Althea POV
'GUSTO kong matawa sa sinasabi niya.Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya pero nakakatawa siya.Wala akong pake sa mga salitang lumabas sa bibig niya dahil nakakasuka.
"Your just a pathetic bitch!"itinutok niya ang baril sa aking noo.Ramdam ko ang bunganga ng baril sa noo ko....halos pagpawisan ako ng malamig "Kating-kati na ang kamay ko sa pagpihit ng letsing baril na ito.Ngunit marami pa akong sasabihin saiyo pero sa sobrang dami ay wala aking maisip kong ano ang sisimulan ko! Ha!"
Pinaglandas niya ang bunganga ng baril sa buong mukha.Natatakot ako na baka bigla siyang maulol at ipaputok niya ito sa akin na walang paalam.Demonyita pa ang babaeng ito!
"Any last wish,Mahal na Prinsesa"nakangising bigkas niya bago niya tinanggal ang tela na nakatakip sa bibig ko "Magsalita ka!"napatalon ako ng bigla siyang sumigaw at itinutok muli sa noo ko ang baril.
Sinubukan kung ibuka ang aking bibig ngunit walang salitang namutawi.Tahimik naglandas ang luha ko.Hindi ko alam kung para saan ang mga luha ito.Luha ba ito ng aking huling hininga? Luha ng paghihirap? Luha ng takot? Hindi ko alam!!
Nanginginig kong nilingon si Kayzer.Ngayon ko lang napansin na nakatingin na ito sa akin.Kita ko kung gaano niyang nais magsalita at gumapang papalapit sa akin ngunit hindi nakayanan ng katawan niya.Halos hindi ko na siya nakilala dahil sa mga bakas ng bugbug at pasa sa mukha niya.Mas lalo akong napaluha.
Nilingon ko muli si Dianna "Papayag ako sa gusto mo,sa isang kondisyon...."binalingan ko ng tingin si Kayzer at mapait ngumiti....umiling ito "Basta pakawalan mo lang si Kayzer"ngunit isang tawa lamang ang aking natanggap galing sa bruha.
"Ano ako!? Tanga!? Kayang-kaya ko kayong patayin kahit wala pang kondisyon!"
"Pe...pero nais kong pakawalan mo si Kayzer!"
Hinawakan niya ang kanyang baba na para bang nag-iisip at nakangising niya nilingon ang lalaki"Ano bang meron kay Kayzer? Siya na ba ang mahal mo? At hindi si Baby Blake ko!?"
Napatahimik ako sa sinabi niya.Si Blake nga pala nasaan? Inilibot ko ang buong lugar ngunit walang Blake akong maaninag.
"Wag kang mag-aalala.Ligtas ang mahal na prinsipe dahil ang mahal na prinsesa lamang ang nais ko pero nang dahil may pabidang prince charming kaya ito nadamay"
"Dianna! Ano ba ang nais mo!?"
"Nais ko? Ang buhay mo....gago ka!"
Nabaling ang mukha ko ng bigla niyang hinampas ang baril sa pisngi ko.Biglang namanhid ang pisngi ko sa sobrang lakas noon.
"Buhay mo ang gusto ko,Althea!"bahagya itong umatras ng dalawang hakbang at itinutok sa akin ang baril "Kaya ngayon...kukunin ko na!"dugtong niya sabay sa pagputok ng baril na hawak niya
YOU ARE READING
My Boss Is My Ex-Husband (COMPLETED)
RomanceAlthea Scoth has finally moved on from her tumultuous past with her ex-husband, Blake. With a fulfilling new life and a loving partner and her son, Kayzer and Blaze, she's ready to start fresh in her new job as a secretary. However, her hopes for a...