02

290 8 0
                                    

02

Hindi ko alam kung ano ang malaking kasalanang nagawa ko sa buhay para malasin nang ganito. Otomatikong nagtaasan ang mga balahibo ko at naramdaman ko ang paninigas ng buong katawan.

Nasa harap ko lang naman ang babaeng baliw na nakausap ko noong nakaraan.

Nakasuot siya ng dilaw na bestida at naka-braids ang mataas niyang buhok. Maputla pa rin siya at... hindi ko nagugustuhan ang mga ngiti niya.

Tatawag ba ako ng nurse? Tatakbo na ba ako?

"Huy, okay ka lang? Ganun ka ba kagulat?" natatawa niyang sabi.

Hindi ako umimik, nag-iisip pa rin kung ano ang gagawin.

Natawa siya. "Gulat na gulat ka nga."

"N-Naliligaw ka ba?" nauutal kong sabi. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. "Gusto mo bang ihatid kita sa kwarto mo? O tumawag ng nurse?"

Dahan-dahan ko iyong sinabi na para bata iyong kausap ko. Hindi ko rin naman alam kung ano ang gagawin ko. Unang beses kong makaharap ng baliw.

Napaatras ako nang sumimangot siya. Napasandal tuloy ako sa pinto.

"Kaibigan ako..." sabi ko. "Kaibigan mo ako."

Hindi ko mapaliwanag ang takot ko ngayon. Nanlamig ang mga kamay ko at gustong-gusto ko nang tumakbo palabas dito.

"Ba't ganyan ka magsalita? Para naman akong baliw niyan," aniya.

Napalunok ako. Paano ko ba sasabihin na baliw nga siya? Sensitive topic ba 'yun sa mga pasyente rito?

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Not unless... Hoy! Iniisip mo bang baliw ako?!"

Natakot ako bigla. Magkatagpo na iyong kilay niya at parang anytime pwede nang sumugod.

Umiling ako "Hindi, ah."

Nagkrus ang mga braso niya. "Hindi ako baliw."

Tiningnan ko lamang siya, hindi naniniwala.

"Hindi nga ako baliw," ulit pa niya sabay pagdadabog ng dalawang mga paa.

Pumilit ako ng ngiti. "Oo, hindi ka na baliw. Kaso... kailangan ko nang umalis, eh."

Nang tumalikod na ako para tumakas ay nanigas ako bigla nang hawakan niya ang kaliwang braso ko. Madiin ang hawak niya roon at nasasaktan ako.

Kahit maliit siya, pambihira din iyong lakas niya ah.

Wala tuloy akong magawa kundi humarap. Mabuti na lang at binitawan na niya ako.

"Ba't mo ako tinatalikuran?" sabi niya.

Mala-anghel pa rin naman ang boses niya pero kinikilabutan pa rin ako. Pinagpapawisan na ako sa kaba.

"Tatawag ako ng nurse," tugon ko sa kalmadong boses. "Para na rin ma-assist ka nila."

Umirap siya. "Hindi nga ako baliw. Nakakainis ka na, ha."

Nagsimula siyang maglakad papunta sa harapan kaya naman sinundan ko siya. Mas mataas ako sa kanya ng ilang dangkal pero mas mataas ang kumpyansa niya sa sarili.

Halata naman iyon kung paano siya maglakad. Kulay itim ang kulay ng mga matataas niyang kuko.

Ang pinagtataka ko lang ay ang damit niya. Ibang-iba kasi iyon sa mga sinusuot ng mga pasyente rito. Tapos hindi rin kulay puti. Kaya naman tumitingkad talaga siya.

May mga nurse na sa paligid pero hindi man lang siya pinapansin. Naguguluhan tuloy ako.

"Tinititigan mo na naman ako," aniya kahit hindi naman ako tinapunan ng tingin.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon