35

269 11 1
                                    

35

"Natatakot ako. Is it really safe?" tanong ni Lovely.

Her job as a preschool teacher shaped the way she talks. Kaya nagpapasalamat ako dun. Hindi na siya sumisigaw kagaya nang dati, at mas naging mature na rin siya. Pero hindi pa rin ako boto sa pagbo-boyfriend ni Lovely.

"Malakas ang ulan pero signal number one na raw ito," I replied. "There's nothing to worry about it."

It was cold inside the airport. Mula sa labas, sobrang lakas ng hangin at ulan. It's roaring as if it's very angry. Kanina pa kami rito at laging nade-delay ang flight. Naiinip na rin ako.

Ngumiti ako kay Mama na nagkakape habang nakaupo. Tinanggal ko ang jacket na suot at ibinalot ito sa kanya.

"Okay ka lang, Ma?" tanong ko.

Tumango siya. "Okay lang."

"This is the worst summer ever." Umupo si Lovely sa tabi ni Mama sabay krus ng braso.

Pagkatapos ng isang oras ay nakasakay na kami sa eroplano. Malalim na buntong-hininga ang pinakawala ko pagkaupo. Katabi ko si Mama habang si Lovely naman ay nasa likuran.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Mama.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan," she said with a smirk. "Sampung taon ka na ring hindi nakakabalik dun."

"Ma, seven years po. Pitong taon mula nung lumipat tayo."

Humalakhak siya nang mahina.

Kinailangan naming lumipat para sa pag-aaral ko. Medyo umayaw ako kasi ang dami nang sinakripisyo ni Mama para sa mga gastusin. I almost stopped but she pushed me until the end.

Para na rin daw malapit sa med school. Mahirap mag-adjust sa mas siyudad na lugar, pero wala na rin akong magagawa.

After all, we are happy with all that we have.

Matapos ang kalahating oras, we arrived safely at our hometown. Umuulan pa rin pero hindi na masyadong malakas. Everything felt so new. Halos bago na lahat ng mga building.

Inilaan ko ang unang sweldo para tubusin ang lupa namin. I know that my mother still treasures the place. Doon rin kami lumaki kaya mahirap itong bitawan.

We arrived with my car, at habang nagmamaneho, I couldn't stop looking at the changes. Mas naging maunlad na ito kumpara noon.

"Oh my gosh," sabi ni Lovely pagdating namin. "You remodeled the house, Kuya?"

"Ah, konti lang."

"Anong konti? It's amazing!"

Inayos ko nang konti ang design ng bahay. Dahil naging architect ang ate ni Tiboy, siya na rin ang pinatrabaho ko rito. It's a simple contemporary two-storey house. Maliit lamang pero maluwag.

"Gumastos ka pa rito," sabi ni Mama nang makapasok.

Si Lovely naman, inikot ang buong lugar. Inilapag ko ang mga bag sa bagong sofa. The interiors of the house are a mixture of black and white.

"Ma, okay lang. 'Tsaka, plano ko rin naman talagang baguhin ito."

Nagbabadya na ang mga luha niya nang humarap sa 'kin. "Maraming salamat, Lester."

"Wala pong problema, Ma."

Naputol ang pag-uusap namin nang may kumatok na mga kapitbahay.

"Gina?! Ikaw na ba 'yan?" rinig ko.

Natawa ako at tumango sa kanya bago siya nagpunta sa labas. Nagpunta ako kay Lovely na nasa likuran.

"Maghanda ka ng snacks. Nandito ang mga dati nating kapitbahay," sabi ko.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon