18
Lumipas ang bagong taon na parang kakaiba.
Hindi ko maintindihan, eh, pero mas sabik ako ngayon. Kumpara noong mga nakaraang bagong taon, ngayon may iba akong nararamdaman.
Ang daming nagbago. Hindi na kami masyadong nagbabasketball kasi naging abala na kami sa mga gawain sa eskwelahan. Pati nga si Lovely, hindi na masyadong nagsusungit.
Nagkaroon na rin ng bagong trabaho si Mama sa isang restaurant bilang taga-luto. Sobrang masaya ako para sa kanya. Pangarap kasi talaga ni Mama na maging tagapagluto.
Lahat yata sa paligid ko ay may pagbabago maliban na lang kay Joy.
Ganoon pa rin siya, eh.
Mainitin ang ulo. Masungit. Walang kwenta kausap...
Nagkikita kami minsan kapag hinahatid ko si Lovely sa eskwelahan nila, kapag may meeting at ako ang pinapapunta ni Mama, at kapag may programs.
"Ang bobo mo naman!"
Galit na galit siya nang napunta sa gutter ang bowling ball at hindi ko na naman natamaan ang mga pin sa gitna. Kinamot ko ang ulo at bumalik na sa mesa kung nasaan sina Oyo, Reggie, Tiboy at Phil na tumatawa.
"Okay lang 'yan," ani Phil.
"Sanay na naman ako sa ugali niya," tugon ko.
Nakatambay lang kaming magkakaibigan sa gym habang umiinom ng softdrink nang biglang dumating ang pamilyar na puting SUV ni Phil kanina.
Nang iniluwa roon si Joy at sinabing sumama, ginawa naman namin nang walang alinlangan. At ngayon, nasa isang indoor bowling station kami.
Kanina pa kami tira nang tira. Ilang pustahan na rin at laro ang nagawa namin ngunit hindi talaga ako marunong.
Kaya naman malulutong na mga mura ang binitawan ni Joy. Kulang na lang ako ang gawin niyang pin.
Pero kahit masakit siyang magsalita, natatawa ako imbis na masaktan. Unti-unti ko na yatang nano-normalize ang pananalita at ugali niya. 'Tsaka totoo rin naman na ang bobo ko sa laro na 'to.
"Hoy, pumunta ka rito!" sabay turo niya sa 'kin. Malakas ang boses niya kaya napapatingin ang ilan sa amin.
"Good luck, pare," ani Reggie na kumakain.
Nagbuntong-hininga lamang ako at lumapit kay Joy sa area.
"Bakit na naman?" reklamo ko. Gusto ko na kasing kumain. Kanina pa ako naghahagis at nangangalay na ang mga balikat ko.
"Akala ko ba matalino ka? Ang simple-simple lang namang mag-bowling."
"Magkaiba naman kasi ang physical intelligence sa mental intelligence," sabay kamot sa batok.
"Hindi, Lester. Kung tanga, tanga talaga!"
Medyo mataas na ang bangs niya kaya kahit natatabunan iyong mga kilay, alam ko na halos magkadungtong na 'to.
Inihagis niya ang bola sa 'kin at nasalo ko 'to.
"Subukan mo ulit," aniya sabay krus ng braso.
Hindi ko alam kung pang-ilang buntong-hininga na yata ang pinakawalan ko nang pumwesto na at nag-position.
Nang inihagis ito ulit, abang na abang ako lalo na at malakas itong nagpagulong-gulong sa gitna hanggang sa bigla itong dumahan-dahan at pumagilid na naman at na-shoot sa gutter.
"Bwisit ka! Tanga!" sabay sipa niya sa binti ko. "Ba't hindi ka kasi marunong?! Ang simple lang naman niyan! Tanga talaga."
Padabog siyang bumalik sa mesa at tumabi kay Phil. Nag-e-enjoy yata sila sa panonood sa katangahan ko.
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.