01
Halos tumakbo na ako papasok sa cafe. Pawisan ako kaya naman nang tumama ang lamig ng aircon sa balat ay kaagad itong lumagkit.
Nakasimangot si Mea nang tumingin ako sa kanya. Kaagad akong lumapit sa table at umupo sa tapat. Halos magkatagpo na ang mga kilay niya.
Mukhang kanina pa yata siya rito...
"Late ka na naman," aniya sabay ayos ng bangs niya.
Ang ganda talaga ni Mea. Bagay na bagay sa maliit niyang mukha ang maalon niyang buhok.
"Pasensiya ka na. Medyo busy kasi sa school, eh-"
"Nursing din naman ako, ah? Ba't on time ako lagi?"
"Kasi-"
"Ah, kasi nakapasok ka sa university na 'yan?"
Pinigilan ko ang mapabuntong-hininga. Simula nang nagkahiwalay na kami ng eskuwelahan, 'yan palagi ang sinasabi niya sa 'kin.
Umiling ako. "Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin, Mea"
Inirapan niya ako. "It's Eyah now. 'Yan na ang tawag sa 'kin ng bago kong friends sa college." Nagbuntong-hininga siya. "Lester, step up your game. Ano ba naman 'yan."
Ngumiti ako ng konti sabay tango. "Mag-order na tayo."
"Fine."
Medyo masakit din naman na nabibigo ko lagi si Mea... este Eyah na pala. Mula nung mag-kolehiyo ako, konti na lang ang oras ko para sa kanya.
Nagkikita pa rin naman kami pero lagi na lang siyang naiilang at wala sa mood. Siguro stressed lang siya. Hindi rin madali ang college. Nag-a-adjust pa kami.
Inihatid ko na siya pagkatapos naming kumain. Sa traysikel ay wala pa rin siyang imik. 'Di bale, next time, bibilhan ko na siya ng bulaklak. Medyo gipit din ako ngayon, eh.
Gabi na nang makauwi ako sa barangay namin. Habang naglalakad ay nakita ko ang mga kaibigan kong sina Reggie, Oyo at Tiboy na nakatambay sa tindahan. Galing yata sila sa pagbabasketball. May hawak pang softdrinks.
"Oy, Silvester Cruz IV!" tawag ni Reggie. "Punta ka muna rito!"
Natawa ako at napailing. Lumapit ako sa kanila at kaagad naman nilang ginulo ang buhok ko. Naalog tuloy 'yung salamin ko.
"Kumusta? Hindi ka na namin nakikita, ah?" ani Oyo.
"Busy lang ako."
"Sus, iba na talaga kapag nagtino na sa kolehiyo, 'no?" tukso ni Reggie.
"Magtino ka na rin Reggie Boy," si Tiboy sabay tingin sa 'kin. "May bago na namang chicks," sabay turo kay Reggie.
Nagkibit-balikat si Reggie. "Gwapo, eh."
"Ulol!" ani Oyo at natawa.
Gwapo naman talaga si Reggie, eh. Ang hindi ko lang magustuhan ay alam na alam niya 'yun. Kaya papalit-palit na lang ng babae kada buwan o linggo.
Inakbayan ako ni Tiboy na amoy-pawis kaya tinulak ko siya palayo.
"Ba't 'di ka tumulad kay Lover Boy?" aniya. "Tatlong taon na sila ng bebe chicks niya."
"Auto pass. Ang boring kaya. 'Tsaka tigang 'yan 'no."
Nagtawanan sila. Napailing na lang ako.
"Hindi kasi ako mahilig maglaro ng babae," sabi ko.
"Eh, ba't parang malungkot ka?" sabay turo ni Oyo sa 'kin.
Nagbuntong-hininga ako at umupo. Pinaikutan naman nila ako.
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.