13
Silvester:
Okay ka lang ba?Joy:
Ba't m0 natan0ng?Ginulo ko ang buhok sa inis. Tinitigan ko ang mga chat niya. Ba't ba siya nag-e-effort masyado para mag-type nang ganyan? Eh, ang simple-simple lang naman maghanap ng tamang letra sa keyboard.
Silvester:
Wala lang.Joy:
Ah,,, 0kaYSilvester:
Ganyan ka ba talaga mag-type?Hindi na siya nag-reply. 9 PM na rin at baka patulog na si Joy. Hindi rin naman siya marunong magpaalam kaya hindi ko na rin inasahan pa na makatanggap ng reply.
Kaya naman nang nakipag-video call siya ay automatic kong inayos ang buhok ko. Tumikhim pa ako bago ito sinagot. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, akala ko aatakehin na ako sa kaba.
"Hello?" sabi ko.
Naka-off ang camera niya kaya in-off ko na rin iyong akin.
"Ipakita mo ang mukha mo," sabi niya sa kabilang linya.
"Bakit naman? Hindi mo nga ipinakita ang mukha mo, eh."
"Gawin mo na kasi. Ang pabebe naman," pagmamaktol niya.
Inayos ko ulit ang buhok ko at sumandal sa headboard. Binuksan ko ang camera ko.
Ang weird. Hindi ako sanay na may ka-video call. Kahit kay Mea noon, hindi kami gumagamit ng ganito. 'Tsaka, nakakailang kasi mukha ko lang 'yung nakikita ko sa screen.
Inayos ko ang salamin ko. "Ba't ka napatawag?"
"Judgemental ka kasi."
"Teka, anong-"
"Ganun talaga ako mag-type." Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Nakakatuwa nga. Challenging."
"Anong challenging?"
Tuluyan na akong natawa sabay iling. Kakaiba talaga siya mag-isip.
Natahimik kami. Naalala ko 'yung sinabi ni Lovely. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Ipakita mo naman ang mukha mo," mahina kong pakiusap.
"Bakit? Gusto mo ba akong makita?"
"Hindi naman sa ganun. Weird kasi na mukha ko lang ang nakikita ko."
Mahina siyang natawa. "Punta ka rito."
"Ha?"
"Ikaw. Pumunta ka rito."
"Ngayon?"
9:30 PM na at tulog na sina Mama. Nahihibang na ba siya?
"Gusto mo akong makita, 'di ba? Nasa playground lang ako."
"Teka-"
Bigla na lang niyang ibinaba ang tawag. Nakita ko na online pa rin siya kaya nagchat ako ng mga dahil kaso hindi niya iyon pinansin. Kahit seen hindi niya man lang ginawa.
Nagbuntong-hininga ako at ginulo ang buhok. Kumuha ako ng jacket at wallet, at dahan-dahang lumabas ng kwarto.
Nakapatay na lahat ng ilaw at tulog na yata sila. Hindi siguro nila ako mababantayan. Kaya naman nakalabas ako sa bahay na parang ninja.
Alas onse ang last trip ng jeep dito sa amin kaya naman kampante ako na makakauwi pa ako ng buhay.
Habang naglalakad sa makitid na eskinita papasok sa Safe Haven, napayakap ako sa sarili kasi malamig ang simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.