"Salamat," ngumiti pa siya sa akin bago lumapit sa mga kaibigan niyang naghihintay sa kanya. Pigil ang kilig na nagtatalon-talon ako sa pintuan ng room namin nang makaalis na sila. Napailing-iling nalang ang mga kaklase ko dahil alam naman na nila na crush na crush ko si Chester.
Ang gwapo niya! Ang gwapo gwapo gwapo niya! Oh my god, sobra-sobra 'yung nararamdaman kong kilig ngayon!
"Mukha kang tanga diyan, alam mo ba 'yon?"
Agad na napasimangot ako at pasinghal na humarap sa kanya, "Inggit ka lang kasi!" Itinapat ko pa sa noo ko ang kamay ko na naka-letrang L tsaka dumila para asarin siya.
"Isip bata." Sumandal siya sa tabi ng pinto, ako naman ay nasa mismong daanan ng pintuan ng room namin.
"Anong sabi mo?!" dinuro ko pa siya.
Napabuntong-hininga nalang siya bago umayos ng tayo, "Andiyan na si Sir," sabi niya. Ako naman ay tumingin sa hallway at nakita nga si sir sa dulo. "Pasok na panget," sabi niya sabay pasok, sumunod naman ako.
"Maka-panget ah? Gwapo ka?" binangga ko pa siya habang naglalakad kami palapit sa pwesto namin sa dulo.
"Gwapo talaga ko," kumindat pa siya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng may pandidiri sa mukha para maasar siya, "Tch." asik niya tsaka naunang umupo sa pwesto niya.
Oo, seatmate kami, at mag-kaibigan din. Lagi niya akong inaasar kaya syempre gaganti din ako ng asar. Kaibigan niya si Chester na crush na crush ko kaya sinubukan kong magtanong sa kanya ng kung anong tungkol kay Chester, kaso napaka-damot niya! Ni favorite na pagkain ni Chester, ayaw niya sabihin. Kaya nabibwisit ako dito sa lecheng 'to, hmp!
"Bat ganyan ka makatingin sakin?" tanong niya.
Di ko namalayang nakatingin pala ako sakanya kaya mataray na nag-iwas ako ng tingin. Habang nakatingin sa harapan ay pumasok uli sa isip ko 'yung mukha ni Chester. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kanya? Mabait na nga, gwapo pa. Una ko siyang nakilala nung inutusan kaming dalawa ni pula na kunin sa teacher's office yung test papers, pero anong ginawa ng lecheng lalaking to? Iniwan ba naman ako para kumain sa canteen! Hirap na hirap ako magdala ng mga 'yon dahil bukod sa madami, ang bigat pa. Tas bigla nalang siyang sumulpot out of nowhere, para bang siya 'yung knight in shining armor ko.
Unang lapat pa lang ng tingin ko sakanya, nahulog na ako. Eh kasi nga ang gwapo niya! Kinwento ko pa 'yon kay pula at nagpasalamat na hindi niya ako tinulungan dahil nakilala ko na 'yung prince charming ko. Nakasimangot siyang nakikinig sa kwento ko non tsaka tinanong kung sino daw ba. Eh hindi ko pa alam ang pangalan niya non kaya nung nakita namin siya sa canteen, agad kong itinuro kay Red 'yung prince charming ko.
At dahil don, nalaman ko na Chester pala ang pangalan niya at kaibigan siya ni Red! Tinanong ko pa siya kung nagsasabi ba siya ng totoo kasi hindi ko sila nakikitang nag-uusap ni Chester. Ang sabi naman niya, nagpupunta daw sa room si Chester, kaso nasa iba ang atensyon ko kaya malamang daw hindi ko sila nakikita.
Pero nitong mga nakaraang araw, dahil nga nasa kanya ang atensyon ko, palagi ko na silang nakikitang magkasama. Kaya medyo nagkaka-usap usap na din kami ni Chester. Ang saya lang kapag nakakasama at nakakausap mo 'yung taong gusto mo.
"Ngingiti-ngiti naman ngayon? Baliw ba 'tong babaeng 'to?"
At dahil na naman sa bwisit na 'to, naputol 'yung saya ko. Inis na binalingan ko siya tsaka inikutan ng mata.
"Café muna tayo?" suhestiyon ko na agad naman nilang sinang-ayunan.
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil magkatabi kaming naglalakad. Calm down, kokoro. Wag kang masyadong maharot, okay? Pagpapa-kalma ko sa puso ko.