CHAPTER 3
Yesha's POV
Isang linggo na ang makalipas at nandito ako ngayon sa cafeteria at ibabalik ko na ang pinahiram na jacket sa'kin ni Drew.
Nang makita ko si Drew ay nilapitan ko siya.
" Drew!" tawag pansin ko sa kaniya at napalingon naman siya sa'kin pati ang mga kasama niya.
" Ibabalik ko na sana 'yung jacket," malumanay kong sabi.
" I don't need that. Sayo na yan" ngumisi siya.
" Pero sa'yo 'to e," pagpupumilit ko pa.
Hinampas niya ang table na kinagulat ko.
" 'Pag sinabi kong sa'yo na 'yan, sa'yo na 'yan! Hindi ako gumagamit ng ginamit na ng ibang tao, maliwanag?" Bulyaw niya. Napunta samin ang atensyon ng mga tao sa cafeteria.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit 'yong ulo niya sa'kin. Kung may problema siya, aba, e, mas malaki ang problema ko sa kaniya 'no!
" Babe, what's happening?" Biglang sulpot ng babae na kung makalingkis kay Drew ay dinaig pa ang ahas. Hindi sumagot si Drew
"Ginugulo ka ba ng babaeng 'to?" Tanong pa nito. Pero hindi ko na siya pinansin.
" Drew, iwan ko nalang dito," Sabi ko pero sumabat naman 'yung babaeng ahas.
" Hey, girl! Stay away from my boyfriend! Tsk! Iw, you're so dirty. And what's this? Is this a gift?" Maarte niyang pinulot yung jacket na nilapag ko.
" Disgusting," dugtong niya pa. Tss. Kung alam mo lang kung kanino 'yan.
" Alis na!" Pagtataboy niya sa'kin.
Aalis na sana ako pero..
" Ayy wait" pagpapahinto niya sakin.
" Dahil madumi ka naman, sagad sagadin na natin. Take a shower, bitch!" At binuhos niya sa'kin ang milktea na hawak hawak niya kanina pa.
" Ann!" Tawag sa kaniya ni Drew
" No babe, I can handle this bitch" huh! Bitch? Sino kayang bitch sa'ming dal'wa?
Ang lagkit. Shems!
" And this jacket? It's yours na! Ayaw ng boyfriend ko 'di ba? 'Wag mo ipilit!" Tinapon niya sakin yung jacket.
Konting timpi Yesha, as long as nakakaya mo, wag ka makikipag away. Pinulot ko yung jacket. At naglakad paalis pero tiningnan ko muna ang reaksyon ni Drew. Wala siyang pake! How come? Mag ke-care siya sa'kin tapos ngayon parang wala lang siyang pake? Ang sakit sa puso
Wala sa sariling bumalik ako sa room para sana magpalit ng damit.
"Excuse me," sabi ko kay Deign kasi nakaharang siya sa daan.
" Humanap ka ng ibang daan!" Bulyaw niya sa'kin kaya sinunod ko nalang.
Pero hindi pa'ko nakakalayo ay sinabunutan niya na ako.
"Ang kapal naman ng mukha mo na lumapit kay Drew kahapon!" Gigil niyang sabi.
" Bitawan mo'ko Deign, please," nagmamakaawang sabi ko. Sobrang sakit ng sabunot niya, wala akong oras para makipag-away. Nanlalagkit ako, masama ang loob ko, at inaalala ko ang nararamdaman ng isa pang puso na nasa tiyan ko.
" Damn you, Yesha! Huwag na huwag kang lalapit kay Drew! Akin lang si Drew! Naiintindihan mo?" Akin, your face! Ang landi landi mo. Kung sabi ni Ate malandi ako mas malandi ka!
" Hindi siya sa'yo , Deign! Inaangkin mo ang hindi sa'yo!" Shit. Dapat' di nalang ako sumagot pero may kung ano sa puso ko na ipaglaban ang totoo.
" E kanino siya? Sa'yo? Iw, mahiya ka nga, Yesha," binitawan niya ang buhok ko.
" Hindi kita inaano, Deign, pero bigla mo nalang ako sinabunutan, anong problema mo!?"
" Ang problema sa'yo malandi ka!" Wow ako talaga?
Sinampal niya ako at muling sinabunutan.
" Tama na Deign!" Sinubukan kong pigilan siya . Umiiyak na'ko sa sobrang sakit. Ang baby ko, 'wag niya idamay ang baby ko. Natatakot ako.
Kinaladkad niya ako malapit sa teacher's table at doon ay inuntog niya ang likod ko.
Wala ni isa man sa mga kaklase namin ang umawat. Marahil ay takot sila kay Deign.
Lahat sila ay nakatingin lang, ang iba ay natutuwa sa nangyayari at ang iba naman ay shocked.
Tumayo ako at tinulak si Deign pero tinulak niya rin ako.
" Shit, ahh!" Sigaw ko sa sakit. Napansin ko na biglang may lumabas na pula mula sa palda ko.
Hindi maari! Sana mali lang iniisip ko.
Natigilan si Deign at sakto namang pagdating ni Lea.
" Bes!" Taranta niyang sigaw.
" Bes, tawagan mo si Ate please.. " nanghihina kong sabi na agad niya namang ginawa.
Mamaya maya pa ay dumating ang ambulansya kasama si ate.
" Yesha! Anong nangyari?" Kinakabahang sabi niya.
" Ate, 'yung baby,"
" B-baby.."
" Ate.. ang baby ko," paulit-ulit na usal ko. hababg bumabyahe ang ambulansya
" Shhh. Tahan na Yesha."
" Ate.. ayokong mawala ang baby ko"
" Hindi 'yun mangyayari, Yesha. Malapit na tayo sa ospital, okay?"
Tumango ako sa kaniya.
Hindi ko mapapatawad si Deign 'pag may nangyaring masama sa anak ko.
Pananagutan niya ang kasalanan niya!
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...