Bakit Ako Lagi?

11 11 0
                                    





"Kiera, I saw him——" Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nang marinig niya ang mahinang hikbi ko. "D-don't waste your tears for that asshole!" Nilapitan niya ako at hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko. She then caressed both of my cheeck, "Stop crying already." Seryosong usal niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Bakit ako lagi?" Nagsimula na namang tumulo 'yung mga luha ko. "B-bakit ako nalang lagi 'yung naiiwan? B-bakit ako nalang lagi 'yung tunay na nagmamahal? B-bakit——" Pinatigil niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglagay ng daliri niya sa labi ko.

"Shhh," Niyakap niya ako ng mahigpit pero sobrang bigat pa din ng nararamdaman ko kaya muli akong nagsalita,

"Kasalanan ko ba na minahal ko siya? Kasalanan ko ba na nagiging makulit ako kapag nagmamahal ako? Kaya ba naghanap siya ng iba na malayo sa kagaya ko?" Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Kasi lagi nalang ganito eh. Tuwing nagmamahal ako, ako 'yung naiiwan. Ako na lang lagi 'yung nagmamahal pa din kahit na wala nang nararamdaman 'yung isa. May mali ba sa paraan ng pagmamahal ko? Mali ba na maging makulit ako? Eh concern lang naman ako, diba? M-mali ba 'yon?"

Marahang humiwalay siya sa yakap at tiningnan ako sa mata. "Walang mali sa mga ginagawa mo, Kiera. At hindi mo kasalanan na nagmamahal ka ng totoo."

"Eh bakit ganito? Bakit ako lagi 'yung nasasaktan?" Nasasalamin sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Sa maling tao mo kasi binibigay 'yang pagmamahal mo."







Medyo nakaka-move on na ako, pero eto na naman 'yung marupok na puso ko.

Nag-paliwanag ka, nakinig ako.

Humingi ka ng tawad, nagpatawad ako.

Siguro naman sa pagkakataong ito, hindi mo na uli ako sasaktan diba? Hindi mo na uli ako papaiyakin. Hindi ka na uli gagawa ng dahilan na siyang ikaliliit ng tingin ko sa sarili ko.

Pero,

Once a cheater, always a cheater.

Mas malala na 'tong ginawa mo ngayon. Mas masakit. Ano nang gagawin ko? Paano na ako? Bakit ganito? Bakit ginagawa mo sakin 'to?

Wala na akong maramdaman nang sa akin ka na mismo nagsabi niyang nararamdaman mo.



Bakit? Bakit kailangang kaibigan ko pa? Bakit kailangang sa kanya ka pa mahulog? Bakit kailangang sa tao pa na nilalapitan ko tuwing may pag-aaway tayo? Bakit kailangang sa kanya pa na takbuhan ko kapag nalulungkot ako?

"Bakit hindi na lang ako?"

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon