CHAPTER 23
Yesha's POVSinundo namin si Baby Aivie. Dumiretso kami sa isang mamahaling resto. Kasi gusto ni Deign na doon kami. Treat niya daw ngayon kaya ayon. Nag agree naman lahat.
Tahimik lang kaming kumakain, tanging si baby aivie lang ang daldal nang daldal tungkol sa classmates niya and tungkol sa napakabait niyang teacher daw.
Natapos ang buong araw sa school namin at pagod ako. First day of school pero andami agad pinapagawang projects. Kelangan kong gumawa ng presentation mamaya.
Pag kasakay ko ng kotse ni Drew, tinanong ko agad siya kung susunduin ba namin si baby aivie.
"Drew, What will happen to baby aivie?"
" Hmm, yung chaperone niya ang mag uuwi sa mansyon--"
" No way! Sa bahay siya didiretso"
" What's wrong? Namimiss siya nila mommy at daddy"
" Sa sunod nalang. Basta, sa bahay siya uuwi" pagtataray ko pa kay Drew.
Walang nagawa si Drew kaya nag dial siya sa phone niya. Kausap niya yung maghahatid kay Baby aivie.
"Siguraduhin lang na safe makakauwi yan si baby aivie ah! Nakoo. Patay ka sakin Drew pag may nangyaring masama sa anak ko"
" Anak natin, Yesha. Correction"
" Tsk. I don't care" nagtataray pa din ako sa kaniya hanggang ngayon.
Inistart niya na ang kotse niya. At tahimik lang kami sa byahe. Muli siyang nagsalita.
"Uhmm, Yesha.. Yung nakita mo kanina. Uhmm wala lang yon--"
" Pagod ako, Drew. Can I take a nap?" cold kong sabi. Napabuntong hininga naman siya. Inirapan ko siya bago ko ipikit ang mata ko. Tsk. Bahala ka diyan.
Nagising ako nang kusa nang makauwi nako sa bahay at nagmadali nakong bumaba. Walang lingon akong umalis. Bahala ka diyan, Drew.
Narinig kong tinawag niya pa ako, peri hindi ko na siya nilingon.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay sinara ko agad ang pinto. Wala pa si baby aivie. Kakatok naman siguro sa pinto yung maghahatid sa kaniya ano?
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagriring ang cellphone ko. Nakita kong si Drew ang tumatawag. Hinayaan ko lang siya at nagbihis nako. Dumiretso ako sa kwarto ni ate para icheck kung nandon siya. peri wala pa. Nasa trabaho pa siguro
Hindi ko pa rin sinasagot ang tawag niya hanggang sa hindi na siya tumawag at may kumatok naman sa pinto.
Hindi ko pinagbuksan at baka si Drew yan.
Pero napatayo nalang ako bigla nang marinig ko ang boses ni baby aivie.
Dali dali kong binuksan ang pinto at saka sinalubong ng yakap ang anak ko. Waahh namiss ko siya.
"I missed you babyy"" me too mommy"
natigil ako nang makita ang kasama niya. Si Drew, hindi pa din umaalis.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Papasok na kami sa loob" sabi ko at hinawakan na sa kamay si baby aivie.Pero pinigil ni Drew ang pagpasok namin sa loob.
"Yesha. Mag usap tayo" lumamlam ang mga mata niya
"Pagod ako, Drew. Iintindihin ko pa si Baby aivie."
" Pleasee.."
" Next time nalang Drew. Thankyou for today" dumiretso na kami sa loob. Pinagsarhan ko ng pinto si Drew.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...