28
Pagod kong umupo sa sofa at ipinatong ang mga paa sa mesa na kaagad namang tinapik ni Lovely.
"Ma, ang panganay niyo, o," aniya. "Nasa mesa na naman ang mga paa niya. Parang siya iyong naglilinis, eh lagi namang wala rito."
"Ewan ko sa inyong dalawa," sabi ni Mama at pumasok sa kusina.
Sinamaan ako ng tingin ni Lovely. "Ibaba mo 'yan."
"Ayoko."
Pinalo niya ulit iyon nang mas malakas, kaya napa-aray ako at inalis na lang.
"Pinalo ba kita, ha?" sabi ko. "Kainis."
Sininghalan niya ako at nagpunta sa kwarto niya.
Kinuha ko ang remote at pinaandar ang TV. Minasahe ko nang marahan ang mga paang pagod sa paglalakad.
Araw ng mga patay ngayon kaya nagtungo kami sa sementeryo. Mula hapon hanggang gabi kaming naglakad kasi bawal na pumasok ang mga traysikel.
Ngayon na rin matatapos ang break namin at bukas ay second sem na.
"Lester," tawag ni Mama. "Sabihin mo sa kapatid mo na maghahapunan na."
"Opo, Ma."
Kinatok ko kaagad ang pinto ng kwarto ni Lovely nang malakas sabay tawag sa pangalan niya. Nakabihis-pambahay na siya nang lumabas at may simangot sa mukha.
"Sirain mo na lang kaya ang pinto 'no?" aniya at naunang maglakad.
"Ang init ng dugo mo sa 'kin, ah. May nagawa ba ako?"
"Kahit wala ka namang gawin, mainit pa rin ang dugo ko sa 'yo."
Tinuro ko si Lovely pagdating sa mesa. "Ma, 'yang anak mo, ang tulis na ng dila. Kailangan nang tabasin."
Ginaya lamang ako ni Lovely sabay irap sa 'kin.
"Magpatayan na lang kasi kayo," ani Mama. "Pwede bang kumain tayo nang mapayapa? Gusto ko nang matulog."
"Opo," sabay naming sabi, pero palihim pa rin niya akong inirapan.
Minsan, tinatanong ko rin kung ba't ganyan ang kapatid ko. Walang katulad ang ugali, eh. Parang susulong sa lahat ng giyera. Ampon yata 'yan, eh.
Kumain na kami pagkatapos magdasal. Ramdam ko ang pagod nila. Nangangalay nga ang mga binti at braso ko lalo na't ako iyong laging pinapadala sa mga bag.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya palihim ko itong kinuha at tiningnan sa ilalim ng mesa.
Si Joy... nag-send siya ng picture ng playground. Gabi ito at parang ngayon lang kinuha.
Nagtaas ako ng kilay. Pwede na ba siyang lumabas? Parang hindi pa yata, ah. Kaya nag-message ako sa kanya.
Ako:
Pinayagan ka bang lumabas?Ako:
Anong ginagawa mo diyan? Gabi na ah.Ako:
'Tsaka malamig. May suot ka bang jacket?Nakatingin sa 'kin si Lovely kaya inilagay ko muna sa kandungan ang cellphone at nagpatuloy sa pag-kain nang biglang mag-reply si Joy.
Joy:
aN0 bAng pAkiALam m0???????Pinigilan ko ang tawa nang makita ito. Hindi pa rin ba siya tapos sa pagta-type nang ganyan?
Ako:
Gusto mo akong papuntahin diyan 'no?Joy:
FeeLinG......"May baliw yata rito."
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.