04
Para yatang bumagal ang mundo nang biglang hinawakan ni Joy ang kamay ko. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Natapos nang tumunog ang kampana pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
Kitang-kita ko kung paano niya ako hinila papasok sa isang maliit at madilim na silid. Pagkasara ng pinto ay isinandal niya ako rito at direktang tumingin sa 'kin.
Pinagpapawisan na ang kamay kong hawak niya.
"Anong-"
"Sshh!" aniya sabay lagay ng isang daliri sa bibig ko.
Nayelo na yata ako nang maramdaman ang daliri niya sa labi. Ano ba 'to, nanlalambot ang mga tuhod ko. Ang lapit-lapit niya kasi.
May narinig akong mga tapak ng paa sa labas. Marami iyon. Nang nawala na ito ay binitawan na niya ang kamay ko at lumayo sa 'kin.
Doon ko lang napansin na nasa may isang janitor's room kami. May mga panlinis sa kung saan. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"A-Anong-"
"Narinig mo 'yun?" putol niya habang nakapameywang.
Tumango ako.
"Sabi ko naman sa 'yo na bawal ang mga bisita rito? Patay ka talaga 'pag nakita ka nila. Pasalamat ka, ako ang nakakita sa 'yo."
"Edi, salamat," mahina kong sabi.
"Huwag na. Huli ka na," aniya sabay irap. "Kaya mo bang lumabas dito nang hindi nakikita?"
"Naliligaw ako-"
"Ay, oo nga pala," putol niya ulit sabay buntong-hininga. "Sumunod ka na lang sa 'kin."
Binuksan niya ang pinto at lumabas na kami.
"Nag-log in ka ba?" tanong niya habang naglalakad.
"Oo."
Nahinto siya at humarap sa 'kin. "Bakit?!" pasinghal niyang sabi.
"Kasi kailangan?" parang tanga kong sabi.
Inirapan niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod pa rin ako sa kanya.
"Hinahanap ka na siguro ni Edwin," tukoy niya sa guard.
Kuya Edwin... matuto kang gumalang sa nakakatanda.
Nang liliko na sana ay hinigit na naman niya ako at tinulak sa pader. Ang lakas niya kaya naman sumakit iyong likuran ko. Nagwo-work out ba siya? Ang liit niya yata para sa lakas na 'yun.
Sumilip siya roon. Hinila na naman niya ako at naglakad. Para tuloy akong kinakaladkad na aso. Medyo pumupula na iyong hawak niya at dumidiin rin iyong mga kuko.
"A-Aray," alanganin kong impit.
Huminto siya at tiningnan ako na nakasimangot. "Bakit?"
"Masakit," sabay nguso ko sa kamay niyang nakahawak sa papulsuhan ko.
Padabog niya iyong binitawan kaya naman nag-swing paatras iyong braso ko. Konti na lang talaga, matatanggal na 'to.
"Ang bagal-bagal mo kasi," sabi niya.
"Sorry na... teka."
Tumakbo siya bigla kay napatakbo na rin ako. Nang huminto ay nabangga ako sa likuran niya. Doon ko lang nalaman na may itim na hair clip pala siya sa buhok kaya tumama iyon sa baba ko.
"Aray," bulong ko.
May mga tao yata sa may kanto. Nagiging pamilyar na rin ang lugar. Malapit na rito iyong parang mga ward.
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.