27
Hindi ako tanga para 'di makita ang totoo niyang ngiti nang makita ako. Kaagad niya kasi iyong pinalitan ng simangot.
"Para sa 'kin ba 'yan?" tukoy niya sa bouquet.
"Ah, oo..."
"'Yan lang? Walang pagkain?"
Umiling ako.
"Ang useless mo naman. Mapapakinabangan ko ba 'yang bulaklak mo? Tss."
Okay lang bang sabihin na masaya ako kasi masungit pa rin siya? Iba kasi ang inasahan ko. Pero nakakatuwa na makita si Joy na ganito. Umupo ako sa stall na nasa tabi ng kama niya.
"Hindi ako baliw, okay..." aniya at tumingin muli sa aklat na hawak.
Pinagmasdan ko lang siya. "Naniniwala ako sa 'yo."
"Ba't mo pala nalaman na nandito ako?"
"Alam ko lang."
"Ah." Tumingin siya sa 'kin. "Dahil ba sa ninang mo? Si Imelda?"
Nagkunot-noo ako, kinakabahan. "Ba't mo alam 'yan?"
"Alam ko lang," aniya at nagkibit-balikat bago ibinalik ang tingin sa aklat.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Dahil maputla ay kitang-kita mo ang nunal niya. Iyong buhok niyang sobrang taas ay halos naupuan na niya.
Kumikirot ang puso ko. Sobrang lala pala ng pinagdaanan ni Joy. Hindi ko alam na aabot pala sa punto na 'yun.
"Iyan lang ba ang gagawin mo rito?" Bumaling siya sa 'kin. "Tititigan mo lang ako?"
"Hindi, ah."
"Hindi, ah," ginaya niya pa ang boses ko.
"Nandito ako para... para... para makipag-usap," palusot ko.
Galit niyang sinara ang aklat kaya nagtaka ako na baka nag-iba ang mood niya. Nahalata niya 'yun kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Don't worry, nasa tamang pag-iisip pa ako. Alam ko 'yang reaction na 'yan."
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko.
Pilit akong umupo nang maayos at inayos pa ang salamin para magmukhang normal.
"Ano bang sinabi ng mga nurse sa 'yo?" aniya habang nakatingin sa bintana.
Nagbuntong-hininga ako at sinabi na lang ang katotohanan. Wala naman akong takas sa kanya, eh.
"Na tawagin daw sila kapag may kakaiba sa 'yo..." sabay yuko ko.
Mahina siyang natawa. "May alam ka na ba?"
Napalunok ako at tumingin sa mga sapatos ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sagutin. Baka kasi may mali akong masabi.
Pero nagkasalubong ang mga mata namin sa pag-angat ko ng tingin. As usual, wala na naman akong makitang emosyon sa mga mata niya.
Pilit kong itinago ang lungkot para ipakita sa kanya na okay lang. Na ayos lang na maging mahina. Na normal lang ang nangyayari sa kanya.
Nagkunot-noo siya. "Next time, papuntahin mo nga sina Reggie rito. Nakakasawa na 'yang mukha mo, eh."
"Sina Reggie?"
"Bingi ka ba?"
Nagkunot-noo ako. "Sure ka ba?"
Ibig sabihin, pwede kong sabihin ang tungkol sa nangyari?
"Mukha ba akong nagbibiro?" Tinuro niya pa ang sarili. "Ayaw kong makakita ng bulaklak, ah. Pagkain ang gusto kong dalhin mo sa susunod."
"Itatapon ko na ba 'to?"
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.