Matagal ko nang gustong magkaroon ng boyfriend.
Siguro ganon talaga kapag mahilig kang magbasa ng mga love stories, manood ng mga romantic movies, at makinig sa mga kantang pag-ibig ang binibigkas. Hindi ko alam na sa edad kong ‘to ay gugustuhin ko nang magkaroon ng kasintahan. For pete’s sake, I’m only 16 years old. Pero, masyado nga talagang maharot ang puso ng mga kabataan.
Mayroon akong nabasang istorya na ang pangalan ng bidang lalaki ay Haru. And with that, I’m in love with that name. Masyado kasing kabigha-bighani ang ugali ni Haru. Wala pa akong nakikitang kagaya niya na gwapo, matalino, talentado at handang ibigay ang lahat para sa taong mahal niya. Sa lahat kasi ng nakikilala ko, tanging gwapong mukha lang ang panlaban nila at wala ang panloob na kagandahan.
So, I’m starting to think, does that kind of guy even exist?
Sinabi ko pa noon sa sarili ko na, gusto kong magkaroon ng boyfriend na kagaya ni Haru. Kung mayroon man talagang kagaya niya.
Nagsimula na naman ang pasukan at matinding pagka-mangha ang naramdaman ko nang malaman kong may kaklase ako na Haru ang pangalan. Nag-tanong ako sa kaibigan ko kung talaga bang may estudyanteng Haru ang pangalan sa pinapasukan naming eskwelahan. Ang sagot naman niya, noon daw wala, pero ngayon meron na. At doon ko lang nalaman na galing ka pala sa ibang bansa at dito napiling mag-aral.
Excited na excited na akong pumasok para makita ang itsura mo. Pareho kaya kayo ng ugali ng lalaking pinapangarap ko?
At nang tuluyan ko nang makita ang mukha mo, nahulog agad ang loob ko. Pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog sayo. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang ugali mo. Pero, namamalayan ko na lang ang sarili ko na nakatitig sa gwapong mukha mo. Napaka-perperkto.
Habang tumatagal, nakikita ko na ang ugali mo. Hindi ka kagaya ng lalaking pinapangarap ko na tahimik lang, dahil talagang makulit ka. Hindi ka kagaya ng lalaking pinapangarap ko na seryoso lagi ang itsura, ikaw kasi ay laging nakangiti. Marami. Marami kayong pinagka-iba pero hindi ko na namalayan ang sarili ko na unti-unti nang nahulog ng tuluyan sayo.
Hindi rin nagtagal ay naging close tayo, pareho kasi tayong may makulit na personality. Naging malapit tayo sa isa’t-isa. At sa mga oras na ‘yon, doon ko lang nalaman na marami pala tayong pagkaka-pareho. Kaya hindi nakapagtatakang ganon na lang kabilis ang pagiging malapit natin. Pero, nandito pa rin ‘yung nararamdaman ko. Sa araw-araw na mag-kasama tayo ay hindi nawawala sa isip ko ang nararamdaman ko para sayo.
Kapag ba nalaman mo ang tungkol dito, lalayuan mo ako? Kapag ba nalaman mo ang tungkol dito, kakalimutan mo lang ang lahat ng pinagsamahan natin?
Pero, salungat ang lahat sa mga inaasahan ko. Sinong mag-aakalang mayroon ka rin pa lang nararamdaman sa akin? Nasa kwarto ko tayo noon at nanonood ng movie nang aminin mo sa akin ang tungkol sa nararamdaman mo. Hindi ko alam kung paano akong mag-re-react ng mga oras na ‘yon pero isa lang ang alam ko, sobrang saya ng pakiramdam ko.
Akalain mo nga namang mahal din ako ng taong mahal ko.
Naging official ang relasiyon natin. Alam na ng lahat sa room. Alam na ng parehong pamilya natin. Alam na ng lahat ng mga kaibigan natin.
Isa lang ang nasa isip ko nang tuluyan nang maging tayo,
Finally, may boyfriend na ako!
Masaya tayo sa isa’t-isa. At hindi naman pwede na puro lang saya ‘di ba? Hindi mawawala sa isang relasiyon ang away kaya may mga oras din na nagkakaroon tayo ng alitan sa isa’t-isa. Hindi ako marunong sumuyo kaya puro ikaw ang gumagawa ng paraan para mawala ang away sa pagitan natin. Magugulat na lang ako, nandiyan ka na sa bahay at may dalang mga sorpresa para sa akin. At hindi naman ganon katigas ang puso ko kaya mabilis na pinapatawad kita.
Kapag ikaw ang may kasalanan, humihingi ka ng tawad at gagawin ang lahat para maging okay ulit tayo. Kapag ako ang may kasalanan, ganon din ang ginagawa mo.
Hindi kasi talaga ako marunong humingi ng tawad at hindi rin ako marunong manuyo.
Madalas nating pinag-aawayan ang pagiging malapit ko sa mga kaibigan kong lalaki. Sinabihan na rin ako ng kaibigan ko na, may boyfriend na daw ako kaya kailangang limitahan ko din ang pagiging malapit ko sa mga lalaki. Sa tuwing pagsasabihan mo ako ay ako pa mismo ang may ganang magalit.
Ayoko kasi sa lahat ‘yung pinupuna ang mga kilos ko.
Puro na lang tayo away. Araw-araw away. Ilang beses mo nang inulit-ulit sa akin na ayusin ko ang kilos ko dahil may boyfriend na ako. Kahit na anong pagpapa-alala ang gawin mo sa akin na ayusin ko ang mga suot ko ay wala akong sinunod kahit isa. Sa tuwing mag-aaway tayo, ikaw ang tanging gumagawa ng paraan para magkabati muli tayo.
Gusto mo, oras-oras, magkausap tayo. Gusto mo, araw-araw, makasama tayo. Gusto mo laging nandiyan ka sa tabi ko at laging nandiyan ako sa tabi mo.
Hindi na ako kagaya ng dati na, kinikilig tuwing mag-kausap at mag-kasama tayo. Ngayon, gumagawa ako ng paraan para umiwas sayo. Ngayon, marami akong dahilan para hindi ka makausap at para ma-sarili ko naman ang oras ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito. Ayaw ko ng ganito. Hindi ganito ‘yung gusto kong mangyari. Hindi na ako masaya. Naiinis na ako kapag nagiging makulit ka. Naiinis na ako kapag lagi kang naka-aligid sa akin. Naiinis na ako. At ayoko na.
Gusto kong bumalik sa dati na solo ko ‘yung buong oras ko. Gusto kong bumalik nung mga araw na wala pa akong kailangang kausapin oras-oras at araw-araw. Gusto kong bumalik sa dati na walang pumupuna sa mga kilos ko. Gusto kong bumalik sa dati na mag-kaibigan lang tayo.
Oo, gusto ko magkaroon ng boyfriend noon. Pero, kung ganito pala ang pakiramdam ng pagkakaroon ng boyfriend, binabawi ko na.
Alam ko na sa sarili ko na ayaw ko na talaga pero hindi ko kayang sabihin sayo. Hindi ko kayang makipag-break sayo. Kaya isa lang ang naisipan kong gawin, at ‘yon ang maging malamig ang pakikitungo sayo. Pero, bakit ganyan ka, Haru? Bakit ayaw mo pa akong bitawan? Alam ko na pansin mo ang pag-iiba ko pero bakit kailangang mag-stay ka pa rin?
Nasa pinapanood ko ang atensiyon ko noon nang pumasok ka sa kwarto ko. Makikita sa awra mo ang lungkot. Kinausap mo ako. For the first time, sinabi mo sa akin ang lahat ng nararamdaman mo. For the first time, nakita kitang umiyak. For the first time, tinanong mo ako kung mahal pa ba kita. Hindi ako sumagot. Wala akong makuhang isasagot sayo.
And for the first time, sumuko ka na.
All this time, sobrang nasasaktan na pala kita? Totoo ngang makasarili ako. Ang sama kong tao. Ang sama kong girlfriend. Sinasaktan ko ‘yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako.
Sa mga nagdaang araw, napansin ko ang pananahimik mo. Habang ako, walang nagbago at ganon pa rin.
Hindi ko alam kung bakit pero, bakit hindi manlang ako nasaktan sa nangyaring paghihiwalay natin? Bakit okay na okay ako? Nang gabing nakipag-hiwalay ka sa akin ay ni hindi manlang ako umiyak. Parang mas lumuwag pa nga ang pakiramdam ko. Ngayon, sasabihin ko kung ano ang nasa isip ko.
Masaya ako na wala na kami. Masaya ako na sa akin na muli ang mga oras ko. Masaya ako na wala nang mangungulit pa sa akin. Masaya ako na wala nang pupuna sa mga kilos ko. Masaya ako na wala ka na sa piling ko.
Bakit ganon?
Hindi ko malaman kung bakit ganito, kasi gustong-gusto ko magkaroon ng boyfriend eh. Pero nang nandiyan na, hindi ko pinahalagahan. Siguro nga, hindi pa ‘to ang tamang panahon para sa mga bagay na ‘yon.
Napunta sa gawi mo ang atensiyon ko, hindi ka na kagaya ng dati. Hindi ko na nasisilayan pang muli ang mga ngiti mo. Hindi ko na narinig pa ‘yung malakas na tawa mo na nakakakuha ng atensiyon nang lahat ng nandito sa room.
May mga salitang pumasok sa isip ko nang mag-iwas ako ng tingin palayo sayo,
Pasensiya ka na, Haru.
![](https://img.wattpad.com/cover/249682080-288-k619876.jpg)