CHAPTER 7

3.7K 87 7
                                    

CHAPTER 7

Yesha's POV

Napatingin ako sa relo ko. 4:15 na kelangang 4:30 nasa bahay nako. nakakahiya kay Tita Siri pag nagtagal pa 'ko.

" ahh Brix, san tayo?" tanong ko.

" Resto?" sabi niya at sumakay kami sa kotse niya. nagulat ako nung una. kasi What the heck? sinong maniniwala na 14 years old palang, may sarili nang kotse?

pagdating namin sa restaurant ay nag order na si Brix ng pagkain. Mukhang mamahalin ang mga pagkain dito dahil sa ambiance palang ng resto.

" ahh, Brix. Don't you think it's too much?" nangunot ang noo niya at tumingin sakin

" I mean, tinulungan lang naman kita ng konti pero grabe ka magpasalamat"

" No, Yesha. Tama lang to. And actually wala pang tumulong sakin ng ganon. Kapag nagtatanong ako dedma lang"

" why?"

di siya sumagot at tahimik lang na kumakain.

Ngayon ko lang napagmasdan ang itsura ni Brix. May katangkaran siya. Tingin ko mga 5'6 siya. Hindi siya gwapo..pero tingin ko mabait siya. may napansin ako sa kilay niya, parang hindi normal.

wala sa sariling nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya para sana tingnan kung anong meron sa kilay niya pero napatingin siya sakin at iniwas ang mukha.

" ahh sorry." nahihiyang sabi ko.

"kumain ka lang, Yesha. wag ka mahiya" binalewala niya ang sinabi ko at ngumiti sakin kaya nginitian ko nalang din siya.

"Nasa manila ang mga magulang ko, mas pinili kong dito muna sa probinsya kasi may alitan kami ng kakambal ko"

"siguro mayaman ang pamilya niyo Brix no?"

"Mm. Malaki ang kumpanya namin, at marami kaming negosyo." simpleng sagot niya na walang halong pagyayabang

"Eh bakit sa public school ka nag aaral?" tanong ko

" Gusto ko lang maranasan maging normal na estudyante. ayoko kasi yung nirerespeto nila ako dahil mataas ang pamilyang kinabibilangan ko"

" ahh, Ganon?"

" Yeah. Ikaw?"

"Ahh, mahirap lang kami e, my parents died. And.. ahh may ate ako. Dalwa lang kami magkapatid. Then nasa Manila siya"

" eh bakit ikaw nandito?"

dagli akong napailag sa tanong niyang yon hindi nako umimik at iniba ko nalang ang usapan

nagkwentuhan kami at naging magaan naman ang loob ko sa kaniya

"So, friends na tayo?"

"friends!" sabi ko at nakipag shake hands.

" Sige na Brix, uuwi nako"

" Hatid na kita Yesha"

" Hindi pwede Brix. Ahh. sige babyee! Thankyou" tumakbo nako nang mabilis at diretsahang umuwi sa bahay. Nang makalayo nako kay Brix ay naglakad na lamang ako habang iniisip pa din yung kakaiba sa kilay ni Brix. I think may tinatago siya. Hindi ako bobo para hindi agad malaman yon. Para san pa't ako ang top student kung di ko malalaman.

Is he .. is he... Disguising?

Pagkauwi ko sa bahay ay agad ako nagmano kay Tita at pinuntahan ang anak ko.

Nung una ay natakot ako buhatin ang bata. Hindi ako marunong, sobrang liit niya kasi. Pero ngayon ay ayos na. Marunong nako.

Binuhat ko ang anak ko at hinalik halikan ito..

"Hmm, baby.. namiss ka ni mommy. " natutuwa ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit Aivie ang ipinangalan ko sa kaniya, I just found out that Aivie is a cute name habang nagbubuntis ako.

kamukhang kamukha niya ang ama niya ibinaba ko siya nang makatulog na.

Oo mahirap maging ina, lalo pa't nag aaral ka pa. Pero worth it naman kapag nakikita mo yung anak mo , parang nawawala lahat ng pagod mo.

Nagring ang phone ko.

~don't stay awake for too long, don't go to bed~ ringtone ko.
sinagot ko ang tawag nang malamang si Lea ito

"Hey, bes!!" bungad niya sakin.

" oh?"

" Bes, nakita ko si Drew kanina. May kasama siyang babae. Girlfriend niya ata? Tingin ko seryoso na siya sa babaeng yon" natigilan ako. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala nakong nararamdaman para kay Drew. Pero tanga na kung tanga! Mahal ko pa rin e.

"bes.. andyan ka pa ba?"

" ahh oo, sorry Lei."

" Hayaan mo, ako ang magiging mata mo dito. babantayan ko bawat kilos ni Drew."

" wag na bes, Thankyou. Hayaan nalang natin kung san siya masaya" labag sa kalooban kong sabihin yon! Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kung seryoso siya sa kasama niya ngayon, Kahit may anak kaming dalwa. Hahayaan ko siya. Kaya kong palakihin mag isa ang anak ko.

" Sure ka bes?"

" Oo naman, sige na Lei. Patayin mo na. Marami pakong gagawin e. Love you, goodnight bes"

" love you too bes, Goodnight." hinang -up niya na. kaya naman ay tumulo agad ang luha ko.

Hindi mo man lang nalaman Drew na may anak ka! ako nagpapakahirap dito tapos ikaw, ang saya saya mo! Hindi ka man lang nag abala na tanungin ako kung anong nangyari pag tapos nung nangyari satin.

Pinunasan ko ang luha ko nang marinig na umiiyak ang anak ko.

"Shhh, baby. Tahan na.. andito si Mommy. Mahal na mahal kita ha? Kahit wala ang Daddy mo papalakihin kita nang maayos. Pangako yan"

______
A/N: Marami pong errors, alam ko po 'yon, kulang pa po ang kaalaman ko noong isinulat ko ito kaya humihingi po ako ng paumanhin kung hindi ko po na-reach 'yong expectations niyo. You can skip this book if you're not enjoying this, tho. Thankyou!

SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon