17

170 11 1
                                    

17

Wala akong maintindihan.

Tinawag na si Ninang ng isang doktor kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Dala-dala ang siopao at iced tea, naglakad ako palabas ng ospital na lutang.

Si Joy lamang ang pumapasok sa utak ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Ninang. Naguguluhan ako. Pasyente ba talaga siya roon? Ba't siya nakakapag-aral? Ba't siya nakakalabas? Bakit ganun?

Ang dami kong tanong pero parang hindi ko pwedeng sabihin... hindi ko pwedeng ipalabas. Ginulo ko ang buhok sa inis.

Nasa dulo na ng dila ko lahat, pero hindi ko masabi-sabi. Natatakot ako na baka hindi na niya ako haharapin pagkatapos na malaman ang katotohanan.

Tahimik ako nang pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone at nag-browse sa web tungkol sa PTSD.

Grabeng trauma raw ang na-e-experience ng tao kapag na-diagnose sa ganitong sakit. Pwede raw na baka nakaranas ka nito mismo o nakakita ka ng mga hindi kaaya-ayang bagay.

Marami pa ang malala kaysa sa tinidor. Pwede nga raw sa manok, ballpen, at sa mga pinakasimpleng bagay sa mundo.

Walang pinipili ang takot. Mapa-bata man o matanda. Tama nga si Ninang... iba-iba tayo ng kahinaan.

Pero bakit takot si Joy? Ano ang dahilan?

Humiga ako at humugot ng hininga nang pindutin ang pangalan niya sa messenger.

Lester:
Joy, bakante ka ba sa susunod na linggo?
Birthday ko kasi at may konting handaan. Konti lang din ang tao. Pwede kang pumunta.
Pati si Phil, pwede mong imbitahin :)

Nag-seen siya, pero walang reply.

Ilang araw kong hinintay ang message niya pero walang dumating. Nag-aalala ako kung ano ang iniisip niya.

May parang malaking harang sa lalamunan ko. Iba kasi iyong dating ng pagtakbo niya sa 'kin. Kinutuban ako na baka tumakbo na talaga siya papalayo.

"Huy." Siniko ako ni Reggie. "Ngiti-ngiti ka naman diyan."

Natawa si Oyo. "Oo, nga. Birthday mo kaya."

Kinamot ko ang ulo at ipinakita sa kanila ang buo kong ngipin. "Okay na ba?"

"Siraulo," ani Oyo.

Nasa bahay silang lahat kasama ang iilan kong kapitbahay at mga pinsan dahil sa birthday ko. Alas kwatro na at umuwi na iyong ilan, pero hindi pa rin ako mapakali, eh...

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa labas, ah," si Tiboy. "Sino bang hinihintay mo?"

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. "Wala."

Hindi sila naniniwala at nagpatuloy sa pangungulit pero hindi ko na sila pinansin. Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kaagad ko itong kinuha.

Pero nawala ang pagkasabik ko nang si Mea lang pala ang nag-message.

Mea:
Happy birthday, Lester :)

Nagbuntong-hininga ako at nagtingin kung may iba pa bang message kaso wala na talaga, eh.

Lester:
Salamat. May handaan sa bahay, pwede kang pumunta.

Mea:
Thanks but may lakad kami ni Mommy, eh. Enjoy your day!

Lester:
:)

Ibinalik ko ulit ito sa bulsa at pilit na itinago ang lungkot.

"Okay ka lang ba talaga, pare?" tanong ni Tiboy nang mag-serve ako ng inumin sa kanila.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon