|•SWEETEST MISTAKE•|
CHAPTER 28
Yesha's POV
Tanghali nako nang magising at wala na si Drew at si aivie.
Napabuntong hininga ako nang maalala ang sinabi ni Aivie kagabi. Dumiretso ako sa kitchen, nahbabakasakaling naroon sina Drew at Aivie.
Pero wala. Nalibot ko na ang buong mansyon pero ni anino nila wala.
Wala din ang mga magulang ni Drew Maging si Brix. Tanging ang mga kasambahay lamang ang naririto.
" Uhmm, Manang.. Nasaan po sila Drew?" tanong ko sa isang kasambahay na naglilinis ng salas
" Ma'am,nag bakasyon po sila Donya. Pero nakita ko po kanina e sinama ni Sir Drew si Ma'am Aivie. Nakapang opisina po si Sir Drew ma'am. Si Sir Brix naman po e sinundo niyong babaeng lagi pong pumupunta dito" Ahh, baka si Lea. Pero.. nagtataka ako, kasi dapat walang trabaho si Drew ngayon. Pero baka may importante lang siyang gagawin. Tsaka bakit sinama niya pa si Aivie kung importante?
" Sige po manang, thankyou po" sagot ko nalamang at umalis na doon. Dumiretso ako sa kwarto para maghanda ng damit na gagamitin ko sa pagligo.
Nang matapos ako sa pag gayak ay kinuha ko ang susi ng kotse at minaneho ito papuntang opisina ni Drew. Pero bago ako pumunta roon ay kumain muna ako sa isang fast food chain, gutom ako e. Gusto ko kumain! Hindi ako kumain umalis lang ako nang mansyon na walang laman ang tiyan. At ngayon, feel ko ang sarap kumain dito sa fast food chain.
Nang matapos ako, kumain ay binayaran ko na ito. Napansin ko ang napakagarang restaurant sa harap ng fast food chain. Parang may pamilyar na tao roon pero pinagsawalang bahala ko na lamang ito at dumiretso sa opisina ni Drew
Pagkarating ko ay agad akong binati ng guard sa labas na sa tingin ko ay nasa mid 50's na. May katandaan na din ito. At maganda ang pagsalubong nito sa akin
" Good morning ma'am" bati nito
" Ahh, pumasok ho ba si Drew ngayon?" wala nang paligoy ligoy kong tanong.
"Ahh, opo ma'am. Pero kakalabas lang po niya. Kasama niya ho iyong anak niyo ma'am. Pero ah..."
" anong ahh?"
" Uhh, ano po kasi ma'am, may ano po, uhh. kasamang babae si Sir" natigil ako sa sinabi niya pero kinalma ko muna ang sarili ko.
" Baka naman e, client niya lang manong?"
" Maganda po ma'am e. Tingin ko po e papunta silang Alco de Mixon ngayon ma'am" what? alco de Mixon? e iyon ang pinakamahal na restaurant! At saka ang mga pumupunta lamang doon ay mga mag asawa or couples!
Uminit ang pisngi ko, dahil sa pag pipigil ng iyak. susunod ba ako doon?
" Okay, thankyou. I should go now" bumalik ako sa kotse ko at pinaandar na ito papuntang Alco de Mixon.
Nangingilid man ang luha ay patuloy na kinakalma ko ang sarili kasi baka hindi naman totoo yung sinasabi ni manong.
Nanh maipark ko na ang sasakyan ay napansin ko na ito yung kaharap nung fast food chain na pinagkainan ko kanina. Yeah! Ito nga!
" Good morning ma'am, welcome to alco de Mixon! " bati sa akin ng nagbabantay sa labas. Ngumiti ako at dumiretso na sa loob
Halos wala man lang katao tao dito. Napakaromantic ng lugar, kung titingnan ito nang mabuti ay napaka elegante ng disenyo.
Inilibot ko ang paningin ko, maraming roses sa paligid, medyo madilim rito and maraming nakasabit na kulay pulang ilaw. May stage din sa unahan at may bar island din. Malaki ang restaurant. First time kong makapunta dito.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...