CHAPTER 15

3.4K 82 3
                                    

|•SWEETEST MISTAKE•|

CHAPTER 15

Yesha's POV

Nag uusap kami ni Lea habang naghuhugas ng plato, si Aivie ay kasama ni Brix. Naglalaro sila nila ni Deign. Nagprisinta ako maghugas ng plato at sabi ni Lea ay tutulong na daw siya.

Dito kami nananghalian kila Deign, siguro dito na muna kami buong araw.

"Kasal ba kayo ni Brix?" biglang tanong ni Lea na nag aalinlangan pa.

"Hindi" sagot ko. Tumango naman siya.

"Eh, boyfriend mo?"

" Nope."

" Weh?"

" Yeah. Nagsasabi ako ng totoo, Lei."

" e bakit may anak kayo?"

" Uhhh... Hindi namin anak ni Brix yun Lea " sagot ko. Bahagya naman siyang nagulat at kapagkuwan ay ngumiti.

" may...uhmm. ano..feelings ka ba para kay.. uhh, B-Brix?" tanong ko. nangunot naman ang noo ko sa tanong niya.

" Meron, Gusto ko siya" sagot ko, napatigil siya sa paghuhugas ng plato at tumitig sakin.

"Wag kang ganyan sakin tumingin, bes. Gusto ko siya bilang kaibigan, best friend. gusto ko siya bilang ama ni Yesha.. Pero yung gusto ko siya in a romantic way? hmm . Hindi ko alam" sagot ko. Hindi ko siya tiningnan at patuloy pa din sa paghuhugas ng plato.

"Ako kasi Yesha. Gusto ko si Brix, nung nakita ko palang siya sa Ospital nun, gusto ko na siya." natigil ako, parang may kumirot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil to sa way ng pag uusap namin ni Lea. Hindi na kamo ganon ka close tulad ng dati. Pili narin lati ang mga salitang sinasabi niya sakin.

"Akala ko nga, boyfriend ko siya nun e, kasi sino ba namang matinong lalaki ang bibisita sa hospital na may dalang pagkain, diba kadalasan boyfriend?" tumawa pa siya ng bahagya sa sinabi niya. So totoo nga, may gusti siya kay Brix.

Ngumiti na lang din ako sa kaniya nang makita kong sincere siya sa mga sinasabi niya.

Nang matapos kami sa paghuhugas ng plato, dumiretso kami sa salas. Agad kong tinungo ang anak ko na kalaro ni Brix.

Pagkaupo ko ay nilahad ni Brix ang kamay niya sakin. Nung una ay nagtaka ako pero nung huli ay nalaman ko ang gusto niyang gawin. nilahad ko din sa kanya ang kamay ko, hinaplos niya iyon. Napatingin ako kay Lea. Nakakagat labi siyang nakatingin sa kamay ko na hawak ngayon ni Drew.

"Sabi ko naman sayo, dapat hindi ka na naghugas ng plato, magkakaron ng kalyo yang kamay mo" alalang sabi niya.

napatikom naman ang bibig ko nang makitang tumayo si Lea.

"Punta na muna ako Deign sa kwarto ko"

"Sama ako, Lei"

sabay alis nila. Hinarap ko si Brix

"Ayos lang ako Brix"

" Yiee. ang sweet ni papa at ni mommy" asar naman samin ni baby Aivie. Pinisil ko ang pisngi nya.

" Hmm, kulit mo talagang bata ka"

Habang busy maglaro si Baby Aivie sinusuklay suklay ni Brix ang buhok kong nakalugay gamit ang kamay niya.

"Kelan mo balak sabihin sa kakambal ko na may anak kayo?"

" Hmm, gusto mo bang sabihin ko?"

" I don't know. Ayokong mawala ka sakin Yesha" natahimik ako pero muli siyang nagsalita

"These past few days, lagi kong nakikitang umiinom si Drew. Tuwing dadaan ako ng kwarto niya ay lagi iyong nakabukas at nakikita kong magulo. Lagi siyang nasa garden ng mansyon at hindi man lang nakikipag usap kahit kanino, maliban sakin. I think wala naman siyabg girlfriend?" nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Brix pero agad ding nawala iyon nang maalala kong may nasasaktan akong tao pag si Drew parin ang pinili ko sa ngayon. At kung si Brix naman ang pipiliin ko, paano si Lea?

Aishh naguguluhan ako.

"Ipakilala na kaya natin kay Drew ang anak niya?" suhestyon ni Brix, nagulat ako sa biglaan niyang pagsabi.

"Brix naman!"

"Seryoso ako Yesha. Anak niya yan, alam ko kahit papa ang tawag sakin ni Aivie, alam ko hinahanap niya ang totoo niyang ama"

Napaisip ako sa sinabi niyang iyon. Tama ba na ipagkait ko kay Aivie ang ama niya?

" Magiging maayos lang ba ang lahat sayo kapag ipinakilala ko kay Drew ang anak niya?"

"Hindi." sagot niya pero ngumiti siya sakin para hindi nako mag aalala.

"Pero sisikapin kong maging maayos, Kahit pa alam kong may tyansa na mawala ka sakin pag sinabi mong may anak kayo ni Drew"

" I'm sorry Brix for hurting you over and over again."

" I love you Yesha, kahit paulit ulit akong nasasaktan, maging masaya ka lang ayos na'ko" niyakap ko siya at niyakap niya din ako.

"Mommy, why you hugging papa? Can I join?" biglang tanong ni baby Aivie.

" Come here, Darling" nagyakap kaming tatlo

pagkahiwalay sa yakap ay muling nagsalita si Brix.

"Bukas na bukas ay ipapakilala natin kay Drew ang anak niya" seryoso pa din si Brix pero mababakas sa mata niya ang lungkot.

" Sure na ba, Brix? "

" Yes Yesha, this is the right thing to do, gusto kong lumaban nang patas, kung may nararamdaman man para sayo si Drew, ipaglalaban ko tong nararamdaman ko, kahit pa ikaubos ko" emosyonal niyang tugon. Brix.. ayoko ng ganto ayokong may nasasaktang tao.

"I don't want to hurt you, Brix"

" I won't gonna blame you if I get hurt, It's my choice anyway." sagot niya.

Napabuntong hininga ako. Tama ba tong desisyon ko? Tama bang ipakilala ko na kay Drew ang anak niya?

Napatingin ako kay baby Aivie. Rest baby, bukas na bukas makikilala mo na ang totoo mong Daddy.

Sana lang tanggapin ka niya at kung hindi man, paulit ulit kitang aalagaan kahit mag isa lang.

At kung sakali mang hindi ka matanggap ng iyong ama.. Hindi na natin siya guguluhin, kahit kelan. Pangako sayo ni Mommy yan.

SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon