03
"Tiboy, pasa mo sa 'kin!"
"Bantayan mo!"
"Block! Block!"
Nang mai-shoot ni Oyo ang bola sa ring ay kaagad akong nahinto. Ipinatong ko ang mga kamay sa tuhod at hinahabol ang hininga.
"Ano ba naman 'yan, Lester. Talo na naman tayo," ani Reggie.
"Time-out," sabi ko.
"Pahinga muna tayo," ani Oyo.
Lumapit si Tiboy at inalalayan akong umayos ng tayo.
Matindi ang sikat ng araw at mabilis akong pagpawisan kaya naman basang-basa na ang suot kong t-shirt. Inaya kasi nila akong magbasketball. Kahit nag-aaral, iniwan ko na at nagbihis para sumama.
Pagdating sa tindahan ay kaagad hinubad ni Reggie at Oyo ang mga suot na jersey. Bumili na rin kami ng softdrinks. Tinanggal ko na muna ang salamin ko at pinunasan ang mukha gamit ang towel.
"Kanina ka pa lutang, Lester. Anong problema?" tanong ni Reggie.
"Wala... mabilis lang talaga akong mapagod."
"Sus. Hindi ka pa ba sanay diyan, Reggie?" sabi ni Oyo na nginunguya na ang straw.
Nagtawanan sila.
Sinungaling. Kahit malabo ang paningin ay sumasali pa rin ako ng iba't-ibang sports sa skwelahan. Ngayon lang talaga, ang dami kong iniisip.
Bukod sa mga deadline at sa pagsusungit ni Mea, hindi ko rin maiwasang isipin si Joy.
Si Joy na naman...
Simula nung pagbisita namin sa mental hospital, hindi na ulit ako nakabalik... hindi ko na ulit siya nakita.
"Reggie," tawag ko. "Wala na ba talaga 'yung tita mo sa Safe Haven?"
"Wala na... teka ba't mo natanong?"
"Curious lang. 'Di ba sabi mo maraming multo roon?"
Tumango siya. "Marami raw 'tol. Nakakatakot din raw ang mga baliw dun."
Tumawa si Oyo. "Marami bang magagandang baliw dun?"
Meron, gusto ko sanang sabihin. Pero hindi ko magawa. Baka mapagtripan si Joy. Wala pa naman akong tiwala sa mga mokong na 'to.
Umiling si Reggie. "Hindi ko alam. Bata pa ako nung bumisita kami ni Mama, eh. Tapos bawal ding lumampas sa mga kwarto talaga nila."
"Ba't mo natanong?" ani Tiboy kay Oyo.
"Wala kasing nagkakagusto sa 'kin, eh. Baka maka-tsamba sa mga baliw."
Hindi ko gusto ang pananalita ni Oyo. Parang masyado niyang gine-generalize ang mga baliw, eh, hindi naman talaga sila ganun.
Nang pumunta sa Safe Haven ay nagbago na rin ang pananaw ko. Siguro masyado akong nadala sa mga pinapanood kaya iyon din ang pinaniwalaan ko. Pero hindi naman talaga ganun ka-OA...
"Siraulo," si Reggie.
Nagtawanan sila. Ako naman, nakikisabay lang.
Laging busy si Mea kaya hindi na kami masyadong nagkakausap at nagkikita. Noon, kung may mga bakanteng oras kami, kumakain kami sa mga kainan sa labas ng skwelahan.
Namimiss ko na tuloy siya.
Kaya naman kapag may libreng oras, sa library ako tumatambay. Nagkakaroon din ako ng ilang oras para mag-isip ng kung anu-ano... kasama na roon ang Safe Haven.
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.