24

156 10 0
                                    

24

Biglang bumalik sa dati ang buhay ko.

Ibig sabihin nun, hinihila ulit ako ni Joy para sabayan siyang mag-cutting. Kinukulit niya na ako ulit. Kaya naman minsan ay nase-stress ako kapag nakikita ang mga score ko.

Hindi na rin kasi ako nakakapag-aral masyado. Pero kumpara noon, hindi na ganoon kabigat ang loob ko.

"Ang OA mo, ha," sabi pa ni Joy nang minsa'y nagpunta kami sa mall para samahan siyang mag-arcade.

"Hindi kaya..."

"Quiz lang 'yan. Hindi naman grades ang basehan ng buhay."

"Pero iyon ang basehan para makapasok ako sa Med school."

Nahinto siya sa pagsho-shoot ng bola at tumingin sa 'kin. "Seryoso ka talaga dyan sa pagdo-doktor mo?"

Tumango ako.

"Ba't gusto mong maging doktor?" Nagpatuloy na ulit siya sa pagsho-shoot. "Nakaka-stress kaya 'yan. Nakaka-pangit."

"Imbento ka na naman-"

"Pangit ka na, kaya baka lumubha 'yan."

Napangisi ako. "Sus, sinabi mo kaya sa 'kin na gwapo ako kapag walang salamin."

Blangko niya akong tiningnan. "Wala akong sinabing ganyan."

"Ay sus."

"Huwag kang maging doktor," aniya.

Nagkunot-noo ako. "At sino ka naman para pigilan ako sa pangarap ko?"

"Ako si Joy-"

"Ang sisira sa buhay ko?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Parang ganoon na nga."

Natawa ako sabay iling. "Ibang klase."

Napabuntong-hininga ako at pinagmasdan siya sa paglalaro. Aakalain mo talaga na mas bata pa siya sa 'kin. Mula sa height, pati na rin sa mukha. Baby face kasi siya.

Bakit ba ako nagkagusto sa kanya? Bakit ko hinahayaang guluhin niya ang buhay ko? Wow, ang lakas yata ng epekto niya sa 'kin. Akalain mo 'yun?

"Ba't ayaw mo akong maging doktor?"

"Hindi bagay sa 'yo," sagot niya nang hindi tumitingin sa 'kin.

"Ano bang bagay sa 'kin?"

Lumingon siya sa 'kin. "Kikiligin ka ba kung sasabihin kong ako?"

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Parang tanga 'to."

Mahina siyang natawa. "Joke lang. Kadiri ka."

Idinaan ko na lang sa tawa kahit medyo masakit na nandidiri siya sa 'kin, kahit alam kong biro lang naman.

Masamang bagay talaga na magka-crush kay Joy. Pero hindi ko naman pinagsisisihan. Mawawala rin naman 'to...

Mataas ang sikat ng araw bandang ala-una nang nakatambay kami nina Oyo at Tiboy sa tindahan. Wala si Reggie kasi may group project daw.

Linggo ngayon at balak sana naming mag-basketball. Pero dahil kulang sa tao, umupo na lang kami sa tindahan at nagku-kwentuhan. Sanay na rin naman iyong tindera sa ingay namin.

"College yata ang sisira sa buhay ko, Pre," ani Oyo. "Ngayon ko lang naramdaman na parang masisiraan na ako ng bait."

Tinapunan siya ni Tiboy ng crackers. "OA, 'tol ha. Second year ka pa lang."

"Agree ako, Oyo," sang-ayon ko.

"Ikaw? Nahihirapan? Himala naman yata 'yan, Lester."

"Oo nga, oo nga," sang-ayon ni Oyo.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon