H
abang inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, hindi ko pa rin mapigilang mag-dalawang isip kung sasama pa ba ako sa reunion.
Malamang sa malamang kasi, nandon ka. Mayroong parte sa sarili ko na ayaw kang makita, pero mayroon ring parte sa akin na gusto ka ulit masilayan.
Kamusta ka na kaya? Naiisip mo pa rin kaya ako? Napailing-iling nalang ako dahil sa naisip ko na ‘yon. Wag ka nang umasa, Star. Malamang hindi mo na ako naiisip, baka nga hindi mo na ako kilala eh.
Tiningnan ko ang repleksiyon ko mula sa salamin nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili ko.
“Talagang nagpapa-ganda ka ah?” Isinarado niya ang pintuan ng kwarto ko at umupo sa kama upang pagmasdan ako.
“Anong nagpapa-ganda ka diyan? Maganda na talaga ako noh,” hinarap ko siya.
“Maganda daw. Eh bakit ka binusted?” agad na napasimangot ang mukha ko. Tumawa siya at tumayo para mag-pantay kaming dalawa. “Forget about it. So we're all done? Tara na?” Tumango-tango lang ako at ngumiti.
Malayo pa lang, tanaw na kita.
At nang dumapo sa mukha mo ang tingin ko, muling bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Kung paano ako umamin sayo, at kung ano ang naging reaksiyon mo doon. Malinaw na malinaw pa sa akin kung paanong tiningnan mo lang ako nung mga oras na ‘yon, para bang kinakaawaan mo ako. At doon ko napatunayan na wala ka talagang nararamdaman para sa akin.
“Hello!” Masiglang bati ni Abby nang makalapit kami sa pwesto niyo.
At talaga nga namang epal ang tadhana dahil ipinwesto pa ako sa upuang kaharap mo. Ang gwapo mo sa suot mo. Hindi ko nagustuhan ang sinabing ‘yung ng isip ko. Kaya imbis na tingnan ang mukha mo, iniyuko ko nalang ang tingin ko at pilit iniiwasan ang bawat tingin mo.
“Don’t get offended, pero bakit nga pala kayo hindi nagkatuluyang dalawa, eh kalat na kalat naman sa buong campus na may gusto sayo ‘tong si Star?” tanong ni Nerrisa sayo.
“Kailangan ko ba talagang sagutin ‘yan?” tumawa ka pa ng mahina.
Tss. Bakit nga ba kasi sumama pa ako dito?
“Uh, excuse me,” Tumayo ako at nag-punta sa comfort room.
Naaawang tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin. It's been way too many years, Star. Ibang-iba na ang lahat ng tao dito sa kung ano sila noon. Pero bakit ikaw nalang ang naiwan? Bakit hindi ka pa rin nagbabago? Bakit hindi pa rin nagbabago ‘yang pesteng nararamdaman mo para sa lalaking ‘yon? Kailangan mo ng kalimutan ‘yan. Please lang. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti bago ako lumabas ng comfort room.
Nang makalabas ako ay ikaw ang agad na bumungad sa akin. Nakasandal ka sa pader at nang makita mo ako ay umayos ka ng tayo at diretsong tumingin sa akin.
“Star,” mahinang tawag mo sa pangalan ko.
“Bakit?” tanong ko na hindi magawang tumingin sayo.
“Pwede bang tanungin mo ulit ako?” Mabilis na nangunot ang noo ko at nagtatanong na tumingin sayo.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Remember that time in high school? Yung umamin ka sa akin. Same goes nung college na tayo at umamin ka ulit sa akin.” diretso ang tinging bigkas mo.
“Of course. Tandang-tanda ko din kung paanong tiningnan mo lang ako,” binigyan ko pa siya ng sarkastikong ngiti.
“Tanungin mo ulit ako.” yumuko ka pa muna saglit bago muling nag-angat ng tingin sa akin. “Sa pagkakataong ‘to, may maisasagot na ako.”
Tumingin ako ng diretso sa mga mata mo bago nagsalita, “Hindi na siguro. Mali na eh. Kahit pa tanungin kita ng paulit-ulit at kahit pa ilang beses mo rin ‘yon sagutin. Wala ng kwenta pa,
dahil may asawa ka na.”