CHAPTER 16
Yesha's POV
Maaga akong nagising ngunit mas maaga pang nagising sakin si Baby aivie.
Naghilamos ako at agad nang kumain. Pinakain ko na din si Aivie.
Naghanap nako ng maisusuot kong damit at ganon din para kay Aivie.
sabay kaming naligo ni aivie at napakakulit niyang paliguan, Sobrang dami niyang nasayang na sabon tuwang tuwa siya magpabula ng sabon sa kamay.
Nang matapos kaming maligo at makapagbihis ay nasa sala agad si Brix naghihintay.
"Pumasok nako, bukas ang pinto e" natatawang sabi ni Brix pero alam ko, nalulungkot siya ngayon.
"Ang agad mo Brix"
" Hmm, Yeah"
Kumatok ako sa pinto ni ate Kysha.
"Ate, aalis kami ni Aivie. kasama ko si Brix"
" hmm O sige. ingat kayo" namamaos niyang sabi, siguro ay naistorbo ko siya sa mahimbing niyang pagtulog
" Shall we go now?" tanong niya.
" I don't know if I'm ready." kinakabahang sabi ko.
"Mommy ko, where are we going?" binuhat ko si Baby aivie.
"To your dad baby,"
" Woah! I'm gonna meet my dad?" manghang sabi niya. So that's why she doesn't want to call Brix dad. Because 'dad' is already reserved for Drew?
Nakita ko si Drew na umiwas ng tingin.
"Let's go now" sabi niya at nauna nang lumabas.
-------
Pagdating na pagdating namin sa Mansyon nila Brix ay humanga ako. Grabe tripleng ganda nito kesa sa mansyon nila Deign.
Hindi ko alam na nagawa ko pang purihin ang disenyo ng Mansyon gayong ngayon ang araw na ipakikilala ko si Aivie kay Drew.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tanggapin kaya siya ni Drew? Anong magiging reaksyon ni Drew?
Napabuntong hininga ako.
"Let's go inside, Yesha" inalalayan kami ni Brix papunta sa loob. Tahimik lang kami. Ang tanging maingay lang samin ay si baby aivie na salita nang salita tungkol sa pagkamangha niya sa disenyo ng Mansyon
Pagdating namin sa loob ay mas lalo akong humanga sa disenyong naririto. sobrang elegante. Maging ang mga maid na sumalubong samin ay elegante ding tingnan. Kulang grey ang mga suot nila.
Nang marating namin ang salas nila ay saka lamang nagsalita si Brix
Sinamahan niya kami paakyat sa hagdan nila at nang malapit na kami ay tumigil siya.
"Ito ang kwarto ko. Ilang metro na lang ang kay Drew, 10 Metro lamang ay mararating niyo na. Sasamahan ko pa ba kayo?" Tanong ni Brix. Umiling ako. Hindi na siguro.
Kita ko ang pintuang nakasarado, mula dito. ang kwarto ni Drew."Thankyou Brix. Sige na kaya ko na"
" Okay, just tell if there's a problem. Dito lang muna ako sa kwarto ko. Just knock on my door okay? My room is always open for you." tumango ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sa noo bago siya pumasok sa kwarto niya. Humakbang na ako upang tunguhin ang kwarto ni Drew. Nanahimik din si Baby aivie na kapit kapit ko pa din hanggang ngayon.
Sobrang bagal ng pag lalakad ko, habang palapit nang palapit ay pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko. Kinakabahan ako.
Pero nang saktong makarating kamo sa kwarto ni Drew nagsalita si Baby Aivie
"Mommy.. Why so slow maglakad?" inosente niyang tanong.
"Ipapakilala na kita sa Daddy mo okay?This is his room" tumango sakin ang anak ko. Pero kakatok palang sana ako nang matigilan ako.
May hindi magandang nangyayari sa loob. Ayokong pakinggan. Unti unti akong nababasag. Ang puso ko, nababasag!
" I knew you won't resist me, Drew"
" Agh, Vairee.. Stop.."
What are they doing? Shit.may sunod pa na sinabi pero halos bulong nalang ang narinig ko
" No.. You'll like it, Drew! I can see in your eyes, you wanna play with me."
" ohh. pleasee!" hindi nako kumatok. wala akong mahanap na dahilan upang tumuloy.
"Let's go, baby. Hindi ngayon ang tamang panahon" hinawakan ko ang kamay ng anak ko.
"Why, we're going to meet my daddy right?"
Hmm, ano bang ginagawa ng lalaki at babae sa isang kwarto? Baka makaistorbo pako. Kahit cold ang boses niya. Sigurado ako, sasaya siya. Mamaya maya lang.
" But not now, baby. I think your dad is busy" pinunasan ko ang luhang namuo sa mga mata ko, at dire diretsong naglakad paalis
Hindi nako nagpaalam kay Brix na aalis ako.
Sobrang sakit.Kahit sa pangalawang pagkakataon, nasaktan na naman ako. Wala ba'kong karapatang sumaya?
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...