07

192 9 3
                                    

07

Bigla na lang nanginig ang mga kamay ko kasabay ng pag-ring sa kabilang linya. Para akong sinampal o sinuntok. Kahit nasa harapan ko na kanina, hindi pa rin ako naniniwala.

Kaya tinatawagan ko siya ngayon. Gusto ko lang makasigurado. Pero natatakot akong alamin...

Pumasok na sila sa mall habang ako ay parang engot na nakatayo sa may parking lot. Gabi na at medyo umaambon, pero hindi ako natinag.

At parang nahulog ang puso ko nang sagutin niya ito.

"Hello?"

Pagkarinig ko sa boses niya, napahugot ako nang malalim.

"Nasaan ka?" tanong ko, pinipigilan ang panginginig sa boses

"Bakit mo natanong?"

Nang marinig mula sa kabilang linya ang announcement ng mall, napahawak ako sa may poste.

"Wala... nagtatanong lang."

"Ah, nasa mall ako," medyo alanganin niyang sagot. "Ano... may binili lang. Bakit ba?"

"Wala. Sige."

Para yata akong nahilo. Totoo ba 'yung nakita ko? Si Mea? May kasamang iba?

Paano? Bakit?

Hindi siya iyong tipong ganun... ang sabi niya sa 'kin, abala siya sa kolehiyo. Pero ba't parang sa iba yata siya naging abala?

Kung anu-ano na lang na mga dahilan ang pumasok sa utak ko. Baka malayo... baka napapagod na siya... pero ba't hindi niya man lang sinabi?

Para na yata akong nababakla. Holiday kinabukasan kaya naman sinamantala ko 'yun para mag-isip. Buong araw akong nasa kwarto.

Hindi ko talaga matanggap na kaya niyang magsinungaling. Tatlong taon... paano siya nagbago bigla?

May kumatok sa pinto.

"'Tol... papasok kami, ha?" narinig ko ang boses ni Reggie sa likuran.

Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakaupo sa dulo ng kama, nakatitig sa blangkong pader.

Bumukas ang pinto at nasipasukan sila.

"Okay ka lang?" tanong kaagad ni Tiboy.

Amoy pawis ang lahat. May hawak pang bola si Oyo at mukhang galing sa gym.

Tumango ako.

Umupo sa bawat tabi ko sina Reggie at Tiboy. Si Oyo naman ay pa-tumbling na humiga sa kama. Napapikit ako kasi alam kong pawisan siya pero nakahilera na siya sa kama at wala na akong magagawa pa kaya hinayaan ko na lang.

"Ba't kayo nandito?" walang gana kong tanong.

"Tinawagan kami ni Tita Gina," ani Reggie. "Umiiyak ka raw nang umuwi kagabi. Tapos hindi ka na raw kumain pa at lumabas."

Tumango ulit ako.

"What's the matter, bro?" tanong ni Oyo na may pekeng accent pa.

"Si Mea ba?" tanong ni Tiboy.

Ginulo ko ang buhok at napayuko. "Kagabi kasi... nakita ko siyang may kasamang iba."

Katahimikan.

"Ano... uh... sure ka ba na si Mea 'yun?" si Oyo.

Tumango na lang ako. Ramdam ko ang pananakit ng ulo at napabuntong-hininga.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Reggie. "Talaga? Pare, hindi biro 'yang ganyan..."

"Mukha ba akong nagbibiro?" sabay tingin sa kanya.

Katahimikan ulit.

Nang kinusot ko ang mga mata sa ilalim ng salamin, basa na ito. Tinapik ni Tiboy ang likuran ko.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon