CHAPTER 10

3.6K 82 2
                                    

CHAPTER 10

YESHA'S POV

pagkapasok na pagkapasok ko sa school ay nakita ko agad ang nagtutumpukang mga babae sa may gate. Napalingon ako sa pinaparadahan lagi ng sasakyan ni Brix pag hinahatid sundo siya.

Kakaalis lang ng sasakyan na yon.

"Hi "

"Ang gwapo mo"

"May we know your name?"

" p'wede papicture?"

" Anong pangalan mo, pogi?"

"ang hot"

"Bakit ngayon ka lang pumasok?"

naririndi ako sa mga pinagsasasabi nila. Didiretso na sana ako sa loob ng school prro nagsalita yung lalaking pinagtutumpukan.

"I'm Brix, okay!?" nagulat ang lahat sa narinig, marahil ay hindi nila iyon inaasahan, dahil simpleng estudyante lang naman si Brix.

Tsk. Parang Drew din pala to si Brix, parehas silang pinagkakaguluhan. Parehas ding naiinis pag pinagkakaguluhan.

sinamantala ni Brix ang pagkagulat nila upang makaalis dun at sabay hawak sa wrist ko.

" Bilis Yesha, takbo!" sabi niya at dali dali kaming tumakbo hanggang makarating kami sa classroom. Nagtawanan kamong dalwa nang marating namin ang room.

Nagulat din ang mga kaklase ko nang makita si Brix, pero nang magsimula ang klase ay tinawag siya ng teacher namin at tinanong kaya nagpaliwanag na si Brix na siya iyon at hindi na niya sinabi kung bakit niya ginawa ang pagpapanggap.

'secret niya na lang daw' yun kung bakit. tsk. May nalalaman pa siyang pa secret secret ha, e alam ko naman.

Natapos ang buong araw namin sa school at marami kaming gagawin. Assignments, project, and activities

"Yesha, kung sa bahay ka nalang kaya namin gumawa ng assignments? Di naman siguro magagalit ang tita mo nun ano?" tanong niya. Hindi nga magagalit si Tita pero kasi yung anak ko, di ko pwedeng iwan na lang lagi kay tita yun.

" Hindi pwede Brix e" nasagot ko na lamang.

"But why?"

" May kelangan akong alagaan sa bahay" seryosong sagot ko. Nangunot ang noo nya

" Ano ba? Aso niyo? Pusa niyo? O baka mga daga sa inyo?" natawa ako sa sinabi niya.

"Munting anghel, Brix" sabi ko, nakita ko naman ang pagka amaze sa mukha niya.

"May anghel sa bahay niyo? woah! alitaptap na yan? Dalhin mo sa bahay, para dun natin alagaan. Sige na" pilit niya pero umiling ako. Abnormal talaga mag isip to si Brix.

"Hindi talaga pwede Brix, "

" Pero nangako ka sakin na tutulungan moko sa pag aaral, di'ba Yesha?"

" oo, pero hindi ibigsabihin non, ay lagi. Pwede naman tayo mag aral sa library ah?"

" Maliit ang library ng school natin! di ako makapagfocus!" angal niya na may kasama pang pag iling.

"Haha. Brix, gusto mong maging normal na estudyante tapos magrereklamo ka diyan na maliit ang library. Kung sana e sa private school ka nag aral edi wala kang reklamo" prangka kong sabi,kaso sumimangot lang siya. Nasanay na siya sa pagiging prangka ko, kaya tuwing binabara ko siya ay sumisimangot na lang siya. pero ang kyut niya don!

Habang naglalakad kami sa pathway ng school ay may nakita kaming babae at lalaki. May dalang chocolates.

Unang naglalakad yung Lalaki, nasa likod niya naman yung babae.

Yung lalaki is seryosong nakatingin sakin. Luh!
tapos yung babae naman ay nakangiti kay Brix.

" Para sa'tin ba yung chocolates na dala nila?"

"Siguro" sagot ko kasi obvious naman na para samin yon. Sa gwapo ba naman nitong kasama ko, hindi maipagkakaila na maraming admirers.

Pero dahil sa sobrang focus nila sa pagtingin samin ni Brix ay nagkabanggaa. silang dalwa.

"Oh my!" tili nung babae.

" Heira?" tanong nung lalaki.

"Prince?" sabi naman nung babae. Magkakilala tong mga to?

Seryoso silang nagkatitigan sa isa't isa. Binulungan ko si Brix na magtago kami.

Narinig namin ang usapan nilang dalwa.

"It's been a long time." cold na sabi nung Prince.

"Yeah. uhm." tumingin si Heira sa dala niyang chocolate at nagdalwang isip na ibigay iyon dun kay Prince

"Sorry, balik ka na sakin Please" pag mamakaawa nung babae. Lumamlam naman ang tingin ni Prince

"Ngayon, babalik ka may iba na'kong gusto"

"Yang dala mo ba ay para sa kaniya?"

" oo" natahimik yung babae.

inabot niya nalang yung chocolate kay Prince.

"Balik ka na please. Mahal pa kita. At kung hindi mo na ako mahal, gagawin ko lahat para mahalin mo ulit ako" umiiyak na yung babae. Halaa. kawawa naman si ate. ang ganda niya pa naman!

"Ang drama naman nila"biglang sabi nitong katabi ko.

"Shh! wag ka ngang maingay diyan, Brix" saway ko sa kaniya kaya tumahimik siya.

"Mahal pa kita, Heira" nabaling ulit ang atensyon ko dun sa dalawa nang magsalita yung lalaki.

" Hayaan mo munang mawala yung sakit, ang sakit e. Nang iwan moko dahil lang sa pag aaral mo. Pwede naman tayo sabay mag aral diba? Baka sagabal pa din ako sa pag aaral mo ngayon, Heira?"

"No prince, hindi. mas mahalaga ka"

naglakad na yung Prince at sinundan siya nung Heira

" Prince!" tawag pa nito

lumabas na kami sa tinataguan namin ni Brix nang makalayo na sila.

"Wuhoo! wala na'kong kaagaw sayo Yesha. Yun oh!" natatawang sabi ni Prince. Binatukan ko siya sa kaabnormalan niya.

" aray ha!" angal niya pero di ko na pinansin.

" abnormal ka talaga!"

" ayy oo nga pala! Mahal mo pa nga pala si Drew" tumawa siya pero alam ko,nasasaktan siya. kung pwede lang talaga na turuan ang puso mag mahal edi, minahal ko na siyq. pero hindi e. Si Drew pa din ang hinahanap ng puso ko.

SWEETEST MISTAKE(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon