CHAPTER 11

3.3K 93 4
                                    

CHAPTER 11

Yesha's POV

3 years later

"Last year na natin dito sa school Yesha pero hindi mo pa din ako pinapayagan na manligaw sayo. Antagal na kitang mahal, pero hindi ko pa din ba napapatunayan?" sabi ni Brix. Graduation na namin ngayon

Ako ang top 1 and guess pang ilan si Brix?

top 3 siya!

" Congrats to us, Brix! Thankyou sa lahat. Sumama ka sakin, at malalaman mo kung bakit hindi kita pinapayagan na ligawan ako." ngumiti ako sa kaniya. Matagal tagal na din. Ngayon na ang tamang panahon para ipakilala ko sa kaniya si Aivie. Kung lumayo man siya, handa na'ko. Three yeara ko ding pinaghandaan to. Hindi naman siya ganon kahirap mahalin. Pero, hindi pwedeng maging kami lalo pa't may anak kami ng kapatid niya.

Sumakay kami gamit ang kotse niya at ngayon ay pwede na siyang magdrive nang siya lang. Mas matanda siya sakin ng isang taon. Nauna lang talaga ako pumasok kaya same grade level kami. 18 siya at ako ay 17.

Pagdating namin ay naglakad kami papasok sa hindi sementadong daan. Hindi na kasi kaya kung magkokotse pa. Mukha siyang gubat dahil puro puno dito at ganon pa din ang itsura ng bahay ni tita Siri.

"Dito ang bahay niyo?" tanong niya, tumango naman ako

" Pasensya na hindi kami mayaman. Hindi maganda ang bahay namin." sabi ko pero umiling siya.

" ayos lang. Pero bakit liblib ang lugar niyo?"

"You'll Know" sabi ko at naunang maglakad.

mula sa kalayuan ay nakita ko kaagad ang batang naglalaro mag isa sa labas ng bahay. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo sakin.

"Mommyy koo!!" masayang wika niya

" Baby" niyakap ko siya.

Nagulat si Brix sa nakita niya kaya napako siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin saming dalwa ng anak ko.

"Nasaan si Tita Siri?" tanong ko.

"Nasa loob po, tulog. Hihi. Ah! Mommy, sinong kasama mo?" tanong niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

" Baby, ahh may ipapakilala ako sayo, classmate siya ni mommy, and best friend na din"

" I thought tita Lea is your best friend mommy ko? " tuwid na siya magsalita dahil hindi naman siya nakakasalamuha ng mga bata, lagi kamo lang ni tita Siri ang kausap niya, kaya parang matanda na din siya kung magsalita.

" oo nga baby e, pero may isa pa akong best friend." hinarap ko siya kay Brix.

" Ah, Brix. This is my daughter, aivie. Aivie, this is Brix. Your ahh.. Tito. Brix... ano ahh.. uhmm.. p-pamangkin mo siya" sabi ko. Hindi umimik si Brix. 
lumuhod siya at pumantay kay Baby Aivie.

"A-anak niyo s-siya ni D-drew?" nanginginig na sabi niya at hinaplos ang mukha ng bata. Tumango ako sa kaniya.

"Hi po" bati sa kaniya ng anak ko.

nagulat ako sa sunod na ginawa ni Brix.

Niyakap niya ang anak ko!

my heart! My heart is melting. Parang hinaplos ang puso ko sa nakita ko, kung sana ay si Drew siya mas lalo akong matutuwa. Hinding hindi mangyayari yon. Napaluha ako sa isiping iyon.

" Kaya pala ayaw mo na ligawan kita. Kaya pala lagi kang umuuwi nang maaga, dahil pala sa anak mo. " tumayo siya at humarap sakin.

"Alam ba'to ni Drew?" lalo akong napaiyak sa tanong niya at sunod sunod na umiling.

"ayoko ipaalam, wala naman siyang pake."

" sinabi mo na ba?"

" Hindi pa, pero sigurado ako masaya na siya ngayon ayoko na siyang guluhin." sabi ko. Tumitig siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako don

" Yesha.." tawag niya.

"Tumingin ka sakin, Yesha" tiningnan ko siya nang may luha sa mga mata.

"Papayagan mo ba akong tumayo bilang ama ng bata?" seryosong tanong niya.

hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot.

"Hayaan mo lang ako, Yesha please. You don't know how much I love you. Kahit pa anak yan ng kakambal ko, kaya ko mahalin kayong dalwa, just please.... Hayaan mo lang ako na tumayo bilang ama niya. okay?" tumango ako sa kaniya. Pinunasan niya naman ang mga luha ko gamit ang thumb niya.

Napakaswerte ko sa lalaking to. Tanggap niya lahat ng imperfections ko.

" Hey mommy, bakit kayo magkahawak kamay?" inosenteng tanong ni Baby Aivie. Natawa naman ako. Lumebel ako sa kaniya upang magkapantay kami

" baby, sino nga ulit siya?" tinuro ko si Brix.

" Briks, po mommy? best friend mo po?" tumango ako. Natandaan niya agad.

" Siya muna ang tatayo bilang Daddy mo. Pwede ba yon?" nangunot ang noo niya. Kinakabahan ako baka hindi niya matanggap si Brix.

lumapit siya kay Brix. Umupo naman si Brix para magkapantay sila ng Anak ko.

natawa ako sa ginawa ng anak ko, sinipat sipat niya si Brix. Nagmukha siyang striktong bata. HAHAH

"hmm, mommy ko. Hawig siya sa picture ni Daddy" tiningnan ako ni Brix, binigyan ko siya ng -wag-ka-mag-alala-hindi-ko-sasabihin- look.

" Kasi nga, siya muna ang daddy mo kaua hawig sila. Pwede ba, siya na muna ang daddy mo?" lumapit ulit sakin si Baby Aivie at saka humawak sa kamay ko.

" okay, mommy."

" So, anong itatawag mo kay Brix?"

" Papa" sabi niya. Waah ang kyut ng boses niya. Pero bakit papa?

"Bakit 'papa'? Why not dad?" tanong ko.

"Secret mommy, akin na lang yun. hihi"

"Asus, nagsisikret ka na sa mommy mo ahh" asar ko sa kaniya.

" Sige na, lumapit ka na kay Papa mo" sabi ko na sinunod niya naman.

"Papa!" excited na sabi niya at nagpabuhat dito. Maya maya ay nagring ang cellphone ko.

Don't stay awake for too long, don't go to bed~

sinenyasan ko si Brix na sasagutin ko lang ang tawag. Tumango naman siya.

Nakita kong si Ate Kysha yon.

"Yesha!" bungad niya sakin. Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone sa lakad ng boses niya.

"Bakit ate?" tanong ko. sunod sunod ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Lumuwas ka, ngayon na. Now na! Si Lea nasa ospital. Naaksidente siya. Sobrang lala ng mga sugat niya. " kinakabahang sabi ni ate. Naibagsak ko naman ang cellphone ko dahil sa narinig. What happened? Hold on, Lea! pupuntahan kita. Hindi magkamayaw sa pag uunahan sa pag patak ang luha ko.

"Hey, Yesha. andyan ka pa.. Hindi ko alam ang gagawin ko" nanginginig ang boses ni Ate.
Walang pamilya si Lea. Kaya nga kami naging mag best friend kasi same kaming walang Parents. Simula nang umalis ako ay dun na siya nakatira kay Ate. Kaya lalong naging malapit ang loob nila sa isa't isa. Kaya nga alalang alala si ate, dahil haloa kapatid na din ang turing nito kay Lea.

Bumalik ako kina Brix na tulala.

"What's wrong?" tanong ni Brix. Eto na naman yung mga luha ko na nag uunahan.

"Si Lea daw, naaksidente" lutang kong sagot.

"Pupuntahan ko siya. Luluwas ako."

" sasama ako, sasamahan kita, okay?"

" Kaya ko na mag isa Brix"

" No, sasamahan kita. sa ayaw at sa gusto mo" wala na akong nagawa.

Ano bang nangyayari sayo, Lea? bakit ka naaksidente?

SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon