Para sa mga taong nabigo sa kung ano mang inaasahan nila sa akin, sorry.
Sorry kung hindi ko manlang naabot ang ekspektasiyon niyong marka na makukuha ko, hindi kasi ganoon kataas ang katalinuhan ko. Isa lang kasi akong ordinaryong babae na nasa ordinaryong lebel lamang ang lahat ng tungkol sa akin. Sorry.
Sorry kung hindi ganoon kagandahan ang itsurang ibinigay sa akin. Pero sana naman ay hindi lang panlabas na anyo ang tingnan niyo, subukan niyo namang tumingin sa panloob kung minsan. Hindi ako kagaya ng ibang babae na may ilalaban pagdating sa itsura, panloob na kagandahan lang kasi ang mayroon ako. Sorry.
Sorry kung hindi ko kayang ibigay ang kung ano mang hinihiling niyo sa akin. Kahit kasi anong gawin ko kulang pa rin sa inyo ang siya nang kabuuan ko. Kung hindi ko man maibigay ang siyang gusto mo, humihingi ako ng tawad.
Sorry kung hindi totoo ang pinapakita kong lakas na mayroon ako sa inyo. Sadyang kung minsan ay hindi ko na rin kinakaya pa ang mga masasakit na salitang inyong itinatapon sa akin. Pasensiya na kung nagsisinungaling ako na wala lang sa akin ang lahat ng ‘yon.
Pero, higit sa lahat.
Sorry kasi sumusuko na ako.
Hindi ko na kasi kaya pang tiisin ‘tong sakit na ibininigay ninyong lahat. Pasensiya na. Hayaan niyo. Matapos nitong balak ko ay hindi na kayo muli pang makakaramdam ng pagka-dismaya at pagka-galit dahil wala na ang magiging dahilan ng mga ‘yon.
Patawad at paalam sa inyo, aking mga kaibigan.