09

211 8 0
                                    


09

Kasalukuyan kong nilalagyan ng gel ang buhok ko sa harap ng salamin habang naghu-hum sa paborito kong kanta. Medyo tumataas na 'to kaya kailangan ko nang magpagupit.

Mula sa salamin, nakita ko ang kapatid kong nakatingin sa 'kin habang tinatakpan ang baunan. Sobrang lagkit ng tingin niya sa akin kaya nagtaka ako.

"Ano?" tanong ko, medyo naiinis.

"Good mood ka yata. Parang 'di broken hearted, ah."

Lumingon ako sa kanya. "Matagal na 'yung tapos. Magtatatlong buwan na, hindi ka pa rin ba titigil?"

"Sus, neknek mo," aniya.

Parang kahapon lang nung naghiwalay kami ni Mea, pero akalain mo 'yun, magtatatlong buwan na pala. Ang bilis lang talaga ng panahon. Naging abala rin ako kaya hindi ko na namalayan.

"Pero, Kuya... nasaan ka pala kahapon?"

Nag-iwas ako ng tingin. Tinakpan ko ang gel at nagpunta na sa kainan.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi iyong sapatos mo, ang dumi. 'Tsaka hindi ako sure, pero parang nakita kita sa school kahapon."

Hindi ko pinahalata na nagulat ako. Kinagat ko rin ang labi para pigilan ang ngiti. Sa tuwing naaalala ko kasi ang ginawa ni Joy kahapon, automatic na matatawa ako.

Sobrang sakit ng mga binti ko pag-uwi ng bahay. Kinailangan ko pa ngang magmasahe kaya hindi kaagad ako nakatulog pag-uwi ng bahay. Kaso nakangiti ako kagabi.

Tumalikod ako kay Lovely at naghugas ng kamay sa lababo.

"Ba't naman ako pupunta sa eskwelahan mo?"

"Sa bagay..."

Medyo nagsinungaling ako kay Lovely at sa sarili. Kasi kahit lumipas na ang halos tatlong buwan mula nung hiwalayan, naapektuhan pa rin naman ako. Nakakatuwa lang na hindi ko inaasahan na ganito ako kabilis maka-move on sa kanya.

Hindi biro 'yung ginawa ni Mea. Parang hindi ko na yata makakalimutan 'yung ginawa niya, pero tapos na ang lahat at wala na akong magagawa.

Habang nasa jeep, tiningnan ko ang facebook niya, at napigilan ko ang paghinga nang makitang hindi na kami friends.

Naka-private ang account niya kaya naman hindi ko nakita. Nagpunta ako sa instagram at dun naman tiningnan ang profile niya.

Wala na ang mga pictures namin. Ni-isa.

Tumingin ako sa labas at hinayaang hanginin ang inayos kong buhok. Nagtutubig na rin ang mga mata ko.

Pambihira, para naman akong bata nito.

Tama na... hindi na ako ang gusto niya. Pero bakit parang ang bilis naman yata.

Naalala ko na naman 'yung sinabi niya... at iyong sinabi ni Joy. Ang plain ko lang ba talaga? Ano ba ang gagawin ko?

Kailangan ko bang magbago? Kailangan ko bang baguhin ang buhay ko?

Tumingin ulit ako sa cellphone at nagtipa ng text kay Reggie.

Ako:
Inom mamaya?

Dahil active ang mga kaibigan ko pagdating sa inuman, pagkatapos ng klase ay pinapunta nila ako sa isang pub na malapit sa university.

Nagpaalam na rin ako kay Mama na mahuhuli ako ng uwi. Ala singko nang dumating ako sa lugar. Nakapuwesto na sila doon sa may gilid at okupado ang buong mesa.

"Yo, men!" bati ni Oyo. "Why are you late, men? Come and sit down, men."

"Oyo, isang men na lang at lilipad na 'tong bote sa mukha mo," si Tiboy.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon