End

338 13 0
                                    

End


Dearest Silvester Cruz IV,

Sobrang baduy ng pangalan mo. Akala ko nga masusuka ako, eh. Mabuti na lang napigilan ko na. Ilang taon na nga ba ang nagdaan? Apat? Lima? Hindi ko na mabilang. Siguro kasi buhay na buhay ka pa sa mga alaala ko. Ang corny, pero totoo naman kasi, eh. Ang hirap mo kasing kalimutan. At ayaw ko ring kalimutan ka.

Magpapaputol ako ng buhok ngayon. Sobrang haba na kasi. Kasalungat ng pasensya ko.

'Tsaka gusto ko lang magsulat sa 'yo kasi namimiss kita. Ang weird pero totoo. Sa tuwing naaalala ko ang mga panahong kasama ka, ngumingiti ako.

Kumusta ka na?

Alam ko na kasalanan ko na lumayo ka at hindi na nagparamdam. It's also uncomfortable to think that maybe you forgot about me and started a family of your own. Sana wala pa. Alam ko na matatawa ka nito, pero, na-iimagine ko kasi na magkaroon ng pamilya sa 'yo.

I just want to say thank you. Hindi ka nawalan ng tiwala sa akin. In fact, iniisip kita sa tuwing gusto ko nang tigilin ang lahat. Naaawa ako sa sarili ko, Lester. Pero dahil sa 'yo, nagkakaroon ako ng pag-asang mabuhay.

Ang emotional ko ba? Ganito ba kapag magpapaputol ng buhok?

Ang sabi raw ay malapit ka nang maging ganap na doktor. Iyon lang ang tsismis na nakalap ko. Ay oo meron pa pala! Lumipat daw kayo ng bahay? Matagal na raw?

Si Tita hindi kasi sinabi. Akala niya malulungkot ako. Lol, sanay na kaya ako!

Akala ko tuluyan mo na akong iiwan, Lester. Ngunit natutuwa ako sa tuwing inaalala kita. You are just a memory I can't forget.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Kung babalikan mo pa ba ako o hindi na. Pero maraming salamat sa lahat.

Lester, corny man pero mahal kita. Hindi ko rin alam kung mababasa mo ba 'to.

And I hope I can build my own family with you.


Forever na maghihintay kahit 40 years old,

Happiness

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon