mag uwi ka ng boyfriend mo ah?" natatawang sabi ko.
"Gagi, haha" tanging nasabi niya nalang. Hinawakan ko na sa kamay si Aivie.
"Mommy, what is Boy....friend?" inosenteng tanong niya. HAHA
"You'll know baby, pag malaki ka na" Nginitian ko siya. Nakapantalon lang ako ngayon at isang simple shirt. Paglabas namin ng bahay ni ate ay hindi ko inaasahang dadating si Brix sakay ng kotse niya.
"Hey!Sa'n ang gala?" natatawang sabi ni Brix pagkababa.
"Kila Deign" maigsing sabi ko.
"Okay, sama ako. Dito na kayo sakay. Sige na" ngumiti ako sa kaniya at hindi na umangal pa. Pinagbuksan niya ako ng pinto. At maingat na pinaupo si Aivie sa loob.
"Papa, why hindi po nakatira ikaw samin? I thought family supposed to be in one house?" biglang tanong ni Aivie. Nasamid naman ako sa tanong niyang iyon. Pero si Brix ay eto pa chill chill lang.
"Gusto mo, dun ako tumira sa inyo?" ngingisi ngising tanong niya kay Aivie. Hinampas ko naman siya sa kalokohan niya.
"Yes po," sagot naman ni Aivie. Nilingon ko siya since nasa unahan ako, and siya ay nasa likod. mag isa lang HAHAH.
"Ask your mother." Sagot ni Brix. Gusto ko siya kurutin dahil sa kaabnormalan niya pero wag na. Baka maaksidente kami.
"Mommy.." tawag ni Aivie para siguro humingi ng sagot sakin. hindi ako sumagot kaya napasimangot siya.
Pagdating namin sa bahay nila Deign ay namangha ako.
Woah! This is not a house! Mansyon to!
Bumaba na kami, at nakita ko sa mukha ni Aivie ang pagkamangha.
"Woah, mommy... ang ganda"
hinawakan ko siya sa kamay.
" Mommy, I want this house!" sabi ni Aivie.
"Aral ka mabuti baby, para may house ka din na ganyan. Haha" tinawanan ko siya. Pumasok kami sa loob.
Hawak hawak ko ang kanang kamay ni Aivie at sa kaliwa naman si Brix. Para kaming masayang pamilya. Yiee.
Sinalubong kami ni Deign at nagulat siya nang makitang may anak ako, dobleng gulat nang makita niya si Brix.
"D-DREW?" gulantang na tanong nito.
"No Deign, kakambal siya ni Drew, He is Brix. Brix, siya si Deign, ang best friend 'kuno' ni Lea" Pagpapakilala ko sa kanilang dalwa. Manghang mangha pa din si Deign kay Brix.
"I never thought may kakambal si Brix, have a sit" Umupo kami at nilibot ko ang tingin ko.
Nag usap muna sina Deign at Brix.
"Magkamukhang magkamukha kayo, The difference between you two is just your hair lang, Your hair is brown while his is Blue."
" Yeah nagkita na kami" napalingon ako kay Brix.
"So what happened, close ba kayo? You're twins, dapat lang na mag bonding kayo" dagdag pa ni Deign.
"No, hindi ko siya kinakausap. But he tried to accompany me and he failed. I don't wanna talk to him"
" But why?"
" Akin nalang yun, haha"
Habang nag uusap silang dalwa ay nilalaro ko ang buhok ni Aivie.
"Mommy, Ayos mo hair ko" sabi ni Aivie na ginawa ko naman.
Maya maya ay lumabas ng kwarto si Lea. Nang makita niya ako ay tinarayan niya ako but then nang makita niya si Baby Aivie ay napako ang tingin niya dito at unti unting napasmile.
Tumingin din sa kaniya si Aivie.
"Hi tita Lea!" bati sa kaniya ni Aivie. Tahimik na lumapit si Lea kay Aivie at lumuhod upang magkapantay silang dalawa.
"What's your name? And how do you know my name?" tanong ni Lea sa kaniya.
"My name is Aivie, and I know you. You're my mom' s best friend. I saw you once have a video call with her!" napatitig naman sakin si Lea.
"So, you really is my friend?" tumango tango siya sa sariling tanong.
"Okay, I'll try to remember you" sabi niya lang at naupo na din.
Napalingon siya kay Brix.
"And who's this handsome man?" tanong niya. Napahagikgik naman si Deign sa tanong niya.
"Bawal ma inlove sa kaniya, Lei. Haha, i think he likes Yesha. And i think. That is their child. Haha. Off limits na, lei. " patuloy pa din sa pagtawa si Deign. Ang awkward siguro nito kay Brix kasi puro babae ang kasama niya. Napatingin naman ako kay Lea. Sumimangot siya. Hmm..
"Sayang naman.. I like him already.. But.. off limits pala" nagulat ako sa sinabi niya. What the! May gusto siya kay Brix? The eff?
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...