31Hindi ako makatulog. Nakatingin lang ako sa kisame buong magdamag nang may kumatok sa pinto. Nang binuksan ito ay nakita ko si Mama na may dalang baso ng gatas.
"Gabi na po, ah," sabi ko.
Pumasok siya sa kwarto at inilapag ang baso sa mesa. "Gabi na rin, ah. Ba't gising ka pa?"
Hindi ako nakasagot. Ngumiti siya sa 'kin at inilibot ang paningin.
"Hindi ka ba naglilinis dito? Ba't ang daming alikabok?" Pumunta siya sa balkonahe at binuksan ang mga bintana. "Grabe, pati mga tuping damit hindi mo nailagay sa kabinet mo?"
Kinamot ko ang batok. "Naging busy lang po, eh."
"O siya, inumin mo na 'yang gatas para makatulog ka nang madali."
Tumango ako at ininom iyon nang isang lagok lang. "Tapos na."
Nahinto ako nang tumitig siya sa 'kin na may nag-aalalang ngiti. Nagbuntong-hininga siya at lumapit sa 'kin para haplusin ang balikat ko.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Opo..."
"Sinabi ni Lovely kanina, umiiyak ka raw."
"Nag-iimbento lang 'yun, Ma."
Umupo kami sa dulo ng kama habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Galing ka ba sa ospital?" mahina niyang tanong.
"Opo."
"Nag-away ba kayong dalawa?"
Hinarap ko siya. "Bakit okay lang po sa inyo na nagkagusto ko sa...isang katulad niya?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam naman po natin na may," tinuro ko ang sentido, "sakit siya rito, 'di ba? Hindi ka ba naiilang dun?"
"Ano na naman kung may sakit siya rito?" at tinuro din ang sentido.
Naghahanap ako ng mga salita pero hindi ko maipaliwanag kung ano talaga ang ibig kong sabihin.
Mahina siyang tumawa. "Lester, ang mga may sakit sa utak ay pareho lamang sa mga taong may sakit sa pisikal na anyo. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung ganyan siya, eh. Kagaya lang din sila sa mga may sugat at bali."
"Hindi ka ba natatakot? Kasi 'di ba utak na ang pinag-uusapan."
Umiling siya. "Mabait na bata si Joy. Naramdaman ko 'yun. Papatuluyin ko ba siya rito kung hindi?"
Nagbuntong-hininga ako at tumingin muli sa labas ng bintana.
"Mahirap ba?" tanong ni Mama.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero tumango na ako.
Hinaplos niya ang likuran ko. "Ganyan talaga 'yan, anak. Mahirap talaga. Iyong sa Papa mo nga noon, halos isipin kong magpakamatay na lang."
"Totoo po?"
Tumango siya. "Lalo na nang malaman ko na may iba pala siyang pamilya. Kaya pala hindi ako mapakasalan ng gago."
Mahina akong natawa. Nang magsimula siyag maluha, parang sinusuntok ang puso ko. Minsan ko lang makita si Mama na ganito, kaya naman niyakap ko ang baywang niya at ipinatong ang ulo sa balikat.
"Ngayon ko lang ulit ako nag-open up nang ganito." Tinakpan niya ng pilit na tawa ang paghikbi. "Pero, hindi ako nagsisisi na dumating kayo ni Lovely sa buhay ko."
Humarap siya sa 'kin. "Marami akong pagkakamali dahil sinunod ko ang puso ko, Lester. Pero naging masaya ako. Ang sa 'kin lang, kung hindi mo na kaya, lumapit ka sa akin, ha?"
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.