CHAPTER 2
Yesha's POV
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa library para ibalik 'yung librong hiniram ko kahapon.
" Ma'am Sanchez, ito na po 'yung hiniram kong libro kahapon. Ibabalik ko na po," magalang na sambit ko at ipinakita ang ilang patong ng libro na nasa kamay ko.
" O sige, ibalik mo na yan at pumirma ka na rito 'pag tapos mo mailagay sa bookshelf nila 'yan," tumango lang ako kay ma'am Sanchez. She's our school librarian, she's strict to most of students pero hindi sa'kin, madalas kasi akong nasa library para mag-aral.
Halos kaibigan na rin ang turing ko kay ma'am Sanchez, but of course, I respect our gap and her position in school.
Habang ibinabalik ko ang mga libro sa dapat nilang paglag'yan, may narinig akong umuungol sa dulo ng library
" ugh. Harder please" nangunot ang noo ko. Pamilyar ang boses. Dahan dahan akong naglakad papalapit doon.
Sa dami ng pwedeng lugar na gawin yan dito pa talaga? Ang lakas ng loob nila na gawin iyan dito.
Kaya siguro nila napili rito gawin dahil wala naman masyadong pumupunta sa library, pero mali pa rin!
Ano ba, Yesha! Minsan mo na rin 'yang ginawa, hindi nga lang sa library.
" Drew.. Ugh," nabingi ako sa narinig ko. Ang pangalan na iyon.
I suddenly felt the hot little liquid continuously travelling in my cheeks.
" Moan my name, Deign."
Kaya pala pamilyar ang boses kasi parehas ko silang kaklase. Dali-dali kong binalik ang libro tsaka pumirma na at dumiretso sa garden ng school.
Nakakakilabot. Natatakot ako, ganoon ba talagang klase ng tao si Drew? Ang bata pa namin, akala ko, katulad ko, itinuring niya ring kasalanan 'yong nangyari sa'min, pero parang wala lang sa kaniya.
At inulit niya pa. Am I joke to him?
Gusto kong pakalmahin ang sarili ko. Umiiyak ako at halos hindi na'ko makahinga at naninikip na rin ang dibdib ko.
Sana hindi ka nalang nagpakita ng motibo na gusto mo ako, Drew para 'di na ako umasa!
" Bes," mabilis kong pinunasan ko ang luha ko dahil sa biglang pagsulpot ni Lea.
" 'wag mo nga itago sa'kin na umiiyak ka, bes! Sige lang, iiyak mo lang. Dito lang ako, hindi masamang umiyak," umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
" Bes, a-ayoko na. Tama na," I stuttered. I'm really tired now. Mababaliw ako sa kakaisip ng mga bagay bagay.
" Shh.. Si Drew ba yan?" saglit akong natigilan at tumango.
" Bes, wala kang aasahan do'n, pinaglololoko ka lang no'n,"
Alam ko.
Alam kong pinaglalaruan niya lang ako, pero hinahayaan ko lang siyang gawin sa'kin 'yon, kasi sa tingin ko, iyon ang ibig sabihin ng pag-ibig.
Pero mali, antanga ko. Ang bobo mo, Yesha.
Gusto kong sabihin kay Lea na buntis ako pero siguro itatago ko nalang 'to.
" Bes, kapag, uhm, lumipat ba ako ng school malulungkot ka?" tanong ko. Siya naman ang natigilan ngayon at nangunot ang noo.
" Bakit ka naman lilipat? Dahil kay Drew? Wag gan'yan bes! Mali 'yon!" angal niya.
BINABASA MO ANG
SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)
General FictionMaagang nabuntis si Yesha kaya umuwi siya ng kanilang probinsiya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil nabuntis siya nang napakaaga. Pero nang manganak siya, hindi na niya inintindi pa ang ama nito at ipinangako sa sarili na kakaya...