Beginning

642 12 3
                                    

Beginning

"Lester, bumili ka na rin ng tomato paste. May pera sa ibabaw ng aparador."

Kinamot ko ang ulo sa inis at kinuha 'yung perang sinasabi ni Mama. "Opo."

Nang mapadaan sa salamin ay inayos ko ang polo at ang buhok ko. Tinanggal ko ang salaming suot at nilinisan gamit ang laylayan ng suot kong polo. Sakto namang bumaba si Lovely, iyong bunso kong kapatid.

"Pormang-porma, ah," aniya. "May date ba kayo, Kuya?"

Nagkunot-noo ako sa kanya. "Anong date? Huy, ba't ganyan na ang iniisip mo ha?"

Alam ko naman na dalaga na talaga si Lovely. Kaso hindi ko pa rin mapigilan ang maging protective, kasi para sa 'kin, baby pa rin siya ng pamilya. Kahit maging trenta na siya, o may apo na. Wala akong pakialam.

Natawa siya. "Sus, kunwari ka pa."

"Bibili lang ako ng gamit. Ikaw talaga."

"Sus, palusot! Sabihin mo na rin kay Ate Mea na nagpapakumusta ako."

Natawa ako at tumango na lang. Sa tuwing binabanggit ang pangalan ng nobya kong si Mea, hindi ko mapigilang mapangiti, eh. Ang swerte ko talaga sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanila bago lumabas. Tinukso pa ako ni Lovely kaya binilisan kong isara ang pinto. Malamig ang simoy ng hangin at masama ang panahon. Mukhang uulan yata. Bahala na.

Pumara na ako ng traysikel papunta sa sakayan ng jeep. Binasa ko 'yung maliit na sticky note na dala. Listahan iyon ng mga kailangan kong bilhin para sa susunod na pasukan.

Magkokolehiyo na kasi ako at excited pa. Masaya ako na makapasok sa isa sa pinaka-magaling na university sa lugar namin. Kahit nahiwalay ako sa mga barkada ko, okay pa rin kasi naging isa ako sa mga iskolar. Para na rin makatulong kay Mama.

Alam ko na malaki ang gastos sa pagdodoktor ko, kaya kahit hindi naman ganun katalino ay gagawin ko talaga ang lahat.

Nakasakay na ako sa jeep nang nadaanan namin 'yung maliit na eskinita. Liblib 'yun at may sobrang taas na mga puno sa bawat gilid. Kung titingnan mo mula sa labas ay nakakatakot talaga ito.

May iba talaga akong nararamdaman.

Sa loob ay may malaking building na tinatawag na Safe Haven. Lugar ito ng mga may sayad sa utak. Matagal na talaga akong curious sa lugar na 'yun, bata pa lang.

Sabi ng kaibigan kong si Reggie, nakakatakot daw. Naging nurse kasi ang Tita niya roon at pagkatapos ng isang taon ay tumigil. Bukod sa mga nakakatakot ang kakaibang pasyente, medyo haunted raw ang lugar.

Mahilig akong magbasa sa mga horror kaya rin siguro hindi ako mapakali kapag nadadaanan ko lang ang lugar na 'yun.

Gusto kong pumasok. Gusto kong tingnan.

Isang pad ng papel, dalawang notebook at mga bolpen lamang ang binili ko pagdating sa mall. Gusto ko sanang pumunta sa grocery para bumili ng tomato paste kaso naisipan ko na sa may convenience store na lang. Panigurado, mahaba ang pila ngayon.

Bumili rin ako ng cute na pantali. Kulay pink ito at naalala ko bigla si Mea.

Girlfriend ko siya at magtatatlong taon na. Medyo nakakalungkot nga kasi sa darating na pasukan ay hindi na kami magkasama. Sa isang private college kasi siya pinasok ng Mommy niya. Napangiti tuloy ako bigla.

Sumakay na ako ng jeep, bitbit iyong paper bag kung saan nandun ang mga pinamiling gamit, at pumara sa may parang maliit na grocery sa may bayan.

"Good afternoon, Sir," bati nung guard.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon