Her Revenge

7 11 0
                                    



Mayroon akong maikling kwento sa inyo. Teka, masasabi nga bang kwento ‘to? Ah basta, eto lang naman ang isa sa mga koleksiyon ko ng kwento na nakuha ko diyan sa maliit na iskinita ng lugar namin.

May isang babae dito sa amin na palaging minamaliit ng kaniyang mga magulang. Ang gara, ano? Kasi pamilya niya dapat ang mag-angat sa kaniya, pero sila tuloy itong pinipilit na ibaba siya. Sad. Okay, back to story.

Palaging maingay ang bahay nila at dahil nga dikit-dikit ang mga bahay dito sa amin ay rinig na rinig kung paanong ipinapahiya siya. Marami kaming naririnig na iniraratang sa kaniya. Kesyo malandi daw siya, walang kwentang tao, at ang mas malalang narinig namin na sinabi sa kanya,

“Wala kang mararating sa buhay!”

Ouch. Ako nga na nakikinig lang eh nasaktan, paano pa kaya siya? Marami ang naaawa sa kanya dahil nga sa ganoon. Pero, marami rin ang naiinis at natutuwa na pinapahiya siya. Alam mo kung bakit? Siguro dahil na rin sa inggit? Maganda kasi ang babaeng ‘yon, pati nga ako ay naiingit sa kagandahan niya. Pero kahit kailan ay hindi ko siya nagawang kainisan. Hindi kasi siya kagaya ng pinaparatang sa kanya na masama ang ugali, paano ko nasabi? Nang minsan kasing makausap ko siya ay nakita ko na agad ang totoong pagka-tao niya. Kahit na hindi niya pa ako kilala at hindi niya alam kung anong klase ako ng tao ay ikinwento niya sa akin ang lahat.

Sinabi niya sa akin na hindi niya naman daw masisisi ang mga magulang niya, kasi alam niya sa sarili niya na wala talaga siyang kwenta. Nagulat pa ako ng makita kong tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata niya paibaba sa pisngi niya. Eh hindi naman ako marunong mag-comfort kaya alam mo kung ano ang ginawa ko? Niyakap ko lang siya noon at sinabi na ilabas niya lang lahat. Ayaw ko na may umiiyak sa harapan ko pero nung mga oras na ‘yon ay hinayaan ko lang siya na umiyak sa balikat ko.

Sinabi ko din sa kanya na mali siya sa iniisip niyang wala siyang kwenta. Kasi hindi naman tayo ginawa ng diyos para masabi lang na walang kwenta. At alam mo ba? Nasaktan din ako nung sinabi niya sa akin na, “Sana hindi na lang ako nabuhay,” Hindi ko alam kung bakit pero talagang may anong kumirot sa dibdib ko noon. Ganoon na lang talaga niya sinisisi ang sarili niya sa bagay na wala naman siyang kasalanan. At ganoon na lang siyang nasasaktan ng mga magulang niya para masabi niya ang mga salitang ‘yon.

Nung mga oras na ‘yon ay matinding awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero, matapos non. Hindi ko na siya nakita pa. Ang sabi ng mga magulang niya ay nag-layas daw. At alam mo kung ano ang nakakainis? Ni hindi manlang sila nag-alala sa anak nila. Ni hindi manlang sila nag-abala na hanapin siya. Gusto ko silang sigawan nung mga oras na ‘yon pero hindi ganoon kalakas ang loob ko. At hindi naman nila ako kaano-ano para mangialam sa kanila kaya minabuti ko na lang na manahimik. Pero, hindi dahil sa wala akong pakialam. Sadyang kagaya mo rin ako na hindi alam kung saan ba dapat lulugar.

Matapos ang ilang taon ay hindi na ako kagaya nung dati. Masaya na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Kung maabot mo ba naman ang ilan sa pangarap mo ay hindi ka ba magiging masaya?

At alam mo ba? Dumating ‘yung araw na hinding-hindi ko malilimutan.

Tahimik lang akong nakaupo noon sa isang cafeteria at pinagmamasdan ang busy na buhay ng mga taong nandoon. Pero nang makita ko kung paanong nagsama-sama ang mga waiter at kung ano-ano pang nagta-trabaho doon sa cafeteria ay mabilis nitong naagaw ang atensiyon ko. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko noon nang makita ang nakangiting mukha mo habang naglalakad at binabato ng maraming pag-bati. Dahan-dahang kumurba ang mga ngiti sa labi ko nang mag-tama ang paningin natin. Ang akala ko ay lalagpasan mo lang ako ng tingin, pero nagkamali ako.

Napatingin pa sa akin ang mga nagta-trabaho dito pati na rin ang ilan sa mga customer. “Thank you sa inyong lahat, maaari niyo na muling ituloy ang trabaho niyo.” sabi mo pa sa kanila bago ka nakangiting lumapit sa akin.

“Kumusta ka na?” Hindi ko pa rin magawang mag-salita dahil sa gulat, at dahil na rin sa naguumapaw na kaligayahan. “Huy, tama na ang pagtulala.” napangiti ako dahil sa pag-tawa mo.

“Ikaw ang may-ari nito?” tanong ko.

Tumingin ka pa muna sa paligid mo at inilibot ang iyong tingin. “Oo,” muli na namang lumitaw ang ngiti sa mga labi mo.

Marami tayong napag-usapan nung araw na ‘yon. Nalaman ko na matagal mo nang binalak na mag-higanti sa mga magulang mo at sa mga taong nang-maliit sayo noon. Pero hindi sa masamang paraan. Nag-higanti ka sa ganitong paraan. Kagaya ng dati ay muli kang nag-kwento sa akin. Kung paanong nag-hirap ka ng humiwalay ka sa mga magulang mo. Kung paanong unti-unti kang bumangon. At kung paano mong naabot ang pinakapinapangarap mo, at yun ay ang Coffe Shop na ito. Habang nag-ke-kwento ka ay nararamdaman ko rin ang paghihirap na naramdaman mo. At alam mo ba? Sa muling pagkakataon, pinahanga mo na naman ako.


Ang higante ng babae na ‘yon ay ang pagiging matagumpay sa buhay, talaga nga namang kahanga-hanga, hindi ba?

made up lives.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon