25
4 years ago...
"Sandali lang naman tayo Joy, eh," sabay hila ng isa sa mga kaibigan ko. "Ikamamatay mo ba 'yan, ha?"
I rolled my eyes and sighed. "Next time na lang, okay? Libre ko kayo sa arcade."
Pilit silang tumango. Nagpaalam na ako at sumakay na ng taxi papunta sa bahay. Alas-tres pa lamang nang pinakawalan kami ng teacher.
Gusto ko namang sumama, pero pagod ako. I also have this feeling that I need to go home. 'Tsaka day off ngayon ni Daddy.
Madalas lang kaming magkasama kaya naman susulitin ko na.
"Maraming salamat, po," sabi ko sa driver pagkakuha ko sa sukli.
Pumasok na ako sa gate at kaagad nahinto nang marinig ang boses ni Mama.
"You're at it again! Ilang beses ba kitang pinagsabihan?"
I closed my eyes and sighed. Nag-aaway na naman sila. Huminto ako sa tapat ng main door, nagdadalawang-isip kung papasok ba ako o hindi.
"You are just overreacting, Regina-"
"Huwag mo akong ma-Regina-Regina! Pati anklet ko, sinanla mo, Dennis. Are you that desperate?!" Mom's voice broke down. "Ilang beses ko nang sinabi na wala kang mapapala sa sugal na 'yan."
Aksidente kong naitulak ang pinto. Nakabukas pala ito kaya napatingin silang dalawa sa 'kin.
My heart nearly broke when I saw Mom's bloodshot eyes, but I remained strong. Dad was also frustrated. These past months were not easy for us.
Mom is still beautiful even if she looks stress. May huge collection siya sa mga bestida at lagi iyong nakatago sa walk-in-closet niya. Matagal ko nang tina-timing na makahingi ng isa, pero para bang importante ang mga bestidang 'yun sa kanya.
Kahit itago man nila, alam ko na alam nila na nase-sense ko na may problema. But I should act normal, as if it did not bother me too much.
"Good afternoon, po," bati ko sa kanilang dalawa.
"Go inside your room, Happiness." There's a sense of urgency in Mom's voice. Lalo na at tinawag niya ako sa tunay kong pangalan.
I quickly looked at Dad. Nagtaka ako kasi he was clenching his fists while looking at Mom. Pulang-pula na rin siya.
Tumango ako at umakyat na sa kwarto. I immediately placed my bag on the bed and lay down. Nagbuntong-hininga ako nang nakatitig sa kisame.
Tumingin ako sa anklet ni Mommy sa bedside table. Alam ko na isinangla iyon ni Daddy kaya tinubos ko nang hindi nila nalalaman.
So, I'm penniless. Sobrang mahal nun. Nalulong na talaga si Dad sa sugal niya.
They're fighting again. Rinig na rinig ko ang mga boses nila kaya nagsuot ako ng earphones at nagpa-play ng kanta. I went to my social media sites.
Halos sumabog na ang notification bar ko. Well, I spent most of my time here that's why I'm so active. Nadagdagan na naman ng isang-daan ang followers ko sa instagram.
My friend messaged me:
Party raw. Libre ni Eric, 'yung crush mo. G ka?
A smirk appeared. Matagal ko na talagang gusto si Eric, pero hindi niya ako pinapansin lagi. Hula ko, may kinalaman si Phil dito.
He's my classmate mula seventh grade hanggang sa eleventh grade. I can't say that he's my friend, but we're close.
Nang makitang active siya ay kaagad akong nagtipa ng mensahe.
BINABASA MO ANG
More Than Meets the Eye
RomanceSafe Haven is a popular mental asylum in the country. One of the diagnosed patient is Joy who seemed normal on the outside. Due to curiosity, a young boy wandered to the place and saw more than meets the eye.