12

183 9 0
                                    

12

"Bwisit. Kainis. Mga walang ambag sa lipunan. Ba't pa ba kayo pinanganak sa mundo?"

Iyan lamang ang ilan sa mga halimbawa na lumalabas sa bibig ni Joy ngayon. Nakapaikot kami sa isang bonfire sa gilid ng madilim na daan. Ala syete na at nagugutom na rin kami. Mabuti na lang at may dalang mga junkfood si Phil at iyon ang pinagtiyagaan namin.

Pagkatapos naming magtakbuhan ay nag-uunahan kami papunta sa sasakyan. Muntik pa ngang maiwan si Reggie.

Okay na sana, eh, kasi pauwi na kami. Pinag-uusapan namin iyong nangyari, kesyo raw baka may makuha sila sa camera, kesyo may nakita raw si Tiboy na kung ano.

Nang mahinto bigla ang sasakyan, natahimik na naman kami.

"Baka sinusundan tayo ng multo, pare," sabi pa ni Oyo na muntik nang maiyak.

Iyon pala, na-flat lang ang gulong. Kaya bwisit na bwisit si Joy. Kanina pa may nagriring sa cellphone niya pero pinatay niya lang 'yun.

Nagtawag na rin ng tulong si Phil at may susundo na raw sa ami. Mukhang marami talaga siyang connections, eh.

Kumuha ako ng malaking junkfood at binuksan ito. Ibinigay ko ito kay Joy na kaagad naman niyang hinablot. Pinagbuksan ko na rin siya ng bottled water at inilagay sa may gilid niya.

Si Reggie iyong nakaisip na mag-bonfire pangontra sa malamig na hangin.

"Okay lang 'yan. Papunta na raw sila," ani Phil.

"Bakit kasi ang lampa-lampa kung mag-drive. Hindi man lang chineck," bulong ni Oyo.

"Narinig ko 'yun, ha," si Phil. "Bakit? Marunong ka bang mag-drive? Hindi, 'di ba. Kaya 'wag kang mag-marunong."

"Ah, talaga-"

"Isang buka pa ng bibig, may ulong masusunog ngayong gabi," banta ni Joy.

Napa-zipper sa bibig si Oyo at si Phil naman ay napatikhim. Mahina akong natawa sa mga reaksyon nila. Parang mas takot pa yata sila kay Joy kesa sa multo, eh. Nakabusangot pa rin ang mukha niya kaya lihim akong napangiti.

Ang cute lang, eh.

"Maglaro na lang kaya tayo," sabi ni Tiboy.

"Mabuti pa nga," sang-ayon ni Reggie.

Kinuha ni Joy ang tubig na inihanda ko at ininom iyon, nakasimangot pa rin pero mukhang interesado.

"Anong laro naman 'yan?" tanong ko sabay tanggal ng salamin ko. Nilinisan ko ito gamit ang laylayan ng damit.

Nang ibinalik ko ito ay nakatingin na sa 'kin si Joy. Mapayapa iyong mukha niya at nakatitig sa 'kin diretso sa mata. Naging inosente ang mukha niya. Napakagandang tingnan. Nagre-reflect din sa kanyang mga mata ang ilaw ng apoy.

Anong iniisip niya? 'Tsaka ba't siya nakatingin sa 'kin?

Tumingin na ulit siya sa apoy at nakatikom ang bibig. Tumikhim ako at kinuha iyong tubig at uminom mula rito. Kaso nahinto ako nang matanto na lumapat din pala iyong bibig ni Joy rito.

Naubo tuloy ako bigla.

"TMI game," sabi ni Tiboy.

"Ano ba 'yan, nakakaumay!" ani Oyo.

"Iyon na lang. Pagod naman tayong lahat para gumawa ng iba," ani Tiboy. "'Tsaka para hindi na rin natin mamalayan ang oras."

"Anong TMI game?" tanong ni Phil.

Too Much Information game, iyon ang ibig sabihin nun. Nang magkatinginan kami ni Tiboy, kaagad kong nakuha ang punto niya.

Gusto niya ring malaman ang mga tinatago ni Joy.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon