CHAPTER 29
Yesha's POV
Narito kami sa beach ngayon,Dalwang buwan na ang nakakalipas mula nang maikasal kami ni Drew.
Nandito kami sa beach para magcelebrate, naisipan kasi namin na kailangan din namin magsaya paminsan minsan nakakapagod din kasi ang schedule namin na school bahay opisina school.
Unang araw pa lamang namin rit sa beach. Pinagplanuhan namin ito. Friends bonding. Ang naririto lamang ay sina Brix, Lea, Ako, si Drew, si Deign, Cedric, Liam, at Frost.
Kami kami lang. Naka dress ako ngayon, wala akong balak maligo, si Aivie ata maliligo. readyng ready na siya. Nakaswimsuit na rin siya at bilib din naman ako sa curve ng katawan ng anak ko. Waaahh sanaol walang bilbil! Nasa tabi siya ng dagat. May tiwala naman ako sa kanya dahil marunong naman siyang lumangoy at nagbabantay naman ako sa kanya.
Nasa cottage ako ngayon at nag aayos ng mga pagkain.
Si Deign at Lea ay naka swimsuit na din. Tanaw ko sa malayo na kasama ni Deign si Frost naka hawak sa bewang niya at si Lea naman na pinapagalitan na Brix. Nakakatuwa sila.
Si Cedric at Liam naman ay naroon sa malayo at nangchichix, may girlfriend na 'tong mga 'to pero ang lalakas humarot. Naku!
Namalayan ko na lang ay may humapit sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi.
" You're so beautiful today, wife" malambing na sabi nito.
" Tsk, today lang?" inis kong sabu.
" Everyday" ngumiti siya sa akin pero nainis lamang ako sa pagmumukha niya. Hindi ko alam kung bakit. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko at uminom na lang ng buko juice. waahhh! ang sarap..
Nakakatatlo na ako nang sitahin ako ni Drew
" Wife, masyado ka nang maraming nainom. Baka hindi ka na kumain niyan mamaya"
" Tsk. Whatever, i just feel like to drink this" patuloy ako sa pag inom kaya napabuntong hininga na lang siya. Nilingon ko si Aivie na enjoy na enjoy sa pagswimming niya sa dagat.
"Bakit hindi ka sumama magswimming , wife?" tanong ni Drew sa akin.
" Ayoko. Kayo na lang. Sige na, maligo ka na don" sagot ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakabihis panligo na siya.
" You sure?" tanong nito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kaya naman ay ngumisi siya sakin at sa mismong harapan ko hinubad ang suot niyang black t-shirt
Kitang kita ko ang abs ng pinakamamahal kong asawa. Waahh. My eyes!
Nag iwas ako ng tingin
" Pfft. Bakit ka umiiwas ng tingin, wife? Nakita mo na 'to. Actually kakatapos nga lang natin kaga-" binato ko siya ng paper plate na malapit sa akin bago niya matapos ang sasabihin
" Drew!" saway ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya ng nakakaloko.
"Tumahimik ka nga diyan! Pag may nakarinig sayo, naku ha!" Umiiling ko pang dugtong.
" Okay. I won't talk about it HAHA, sige na wife. Sasamahan ko na ang anak natin don maligo. " sambit nito.
Lumingon ako sa dagat at nakita kong naroon na din sina Deign, halos lahat sila.
Mag isa nalang ako dito pag umalis si Drew. Pero ayos lang iyon.
Naglakad na papuntang tabing dagat si Drew. Umupo ako at pinanood sila habang umiinom ng buko juice, bakit ang sarap ng juice na 'to?
Nakita kong umahon si Cedric at papunta siya dito sa cottage.
" Hi" bati ko sa kanya.
" Hello, Mrs. De Villa" bati nito pabalik. Umupo siya kabilang upuan. Nasa gitna ang lamesa.
" Tsk. Bakit ba kase e hindi ka humahanap ng mapapangasawa mo. Puro kayo chix" sambit ko.
"Dadating din ako diyan, Mrs. De Villa. But for now, enjoy muna" sagot nito.
"Tsk. Enjoy daw... Baka tumanda ka nang walang asawa niyan" asar ko pa.
" Geez. Never" irap niyapa saken. Naku! 'tong lalaking to!
Natahimik kami saglit at muli siyang nagsalita.
" Uhmm, Yesha?"
"Hmm?"
"What if may tinatago sa'yo si Drew? What if may hindi pa siya nasasabi sa'yo, what would you feel as her wife?" natigil ako sandali. Seryoso siya pero I want to enlighten the atmosphere. Wala naman siguring tinatago na sa akin si Drew? At kung sakaling meron man. I'll be open to accept it. Aantayin ko lang sigurong sabihin niya sakin kung may sikreto siya. At kung malalim talaga ang sikreto niyang hindi sinasabi sakin at tingin ko ay masasaktan ako. Pipilitin ko siyang intindihin.
"Parang pang beauty contest naman 'yang tanong mo, Cedric. " tumawa pa ako nang bahagya pero seryoso talaga siya.
" Just answer my question, Yesha" mahinahon nitong sagot, napabuntong hininga naman ako.
" uhmm, I don't know? Maybe I'll just try to understand him? Ayoko na sa away. I'm tired of arguments. Since mag asawa na rin naman kami, we should understand each other. Trust is important in terms of love. Pag nagmamahal kasi Ced lahat gagawin mo e. Kahit pa ang pagtanggap sa kamalian ng isa. Gagawin mo yon kahit pa malalim ang dahilan kasi nga mahal mo yung tao. So my answer is.. I'll accept him whole heatedly even if he hurts me in thousand times. That's love. Ika nga nila. Tanga. Pero, that's it e. Maiintindihan mo lang talaga yan kapag nagseryoso ka na sa love" mahabang sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at napa slow clap.
"I'm speechless. Sige na. Babalik na'ko don" sagot nito sa akin at kumuha muna ng softdrinks bago bumalik sa dagat.
What if may tinatago nga si Drew, would I accept it?
Aisshh!
Nakakacurious naman kasi e.
Nakita kong lumapit si Cedric kay Drew at sa wari ko'y nag uusap silang dalawa.
Nang matapos silang maligo ay bumalik na kami sa kanya kanya naming room sa hotel. Magkasama kami ni Drew at Aivie.
Then sila yung iba pa namang kaibigan namin ay sama sama na. Pero dapat talaga ay magkakasama kami lahat sa iisang room kaso they insisted. Dapat daw ay hindi kami kasama sa kanila at kelangan daw namin ni Drew ng time sa isa't isa lalo pa't bagong kasal lang kami.
Pinabihisan ko na si Aivie. Habang naliligo si Drew nauna nako naligo sa kanya kanina e.
" Masarap maligo, anak?" tanong ko habang tinutuyo ang buhok niya.
" Yes, mommy! why didn't you join us nga pala mie?"
" Hmm, i just feel don't like that thing" sagot ko. Hinarap ko siya sa akin nang matuyo na ang buhok niya.
"Nak, may sasabihin sayo si mommy" nakangiti kong sabi.
" What is it, mommy?"
binulong ko sa kanya yung sinabi ko at nagtitili naman siya.
" Wahh! Mommyyyy!! " tili niya. Lumabas na si Drew sa bathroom at nagbihis na.
" What happened? Bakit nagsisisigaw ka,Aivie?" tanong ni Drew. Napatakip naman si Aivie at tumawa nang mahina.
" Guess it daddy! " tawa pa nito. Napailing iling naman si Drew. Natulog na kami at nasa gitna ulit namin si Aivie.
Mahimbing na ang tulog nito.
" Ahh.. Wife?"
" Hmm? " hindi siya sumagot. Tila ba malalim ang iniisip niya. Humarap siya sakin at ngumiti. Pero alam kong pilit iyon. Nakikita ko kahit nakapatay na ang ilaw.
"Goodnight, wife. I hope you won't get tired of me" sambit nito at hinalikan ako sa noo, napapikit ako
" I won't" sinsero kong sagot.
At natulog na kami. Pero feeling ko may gusto siyang sabihin. Hindi niya lang masabi. Maybe I'll wait for him to be ready to say it to me.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
Fiksi UmumMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...