CHAPTER 6
Yesha's POVFinally! Nakarating na rin ako sa Probinsyaa. wahh namiss ko rito.
Langhap na langhap ko ang amoy ng damo at sariwang hangin.
Nagpatulong ako sa pagdala ng mga gamit ko papunta sa bahay ni Tita Siri, nagulat pa nga siya sa biglaang pag uwi ko.
"jusko kang bata ka! Yesha! bakit ka umuwi?" gulat na tanong ni Tita at agad na lumapit sa akin.
" Ahh, tita pwede po ba, patulong po sa pagbuhat ng gamit ko? Sa loob ko po ikukwento," tinulungang ako ni tita siri sa pagpasok ng mga gamit ko sa bahay niya.
Di ganoon kalaki ang bahay ni tita Siri, ang dingding nito ay pawid lamang maging ang bubong, payak lamang namumuhay si Tita Siri at wala siyang anak kaya naman ay welcome na welcome ako sa bahay niya. Mabait si Tita Siri, minsan nga lang ay topakin.
" Uminom ka muna," sabi ni tita Siri at inabot sa'kin ang tubig, pero hindi ko inabot ang baso na inilahad niya sa'kin. Kinakabahan ako, 'di ko alam ang sasabihin ko.
" T-tita kasi.. uhmm. ano. kaya po ako u-umuwi ay d-dahil..a-ano ahh... b-buntis po ako," utal na bigkas ko. Nagulat ako nang biglang nabagsak ang basong hawak ni Tita Siri.
" Oh my Gosh," aligagang sabi niya. Dali dali siyang kumuha ng dustpan at walis.
"Kakausapin kita, Yesha. Naiintindihan mo?" sabi niya sakin habang nililinis ang nabasag na baso. napalunok ako.
Pagtapos niyang malinis ang nabasag nabaso ay umupo siya at seryosong tumingin sakin.
"Magkwento ka," seryosong sabi niya.
" Tita, Tatlong buwan na po akong buntis, Tita sorry, sorry." umiiyak na sabi ko.
napahawak siya sa sentido niya.
" Yesha! 13 years old ka palang, buntis kana!" sumbat niya sa'kin. Puro iyak lang amg naitugon ko.
" Alam kong hindi ako ang nanay mo pero kahit papaano may karapatan pa rin akong magalit sa'yo, " kitang kita ko kung paanong namula ang mukha niya.
She inhaled a deep breath, nakayuko lang ako at tinatanggap ang sermon niya. Kasalanan ko naman e, dapat una pa lang in-expect ko na mangyayari 'to.
" Lumabas ka ng pamamahay ko."
"Tita--" napaangat bigla ang tingin ko sa kaniya.
"Labas!" Galit nitong utos kaya dali dali akong tumayo at naglakad paalis.
Humihikbi akong lumabas ng bahay ni tita Siri. Tumakbo ako sa may malapit na mangga at doon humagulgol. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog ako.
"Yeshaa..."
"hmm.." naramdaman kong may umaalog sa balikat ko.
" Yesha, gising na. Gabi na." napamulat ako ng mata at bumungad sakin si Tita Siri . Gabi na nga.
bumangon ako,
" Tita..."
"Sige na, pumasok ka na sa loob, alam mo namang hindi kita matitiis." niyakap ko si Tita Siri, sobrang saya ko!
" Salamat Tita! " humihikbing sabi ko.
" Siya siya, tara na sa loob. Mahamog dito sa labas," mahinahon nitong sambit at inalalayan akong tumayo.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...