Time Stopped

10 11 0
                                    



Habang naglalakad ako pauwi galing sa trabaho ay may nakita akong masayang pamilya. Makikita mo sa mga mata nila na talaga masaya sila, bumaba ang tingin ko sa anak nilang lalaki. Nagbabadyang tumulo ang luha ko pero agad ko ‘yong pinigilan at nag-iwas ng tingin sa kanila.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa condo ko ay mabilis na napaupo ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga hikbi. At dahil don, napatingin ako sa orasang nasa pulsuhan ko.

Nakahinto lang ‘yon sa oras na 4:32pm. Tumigil nga talaga ang oras nang ako lang ang tanging naka-ligtas mula sa pagkakalunod,











at hindi ang anak ko.

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon